backup og meta

Paltos sa Balat: Bakit Ba Nagkakaroon Nito?

Paltos sa Balat: Bakit Ba Nagkakaroon Nito?

Ano ang mga paltos sa balat?

Ang mga paltos ay dome-shaped, at may likidong “bula” sa balat. Nabubuo ito dahil sa skin injury, kondisyong medikal, o allergy. Kung maiiwang intact, ang mga paltos ay maaaring maging natural dressing na nagpoprotekta ng balat mula sa impeksyon.

Ang paltos sa balat ay nabubuo kapag naiipon ang fluid sa ilalim at paligid ng napinsalang balat. Ang fluid na ito ay tinatawag na serum o serous fluid. Ito ay binubuo ng dugo na walang blood cell o clotting proteins.

Naglalabas ng fluid na ito ang ating katawan para takpan ang napinsalang bahagi at i-inflate ang bahaging iyon ng balat. Tinatakpan din nito ang pinsala at pinipigilan itong magkaroon ng impeksiyon.

Ang mga paltos ay medyo madaling mapansin dahil ito ay namamaga, kung minsan ang inflamed spot ng balat na ito ay maaaring makati, masakit o pareho. Maaari rin magkaroon ng pamumula sa paligid ng paltos na nangyayari kadalasan kapag nakapaligid na tissue ay namamaga.

Mga sanhi ng paltos sa balat

Maraming mga kadahilanan o sanhi na maaaring humantong sa pagbuo ng mga paltos sa balat. Kabilang sa mga ito ay:

Intense friction

Ang friction blister ay nangyayari kapag ang balat ay sumailalim sa matinding pagkuskos o friction. Kapag nagkaroon ng intense friction ay maaaring maghiwalay at mapuno ng serous fluid ang balat. Dito nagkakaroon ng blister o paltos.

Ang fluid na ito ay puno ng mga bitamina, mineral, at protina na maaaring makatulong na mapabilis ang paggaling. Ang ganitong uri ng paltos ay karaniwan sa mga atleta, construction worker, rock climber, bodybuilder, o sinumang nabubuhay sa isang aktibong lifestyle.

Matinding temperatura

Nagkakaroon ng serous fluid sa anumang bahagi ng katawan na napinsala ng napakataas o napakababang temperatura. At kapag nasusunog, kadalasang ang 2nd-degree na paso o mas malala pa, ay nada-damage ang malalalim na layer ng balat. Dito magsisimulang punan ng serous fluid ang nasugatang bahagi para makatulong sa paggaling at maiwasan ang impeksiyon.

Sa kabilang banda, ang matinding lamig ay maaaring makapag-freeze ng tubig sa mga selula (cell) ng ating balat at tissue, na nagiging sanhi ng paglaki at pagkikristal nito sa maliliit, matutulis, crystals of ice na maaaring makapunit sa ating balat at muscles. At pagkatapos, ang ating katawan ay magre-release ng serous fluid para i-patch ang sugat.

Mga impeksyon

Ang mga paltos ay makikita sa ilang partikular na bacterial skin infections. Halimbawa, nabubuo ang mga paltos kapag nagkakaroon ng impetigo ang isang tao. Ang bakterya na nagdudulot ng impetigo ay naglalaman ng mga protina na nagiging sanhi ng paghihiwalay ng upper layers ng balat at nagpapahintulot sa nana na maipon sa loob ng mga paltos.

Ang impeksyon ay magiging sanhi para hindi lamang serous fluid ang i-release ng ating katawan, kundi pati na rin ng mga antibodies tulad ng mga white blood cell para labanan ang impeksyon.

Intense impact o trauma

Ang isa pang sanhi ng mga paltos ay maaaring isang injury na dulot ng trauma dahil sa blunt force. Ang malakas na impact ay maaaring maging dahilan upang ang maliliit na daluyan ng dugo sa ating balat ay mag-rupture. Nagiging dahilan ito ng paglabas ng dugo at sa pagitan ng mga nasirang layer ng balat. Ang mga nasirang layer ng balat ay magpapahintulot sa dugo na tumagas at bumuo ng blood blisters.

Pangangati ng balat o allergy

Ang malalakas na kemikal na makikita sa potent cleaners at pang-industriya na mga disinfectant at detergent ay maaaring makairita sa balat. Maaari silang maging dahilan ng inflammatory reaction na nagpapahintulot sa pagbuo ng mga paltos. Sa mga taong may sensitibong balat, ang mga paltos ay maaaring mangyari kapag may matinding allergic reaction. Kasama na rin dito ang reaction sa gamot o kaya kagat ng insekto.

Mga kondisyong medikal

Ang mga paltos ay maaari ring mabuo bilang resulta ng iba pang kondisyong medikal. Kasama na dito ang eczema, herpes, bulutong-tubig, at ilang mga autoimmune disorder ng balat.

Ang mga sakit na ito ay nagiging sanhi ng ating mga katawan na maglabas ng malaking amount ng mga antibodies para labanan ang mga ito. Sa kasamaang palad, ang mga sakit na ito ay maaaring makapinsala sa mga selula (cell) na naghihiwalay sa mga layer ng balat. Ang mga separated layer na ito ay magiging dahilan ng pagbuo ng mga gaps at pag-fill up ng serous fluid na magdudulot ng mga paltos.

Tritment at pag-iwas sa mga paltos sa balat

Dahil ang mga paltos ay karaniwang sanhi ng external stresses, ang pag-iwas sa mga pinsala at pagpapanatili ng isang malusog na lifestyle ay maaaring makatulong na maiwasan ang mga paltos. Makatutulong din sa’yo ang pagsusuot ng guwantes at kagamitang pang-proteksyon para maiwasan ang pagkakaroon ng friction blisters.

Ang paggamot sa mga paltos ay karaniwang hindi kinakailangan. Ngunit maaaring ligtas na gamutin kung ang paltos ay nasa isang inconvenient location. Una, linisin ang paligid gamit ang sabon. Gumamit ng isang isterilisadong karayom ​​para makagawa ng isang maliit na paghiwa sa paltos. Huwag tanggalin ang maluwag na balat na dulot ng paltos, at sa halip, lagyan ng ointment at takpan ng dressing para maiwasan ang mga impeksyon.

Key Takeaways

Huwag masyadong mag-alala kung magkakaroon ka ng paltos. Karaniwang nangangahulugan ito na ang iyong katawan ay lumalaban o nasa proseso ng paggaling. Siguraduhin lamang na ang paltos ay hindi dahil sa isang nakapailalim na kondisyong medikal. Kapag may pagdududa, kumunsulta sa iyong doktor.

Alamin ang Iba Pang Sakit sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

BLISTERS (OVERVIEW), https://www.health.harvard.edu/a_to_z/blisters-overview-a-to-z

Accessed January 16, 2021

 

BLISTERS: FIRST AID, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-blisters/basics/art-20056691

Accessed January 16, 2021

 

Blisters – Injuries & first aid | NHS inform, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/injuries/skin-injuries/blisters

Accessed January 26, 2021

 

Blisters (Overview), https://www.health.harvard.edu/a_to_z/blisters-overview-a-to-z

Accessed January 26, 2021

 

FRICTION BLISTER, https://dermnetnz.org/topics/friction-blister/#:~:text=A%20friction%20blister%20occurs%20when,a%20subepidermal%20bulla%20(blister).

Accessed January 16, 2021

Kasalukuyang Version

06/06/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement