Dahil sa matinding init ng panahon, gagawin natin ang kahit anumang paraan na posible upang makaramdam ng lamig. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng paginom ng nagyeyelong inumin, o paglalagay ng yelo o malamig na bimpo sa iyong mukha upang matanggal ang init na nararamdaman. Ngunit, alam mo ba na maaari kang magkaron ng imon imon sa balat dahil sa biglaang cold exposure? Alamin kung ano ito.
Ano ang Imon imon sa Balat?
Ang imon imon sa balat, o cold urticaria kung tawagin sa Ingles, ay isang reaksyon ng balat sa lamig. Ito ay lumilitaw sa loob ng ilang minuto pagkatapos ng naturang cold exposure. Kalaunan, ang apektadong balat ay nagkakaroon ng makakati na welts o pantal.
Ito ay madalas na nangyayari sa mga kabataan. Ang iba ay maaaring sensitibo at maaaring magkaroon ng mga pantal dahil sa simpleng paglalakas sa isang naka-air condition na lugar. O kaya naman, sila ay malapit sa isang freezer case sa isang grocery store.
Ang mga taong mayroong imon imon sa balat ay nakararanas ng iba’t ibang sintomas. Posible ang pagkakaroon ng minimal na reaksyon sa lamig, habang ang iba ay maaaring makaranas ng malubhang reaksyon. Para sa ilang taong may ganitong kondisyon, ang paglangoy sa malamig na tubig ay maaaring humantong sa napakababang presyon ng dugo, pagkahimatay o pagkabigla.
Ano ang mga Sintomas ng Imon imon sa Balat?
Kabilang sa mga posibleng sintomas ng imon imon sa balat ay ang mga sumusunod:
- Pansamantalang makati na mga welts (pantal) sa bahagi ng balat na na-expose sa lamig
- Pamamaga ng mga kamay habang may hawak na malamig na bagay
- Ang paglala ng reaksyon habang umiinit ang balat
- Pamamaga ng labi dahil sa pagkonsumo ng malamig na pagkain o inumin
- Pamamaga ng dila o lalamunan
Kung ikaw naman ay may malubhang reaksyon sa lamig, maaari mong maranasan ang mga sumusunod:
- Tugon ng buong katawan (anaphylaxis), na maaaring magdulot ng pagkahimatay, pagbilis ng tibok ng puso, pamamaga ng mga paa o katawan, at pagkagulat
- Pamamaga ng dila at lalamunan, na maaaring humantong sa hirap na paghinga
Ang mga nabanggit na sintomas ay maaaring lumabas kaagad matapos ang biglaang pagbaba ng temperatura. Maaaring maging sanhi ng paglala ng mga sintomas ang mamasa-masa at mahangin na kondisyon. Dahil dito, ang bawat episode ay maaaring tumagal nang humigit-kumulang dalawang oras.
Sino ang Maaaring Magkaroon ng Imon imon sa Balat?
Lahat ng tao, anuman ang edad o kasarian, ay maaaring magkaroon ng naturang kondisyon sa balat. Ngunit, ang mga bata at mga middle-aged adults ang madalas na naapektuhan nito. Ito rin ay dalawang beses na karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
Dagdag pa rito, ito ay karaniwang nauugnay sa physical urticaria dermatographism at cholinergic urticaria, at kung minsan naman ay ordinaryong urticaria. Ang mga nakapailalim na kondisyon na nauugnay sa secondary cold urticaria ay kinabibilangan ng:
Paano Nasusuri ang Imon imon sa Balat?
Maaaring masuri ang imon imon sa pamamagitan ng paglalagay ng ice cube sa braso sa loob ng 1–5 minuto. Dapat magkaroon ng kakaibang pulang pantal sa loob ng ilang minuto sa lugar kung saan isinagawa ang cold-stimulation test. Ang mga complete blood counts at mga metabolic tests ay maaari ring isagawa upang matukoy ang mga kaugnay na sakit.
Ano ang Gamot para Dito?
Sa ilang mga tao, ang imon imon ay kusang nawawala pagkatapos ng ilang linggo o buwan. Subalit, sa iba, maaari itong mas matagal. Walang lunas para sa kondisyon, ngunit makatutulong ang paggamot at mga hakbang sa pag-iwas.
Maaaring irekomenda ng iyong doktor na subukan mong pigilan o bawasan ang mga sintomas gamit ang mga remedyo sa bahay, tulad ng paggamit ng mga over-the-counter na antihistamine at pag-iwas sa malamig na bagay, lugar, o pagkain.
Ang layunin ng paggamot ay bawasan ang iyong mga sintomas upang hindi ito makagambala sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung hindi iyon makakatulong, maaaring kailangan mo ng iniresetang gamot.
Mahalagang Mensahe
Kung mayroon kang mga reaksyon sa balat matapos ang pag-inom sa isang napakalamig na inumin o lumangoy sa napakalamig na tubig, magpatingin sa iyong doktor. Maaaring isawalang-bahala ng iba ang mga minimal na reaksyon, ngunit makatutulong kung ito ay maiiwasan na agad ang paglala.
Alamin ang Iba Pang Mga Sakit sa Balat dito.