backup og meta

Malusog na Kuko: Paano Mo Ito Malalaman?

Malusog na Kuko: Paano Mo Ito Malalaman?

Naranasan mo na bang mas bigyang-pansin ang iyong mga kuko? Para sa ilan, ang sagot ay maaaring oo, dahil ang pagpapanatili ng malusog na kuko ay mahalaga sa self-grooming.

Gayunpaman, ang ilang tao ay maaaring paminsan-minsan ay pinuputol nila ang kanilang mga kuko, at wala naman akong gaanong masasabi tungkol sa kanila.

Ang mga kuko ay madaling balewalain ngunit alam mo ba na sila rin ay maaaring gumanap ng mahalagang papel sa kalusugan ng isang tao? Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa malusog na kuko kumpara sa hindi malusog na kuko.

Bakit Mahalaga ang mga Kuko?

Ang mga kuko ng mga daliri at paa ay bahagi ng integumentary system. Ito ay bumubuo sa bahagi ng katawan na nagbibigay-daan sa sensasyon at nagpoprotekta sa iba pang bahagi ng katawan mula sa external damage.

Ang mga kuko, sa partikular, ay gawa sa mga compacted sheets ng keratin, na isang protina na tumutulong din sa pagbuo ng buhok at epidermis ng balat.

Bagama’t ang mga kuko ay itinuturing na “accessory structure” lamang ng integumentary system, ay pinadadali nito ang iyong buhay. Bukod sa pagprotekta sa mga daliri mula sa pinsala, pinadali din ng mga kuko ang paghawak sa ilang bagay.

Mga Bahagi ng Kuko

Pagdating sa pag-unawa sa malusog na kuko kumpara sa hindi malusog na kuko, dapat mo munang malaman ang mga natatanging bahagi ng kuko. Ang kuko ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi lalo na:

  • Free margin
  • Nail plate
  • Nail root

Gayunpaman, lumalaki ang mga kuko mula sa ugat ng kuko o nail matrix, na matatagpuan sa ilalim ng balat. Ang nail matrix ay naglalaman ng mga cells na naghahati at nagtutulak palabas ng mga ng mga patay na cells na naglalaman ng keratin, na siyang nakikita natin bilang nail plate.

Ang mga kuko sa daliri ay kadalasang lumalaki nang mas mabilis kaysa sa mga kuko sa paa. Sa katunayan, ang mga kuko ay maaaring lumaki ng 0.55 mm hanggang 1.2mm bawat linggo.

Paano Pangalagaan ang Iyong Mga Kuko

Ang pagsasagawa ng good hygiene at self-grooming habits ay maaaring gumawa ng isang pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaroon ng malusog na kuko kumpara sa mga hindi malusog na kuko. Nasa ibaba ang ilang mga tip at good habits na dapat gawin para masigurado na mananatiling maayos ang iyong mga kuko:

Huwag putulin ang iyong cuticles

Ang cuticle ay isang translucent layer ng mga patay na skin cells. Ang mga ito ay karaniwang matatagpuan sa gilid ng nail plate.

Kung nakagawian mo nang putulin ang iyong mga cuticle mas mabuting ihinto ang paggawa nito. Pinipigilan ng cuticle ang bakterya na makapasok sa lugar ng nail matrix, at ang pagputol nito nang mas maikli ay ginagawang mas mahina ang mga kuko. Kung hindi mo sinasadyang magputol ng kuko gamit ang hindi malilinis na kasangkapan, ine-expose mo rin ang iyong sarili sa mas maraming bakterya.

Sa susunod na magpa-manicure ka, hilingin sa iyong nail technician na itulak na lang pabalik ang mga cuticle sa halip na putulin ang mga ito.

Gupitin ang iyong mga kuko ayon sa hugis ng iyong daliri

Ayon sa American Academy of Dermatology Association, ang pagputol ng iyong kuko sa hugis ng iyong mga daliri ay nagsisigurado na ang kuko ay mananatiling malakas. Karaniwan, ang mga kuko ay pinuputol nang straight pagkatapos ay ginagawang bilugan sa mga gilid.

Ang Pagprotekta sa’yong kamay ay pagprotekta sa iyong mga kuko

Sa tuwing naghuhugas ka ng mga pinggan, naglilinis, o humahawak ng anumang matapang na kemikal, pinakamahusay na gumamit ng guwantes para maprotektahan hindi lamang ang balat, kundi pati na rin ang mga kuko. Maiiwasan nito ang paglaki ng bakterya sa ilalim ng kuko.

Huwag kagatin ang iyong mga kuko

Kinagat ng mga tao ang kanilang mga kuko sa iba’t ibang dahilan. Gayunpaman, ang ugali na ito ay maaaring maging lubhang nakakapinsala sa iyong mga kuko. Ang sobrang pagkagat ng kuko ay maaaring magdulot ng pangangati at maaaring humantong sa mga impeksyon sa balat na malapit sa kuko o sa mismong kuko. Ang isang paraan para pigilan ang ugali ng pagkagat ng kuko ay ang paghahanap ng ibang bagay na mapaglilibangan.

Huwag magsuot ng sapatos na masyadong masikip

Ang pagsusuot ng sapatos na masyadong masikip ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga kuko ng paa at maging sanhi ng madalas na pananakit ng paa. Ang pagsasaalang-alang ng iyong isinusuot sa araw-araw ay magpapakita ng pagkakaiba ng malusog na kuko kumpara sa hindi malusog na kuko.

Manicures at Pedicures

May mga taong pumupunta sa mga salon para magpa-manicure o pedicure. Kung ikaw ay isang taong regular na nagpapa-manicure o pedicure, siguraduhing tandaan ang sumusunod:

Kung kaya mo, magdala ng sarili mong mga tool tulad ng nail clipper at nail files. Makasisigurado ka na hindi ka magkakaroon ng mga impeksyon mula sa mga tool na ginamit sa ibang tao. Kung hindi ka makapagdala ng sarili mong mga tool, siguraduhing ang mga tool na ginagamit ng iyong nail technician ay isterilisado at nililinis nang maayos.

Maaaring kapaki-pakinabang din na iiskip ang nail polish. Maaaring makapinsala sa mga kuko ang mga matatapang na kemikal tulad ng nail polish o nail polish remover at maging sanhi ng pagkawala ng kulay o pagkabasag nito. Kung pinaghihinalaan mong humihina ang iyong mga kuko dahil sa paulit-ulit na manicure o pedicure, gumamit ng nail hardener. Gayundin, pumili ng mga acetone-free nail polish removers kapag available ang mga ito.

Malusog na Kuko kumpara sa Hindi Malusog na Kuko: Mga Palatandaan ng Problema sa Kuko

Pagdating sa pagsasaalang-alang ng Karaniwan, ang pagbabago sa kulay o texture ay maraming nasasabi. Dahil dito nakikita ang pagkakaiba sa pagitan ng malusog na kuko kumpara sa hindi malusog na kuko. Nasa ibaba ang ilang indikasyon ng mga pinagbabatayan na isyu sa kuko:

  • Ang mga kuko na pumuti sa kabuuan – hindi lamang ito basta tip, maaaring nagpapahiwatig ito ng hepatitis o kidney failure.
  • Kapag ang isang tao ay anemic, ang kanilang mga kuko ay maaaring lumitaw na mas maputla kaysa karaniwan.
  • Ang mga kuko na nagiging dilaw ay maaaring isang senyales ng pinsala mula sa nail polish. Maaari rin itong simula ng fungal infection.
  • Ang mga indentasyon sa mga gilid ng mga kuko ay kilala bilang Beau’s Lines. Ito ay maaaring maging tanda ng psoriasis o mga problema tungkol sa paggana ng bato.
  • Kapag naalis ang nail plate mula sa balat ng nail bed, maaaring ito’y nagpapahiwatig ng sakit sa thyroid o resulta ng fungal infection.

Key Takeaways

Malusog na kuko laban sa hindi malusog na mga kuko, paano mo malalaman? Ang mga kuko ay isang bahagi ng katawan na madalas hindi na napapansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi mo dapat alagaan ang mga ito.
Tandaan na regular na putulin ang mga ito at iwasan ang anumang nakakapinsalang habit. Kabilang na rito ang pagkagat o paglalagay ng nail polish. Kung napansin mo ang anumang biglaang pagkawala ng kulay o pagbabago sa hitsura, kumunsulta sa isang medical professional. Ito ay para matukoy ang ugat ng iyong problema at agad na masolusyonan.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Introduction to the Integumentary System https://bio.libretexts.org/Bookshelves/Human_Biology/Book%3A_Human_Biology_(Wakim_and_Grewal)/13%3A_Integumentary_System/13.2%3A_Introduction_to_the_Integumentary_System Accessed November 19, 2020

Definition of keratin https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/keratin Date Accessed November 19, 2020

What are fingernails made of? https://askdruniverse.wsu.edu/2016/01/04/what-are-fingernails-made-of/ Accessed November 19, 2020

What kids should know about nail care https://www.aad.org/public/parents-kids/healthy-habits/parents/kids/nail-care Accessed November 19, 2020

Fingernails: Do’s and don’ts for healthy nails https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/nails/art-20044954 Accessed November 19, 2020

12 Disease Signs – Found On Our Fingernails https://www.aurorahealthcare.org/patients-visitors/blog/12-disease-signs-found-on-our-fingernails Accessed November 19, 2020

6 Things Your Nails Say About Your Health

https://health.clevelandclinic.org/6-things-your-nails-say-about-your-health/ Accessed November 19, 2020

Kasalukuyang Version

01/05/2023

Isinulat ni Jacob Defante

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jacob Defante · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement