backup og meta

Paano Makaiiwas sa Scabies? Alamin Dito ang mga Tips

Paano Makaiiwas sa Scabies? Alamin Dito ang mga Tips

Ang scabies ay isang parasitic infestation na sanhi ng human itch mite o Sarcoptes scabiei var. hominis. Sa tagalog ang scabies ay “galis.” Naglalagi ang parasite sa itaas na layer ng balat ng tao at nangingitlog. Ito ang nagti-trigger ng immune response na labis na pangangati at rahes na tulad ng tigyawat. Ito ang pinaka tipikal na manipestasyon ng infestation. Ang pagsunod kung paano makaiiwas sa scabies o galis ay makaiiwas sa infestation.

Paano Naipapasa ang Galis?

Paano makaiiwas sa scabies? Nangyayari ang galis sa buong mundo. Ang makating mite ay normal na naipapasa sa pamamagitan ng direkta at matagal na skin-to-skin na contact sa taong mayroon nito. Madali itong kumalat, lalo na sa mga kondisyon na may madalas na malapit na body contact. Ang mga lugar kung saan maraming mga tao ang nakatira ay mas maaaring magkaroon ng scabies outbreak. Karagdagan, ang mga mites ay makikita rin sa mga furniture, damit at kama.

Madaling maipasa ang infestation hindi lang sa miyembro ng pamilya ngunit pati na rin sa mga sexual partners. Sa mga matatanda, madalas na nakukuha ang galis dahil sa sekswal na koneksyon. Napupunta ang parasite sa iba’t ibang tao kung ang damit, tuwalya, o kama ay pinagsaluhan ng kahit isang taong mayroon nito. Mabilis ding mangyari ang hindi direktang transmission kung ang infested na tao ay may kinaskas na galis.

Ang pinaka maaaring kapitan ay ang mga grupo ng bata at matatanda na namumuhay sa mahihirap na komunidad na may limitadong access sa lunas. Sila ang mas maaaring magkaroon ng galis at ibang secondary na komplikasyon.

Ang pinakamataas na rate ng infestation ay nangyayari sa mga bansa na may mainit at tropikal na klima. Sa usapang global, nasa 200 milyong tao ang apektado nito. Dahil dito, ang pag-alam ng pinakamainam na pag-iwas ng galis ay mahalaga upang protektahan ang kalusugan.

Ano ang mga Sintomas ng Scabies o Galis?

Ang pinakamainam na paraan paano makaiiwas sa scabies ay nagsisimula sa pag-alam ng senyales at sintomas.

Kabilang dito ang:

  • Labis na pangangati, lalo na sa gabi
  • Manipis at hindi regular na linya sa balat na sanhi ng blisters o maliit na bukol

Ang mga burrows na ito o tracks ay nakikita sa fold ng balat at maaaring matagpuan sa kahit na anong parte ng katawan.

Maaaring madalas makita ang scabies sa bata at medyo matandang bata sa pagitan ng mga daliri, sa kilikili, sa bewang, sa loob ng kamao, o loob ng siko, sa talampakan, sa paligid ng suso, sa paligid ng ari ng lalaki, sa puwet, at sa mga tuhod.

Ang mga sanggol at mga bata ay maaari din itong maranasan. Sa age group na ito, kadalasang nangyayari ang infestation sa anit, palad ng mga kamay at sa talampakan.

Para sa mga indibidwal na nakararanas ng infestation sa unang pagkakataon, ang mga sintomas na ito ay maaaring mangyari sa loob ng 6 na linggo sa simula na magpakita. Para sa umuulit na infestation, ang senyales at sintomas ay nangyayari sa loob ng ilang araw matapos ang exposure. Maaaring ikalat ng mga carriers ang scabies kahit na hindi sila nakararamdam ng sintomas.

Paano Nilulunasan ang Scabies o Galis?

Maaaring patayin ang mga scabies mites at mga itlog nito sa pamamagitan ng produkto na tinatawag na scabicides. Ngunit kakailanganin mo ng reseta ng doktor upang bilhin ito.

Laging sundin ang panuto ng doktor at pharmacist maging ang nasa loob ng box. Ang mga matatanda at medyo matandang mga bata ay gumagamit ng scabicide cream o lotion at inilalagay ito sa buong katawan, maging sa ulo at leeg. Ito ay kailangan na manatili sa katawan ng ilang minuto bago tanggalin. Kailangan na magsuot ng malinis na mga damit ang may galis.

Upang maiwasan ang reinfestation, lahat ng mga may galis ay kailangang sumailalim ng gamutan sa parehong pagkakataon. Maaaring ulitin ang lunas kung ang pangangati ay hindi pa humihinto sa loob ng dalawang linggo o kung may bagong burrows o rashes na lumabas.

Kung ikaw ay naghahanap ng pinakamainam na pag-iwas sa galis, mayroon ding mga natural na lunas na mabibili para sa mga tao na humahapdi ang balat, namumula, o namamaga at maging ang pamamanhid o tingling mula sa tradisyonal na lunas. 

Kabilang dito ang tea tree oil, aloe vera, capsaicin cream, essential oils, at tiyak na mga sabon. Ang pinaka layunin ay pawalain ang pangangati ng balat, iritasyon at rashes, bagaman ang ilan sa mga ito ay kilala bilang pamatay ng mite.

Pinakamainam na Pag-iwas sa Scabies at Tips

Para sa pinakamainam na pag-iwas sa scabies, linisin ang lahat ng damit at linens sa pamamagitan ng mainit at masabon na tubig na ginamit ng tatlong araw bago magsimula ang lunas. Patuyuin sa mainit na lugar. Ang mga gamit na hindi pwedeng labhan sa bahay ay kailangan na ipa-dry clean. Huwag hayaan ang mga mites na magkaroon ng pagkain sa pamamagitan ng paglalagay ng mga hindi pa nalabhang gamit sa sealed plastic bag at ilagay ito sa garahe ng ilang linggo. Maaaring mamatay ang mga mite matapos ang ilang mga araw na walang pagkain.

Mahalagang Tandaan

Ang scabies ay sanhi ng parasitic mites na namamahay sa balat at nangingitlog. Nagiging sanhi ito ng rashes na may bumps. Ang mga ito ay nalulunasan sa pamamagitan ng scabicides, ngunit lahat ng miyembro ng pamilya at kamakailan na sexual partner ay kailangan ding sumailalim sa lunas dahil ito ay labis na nakahahawa.

Ang pinakamainam na pag-iwas sa scabies ay kabilang ang paglalaba mabuti ng mga damit, bed linens, at gutumin ang mites sa pagkain.

Matuto pa tungkol sa Ibang Sakit sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Scabies, https://www.who.int/westernpacific/health-topics/scabies, May 3, 2020

GMA News, https://www.youtube.com/watch?v=J7XS-ujVY9w, May 3, 2020

Scabies Frequently Asked Questions, https://www.cdc.gov/parasites/scabies/gen_info/faqs.html, May 3, 2020

Everything You Need to Know About Scabies, https://www.healthline.com/health/scabies#home-remedies, May 3, 2020

Scabies, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/scabies/symptoms-causes/syc-20377378, May 3, 2020

5 Home Remedies for Scabies, https://www.healthline.com/health/home-remedies-for-scabies, May 3, 2020

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement