backup og meta

Pangangati sa Gabi, Ano ang Maaaring Sanhi Nito?

Pangangati sa Gabi, Ano ang Maaaring Sanhi Nito?

Ang pangangati sa gabi ay hindi lang nagiging sanhi ng hirap sa pagtulog, ito rin nagdudulot ng pagkabalisa sa iyo dahil sa hindi maipaliwanag na pangangati. Pero, bakit nga ba kumakati ang balat mo tuwing gabi? Ito ba ay senyales ng seryosong kondisyon? Alamin dito.

Ano ang Sanhi ng Pangangati sa Gabi?

psoriasis causes

Ang ilang mga tao na nangangati sa gabi ay hindi makatulog dulot ng discomfort: ang iba ay nakakatulog nang saglit, at bigla na lamang gigising dahil mangangati. Totoo na ang pangangati ay nangyayari dahil sa regulasyon ng katawan sa temperatura, ngunit posible rin na sanhi ito ng kondisyon.

Nocturnal pruritus ay ang isa sa dahilan kung bakit ka nakakaranas ng pangangati sa gabi na pwedeng makaapekto sa pagtulog ng mga bata at matanda. Kung saan ang kondisyon na ito ay maaaring maranasan dahil sa maraming mga rason at factor, gaya ng mga sumusunod:

1. Natural na mekanismo ng katawan: Ang iyong natural na circadian rhythm o pang-araw-araw na gawain ay maaaring maapektuhan ang maraming function ng katawan, tulad ng regulasyon sa temperatura at fluid balance. Kadalasang sanhi ng pagbabago sa skin function ang pagtaas ng temperatura at daloy ng dugo, na sanhi ng pangangati tuwing gabi.

2. Pangangati dahil sa pagbabago ng hormones: Maaaring mag-release ang iyong katawan ng tiyak na substances depende sa oras ng araw. Sa gabi, ang katawan ay nagre-release ng mas maraming cytokines, na nagsusulong ng inflammation sa katawan. Karagdagan, ang hormones na nagbabawas ng inflammation, tulad ng corticosteroids, ay nababawasan tuwing gabi.

3. Dehydrated na balat sa gabi: Isa sa mga pangkaraniwang rason ng pangangati sa gabi ay ang skin dehydration. Kung saan ang malamig na panahon ay nagiging sanhi ng pangangati dahil nagpapa-dry nito ng balat.

Kondisyon sa Kalusugan Na Sanhi ng Pangangati 

Maliban sa mga nabanggit sa itaas, may tiyak na kondisyon sa kalusugan na nagiging sanhi ng pangangati sa gabi. Ang ilan dito ay:

postpartum hives

  • Pagbubuntis
  • Biglaang pagdagdag ng timbang o bawas
  • Sakit sa atay at bato
  • Anemia
  • Restless Leg Syndrome
  • Problema sa thyroid
  • Cancers, tulad ng leukemia at lymphoma
  • Sakit sa balat, tulad ng atopic dermatitis (eczema), psoriasis, at urticaria
  • Allergies sa substances, tulad ng tiyak na kemikal, gamot, pagkain o cosmetics
  • Estado sa sikolohikal, tulad ng stress, depression, at schizophrenia
  • Neurological disorders tulad ng multiple sclerosis, shingles (zoster) at diabetes
  • Mga sakit sanhi ng germs o viruses, tulad ng scabies, lice, bed lice at pinworms

Paano Lunasan ang Pangangati 

Kung nararanasan mo ang katamtamang pangangati sa gabi at hindi nagsususpetya ng kondisyon sa kalusugan, ikonsidera ang mga sumusunod na payo:

1. Lunasan ang Makating Balat ng Gamot

Ikonsidera ang pagbili ng over-the-counter na gamot upang mawala ang pangangati. Maaaring magrekomenda ang pharmacist ng gamot sa pangangati upang makatulong sa pagtulog. Ang halimbawa ng mga gamot na maaaring irekomenda ng mga eksperto ay:

  • Steroid cream
  • Drug melatonin na nagre-regulate ng pagtulog
  • 1st Generation antihistamines, tulad ng chlorpheniramine (Chlor-Trimeton), diphenhydramine (Benadryl), hydroxyzine (Vistaril) at promethazine (Phenergan)
  • 2nd generation antihistamines, tulad ng fexofenadine (Allegra) o cetirizine (Zyrtec)

2. Lunasan ang Pangangati Gamit ang Panlunas sa Bahay

Kung hindi mo nais na gumamit ng mga gamot, maaari mong subukan ang mga sumusunod na lunas sa bahay upang mawala ang pangangati:

  • Maligo gamit ang mainit na tubig.
  • Maglagay ng cold compress sa nangangating bahagi.
  • Maglagay ng alcohol-free moisturizer sa umaga at bago matulog.
  • Gumamit ng humidifier upang bumuo ng kanais-nais na atmosphere upang makatulong na makatulog nang maayos.
  • Regular na linisin ang tinutulugan, partikular na sa kama, sapin ng kama, at mga punda.

Kung stress ang dahilan ng pangangati sa gabi, subukan ang meditation, yoga, at ibang mga ehersisyo upang ma-relax at kumalma ang isip. Maaari ka ring bumisita sa isang therapist para sa cognitive behavioral therapy (CBT) kung ang home therapy ay hindi naging mabisa.

Mga Dapat Tandaan sa Pangangati

Kung nakararanas ng pangangati sa gabi, narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan upang maiwasan ang kondisyon.

  1. I-adjust ang temperatura ng kwarto: Kung posible, panatilihin ang temperatura ng kwarto sa cool level na nasa 15.6°C hanggang 19.4°C. Kung hindi kaya, siguraduhin na ang kwarto ay well-ventilated.
  2. Magsuot ng malalambot ng damit: Pumili ng mga damit mula sa natural na materyales, tulad ng cotton o silk. Iwasan ang paggamit ng fabrics na nakaiirita sa balat.
  3. Limitahan ang stimulants: Kailangan mong iwasan ang pagkakape o pag-inom ng mga alak bago matulog sa gabi. Ang mga substances na ito ay nakakapag-dilate ng blood vessels at nakapagpapataas ng daloy ng dugo at temperatura.
  4. Basahin nang mabuti ang mga sangkap ng cosmetics: Iwasan ang paggamit ng cosmetics, lotions, o sabon na na may fragrance o substances na maaaring makapag-irita sa balat.
  5. Iwasan ang pagkamot: Ang pagkamot ay nakapipinsala sa balat, at nagpapalala ito ng kondisyon. Sa halip, ikonsidera ang cold compress, moisturizer, o mainit na tubig sa pagligo upang mawala ang pangangati. Gayundin, regular na gupitan ang mga kuko upang malimita ang pinsala sa pagkakamot.

Ang pangangati sa gabi ay maaaring hindi seryoso, ngunit nakaaapekto ito sa pangkalahatang oras. Kaya’t agad na humanap ng lunas. Ang ilang lunas sa bahay ay epektibo. Gayunpaman, kung ang pangangati ay hindi bumuti sa loob ng 2 linggo o may kasamang ibang mga sintomas, tulad ng pagbawas ng timbang, fatigue, at lagnat, agad na magpatingin sa doktor.

Matuto pa ng Pangangalaga sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Itchy Skin at Night? Why It Happens and What You Can Do About It

https://mayoclinic.org/diseases-conditions/itchy-skin/symptoms-causes/syc-20355006

Accessed December 19, 2021

What Causes Itchy Skin at Night?

aafp.org/afp/2003/0915/p1135.html

Accessed December 19, 2021

https://www.aad.org/public/everyday-care/itchy-skin/itch-relief/relieve-uncontrollably-itchy-skin

Accessed December 19, 2021

What’s to know about itchy skin at night?

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/itchy-skin/diagnosis-treatment/drc-20355010

Accessed December 19, 2021

https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/health-and-wellness/2017/february/dry-skin

Accessed December 19, 2021

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement