backup og meta

Folliculitis: Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Folliculitis: Sanhi, Sintomas, at Gamutan

Walang sinuman ang nais magkaroon ng breakout, parehong dahil hindi maganda sa pakiramdam at hindi magandang tingnan. Ngunit ang bawat breakout ay may pinag-uugatang kailangang matugunan at magamot. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin kung ano ang folliculitis, ano mga sintomas, sanhi, at gamutan para dito. 

Ano ang Folliculitis?

Isang karaniwang kondisyon ng balat ang folliculitis na pwedeng maranasan ng sinuman, ano man ang edad. Nangyayari ito kapag may namamaga o may impeksyon sa ugat ng buhok. Sa una, mukha itong tigyawat dahil sa pamamaga. Ngunit sa paglipas ng ilang panahon, hindi na ito nagiging komportable sa pakiramdam at nagiging makati na, iba sa mga karaniwang breakout ng tigyawat.

Tulad ng iba pang kondisyon sa balat, karaniwan itong dulot ng bacterial o fungal na impeksyon. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang uri ng folliculitis sa magkakaiba ring bahagi ng katawan na may buhok. Kadalasan itong nasa mga lugar kung saan madalas ang pagkiskis at pagpapawis, tulad ng:

  • likod ng leeg
  • mukha
  • braso at/o kilikili
  • suso at dibdib
  • itaas na bahagi ng likod
  • singit
  • hita
  • puwet
  • anit

Kailangang suriin ng doktor ang impeksyon at balikan ang iyong medical history upang ma-diagnose ang folliculitis.

Ano ang Pinagkaiba ng Folliculitis sa Pigsa at Carbuncles?

Lahat ng tatlong kondisyon sa balat – folliculitis, pigsa at carbuncles – ay may isa o higit pang ugat na may impeksyon. Maaaring mukha silang magkakapareho sa unang tingin ngunit magkakaiba sila.

Sa tatlo, ang pinakamababaw na uri ng follicle inflammation ay ang folliculitis. Maaari itong lumitaw sa leeg, likod, at maging sa mukha. Sunod dito ang mga pigsa na kumakalat sa mas malalim na layer ng balat, kung saan nabubuo ang mga maliliit na sisidlan ng nana. May mga taong tinutukoy ito bilang furuncle. Sa kabilang banda, ang carbuncle ay koleksyon infected na hair follicle na puno ng nana, na mas malaki at mas malalim na bersyon ng pigsa.

Mga Sintomas

Kabilang sa sinasabing mga senyales at sintomas ng folliculitis ang:

  • maliliit na pulang bukol o bukol na puno ng nana na nabubuo sa paligid ng mga follicle (mukhang tigyawat o pustule)
  • mga paltos na may nana sa loob (na may tsansang mabutas at lumabas)
  • makati at iritableng balat
  • tender at masakit na balat
  • malaki at namamagang bukol o mass

Kapag mayroon kang folliculitis, may tsansang kamutin mo ito. Gayunpaman, pinakamabuting huwag itong kamutin upang hindi ito mabuksan o mabutas. Maaaring mas lumala ang impeksyon kapag nabutas, na maaaring maging sanhi ng pagkalagas ng buhok at peklat. 

Ano ang Nagdudulot ng Folliculitis?

Maaaring magkaroon ng folliculitis bilang resulta ng impeksyon, occlusion (pagharang), iritasyon, o magkakaibang sakit sa balat.

Medyo madaling mapinsala ang iyong mga hair follicle. Sa oras na mangyari ito, madaling makakapasok ang mga mikrobyo at magiging sanhi ng impeksyon. Kalaunan, mauuwi ito sa folliculitis.

Ang mga impeksyon ay maaaring dulot ng mga mikrobyo na nakakaapekto sa balat ng tao. Ilan sa mga ito ang:

  • Bacteria
  • Mga virus
  • Yeasts
  • Fungi
  • Mga parasites

Ang Staphylococcus aureus, isang bacteria na namumuhay sa balat ng tao, ay isang karaniwang pinagmumulan ng ganitong impeksyon.

Maaari mo ring mapinsala ang iyong hair follicle sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawi:

  • Madalas na paghawak o pagkuskos ng balat
  • Skin to skin contact (pagkikiskisan ng balat)
  • Pagsusuot ng masisikip na damit
  • Pag-aahit, pagbubunot, o pagwa-wax
  • Paglublob sa hindi naalagaang hot tub

Ang Pseudofolliculitis o mga razor bump sa lugar kung saan tumutubo ang balbas ay karaniwan sa mga lalaking nag-aahit ng kanilang balbas.

Maaari ding maging sanhi ng paglitaw ng ganitong kondisyon ng balat ang pagtaas ng timbang at iba pang gamutan.

Paano Gamutin ang Folliculitis

Sa pangkalahatan, kusang gumagaling ang mild folliculitis sa loob ng 2 linggo. Maaari mong gamutin ito sa bahay sa pamamagitan ng paglalagay ng warm compress sa apektadong bahagi. Nakakatulong ito sa pangangati at pagpapagaling. Tiyaking tama lamang ang temperatura dahil maaari kang mapaso kung sobrang mainit. Magkakaiba ang gamutan sa hair follicle inflammation, depende sa uri at lala. May mga taong maaaring gumamit ng mga pamahid na gamot upang labanan at kontrolin ang mga impeksyon. May iba namang maaaring gumamit ng mga sumusunod upang mabawasan ang pamamaga:

  • Mga cream (antibiotic ointments)
  • Mga pill (mga antibiotic tablet)
  • Shampoo

Mga Dapat Bantayan:

  • Nagpapatuloy na mga sintomas lalo na kung nakaramdam ka na ng pag-init ng katawan, at nakararanas ng panginginig.
  • Pananakit ng katawan at pamumula

Kung nakararanas ka ng mga ito, kontakin ang iyong doktor agad-agad.

[embed-health-tool-bmi]

Key Takeaways

Maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng folliculitis sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis at tuyo ng iyong balat.
Kung sa palagay mo’y mayroon ka nitong klase ng pamamaga, humingi ng medikal na payo sa kung ano ang pinakamabuting gamutang puwedeng subukan. Tandaang nakabatay ang gamutan sa sanhi at lala ng impeksyon, bacterial man ito o fungal. 

Matuto pa tungkol sa mga sakit sa balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acne-like Breakouts Could Be Folliculitis, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/folliculitis Accessed January 4, 2022

Folliculitis, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17692-folliculitis Accessed January 4, 2022

Folliculitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/folliculitis/symptoms-causes/syc-20361634 Accessed January 4, 2022

Folliculitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/folliculitis/diagnosis-treatment/drc-20361662 Accessed January 4, 2022

Folliculitis, https://www.uofmhealth.org/health-library/hw171614 Accessed January 4, 2022

Folliculitis, https://www.healthdirect.gov.au/folliculitis Accessed January 4, 2022

Folliculitis, Boils, and Carbuncles, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/f/folliculitis-boils-and-carbuncles.html Accessed January 4, 2022

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Sue Kua, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Scleroderma: Ano Ito at Anu-anong Sintomas Nito?

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?


Narebyung medikal ni

Sue Kua, MD

Dermatology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement