backup og meta

Bukol sa Balat: Dapat ba itong Ipag-alala?

Bukol sa Balat: Dapat ba itong Ipag-alala?

May magkakaibang rason ang mga bukol na makikita sa iba’t ibang bahagi ng iyong katawan. Kadalasang hindi naman delikado ang mga ito, ngunit maaaring isipin ng iba na may mas malaking bagay pa sa likod nito katulad ng sintomas ng kanser, lalo na kapag namamaga ito. Kaya kailan ba normal ang bukol sa balat at kailan dapat mag-alala tungkol dito?

Mga karaniwang bukol sa balat

Maraming tawag at sanhi ng pagkakaroon ng bukol sa balat. Ilan sa mga pinakakaraniwan ang:

1. Hives

gamot sa pantal

Tinatawag na hives ang makati at mapulang bukol sa balat na mula sa mga allergic reaction o stressful na sitwasyon.

2. Keloids

Isa itong bukol na nagmumula sa bahagi ng katawan na may injury. Kahit na may posibilidad na lumaki ang keloid kaysa sa mismong sugat o injury, hindi naman ito nakapipinsala sa ating kalusugan.

3. Lipomas

Nabubuo ang lipomas o matatabang bukol sa bahagi ng dibdib at mga balikat.

4. Kulugo (warts)

Isang magaspang at matigas na bukol na sanhi ng isang virus. Karaniwan itong lumilitaw bilang maliliit na itim na tuldok sa kamay o paa ng isang tao.

5. Cyst

Tinatawag na cyst ang maliliit na pocket ng tissue na tumutubo sa ilalim ng balat. Naglalaman ito ng fluid na maaaring sanhi ng impeksyon, pamamaga, o iba pang baradong oil gland.

6. Abscess

Isang uri ng bukol na naglalaman ng fluid na nakapaloob sa isang lugar na hindi magagalaw o maaalis.

Kailan ito normal?

Hindi humahantong ang lahat ng bukol sa balat sa mas malaking haharapin kaysa sa kung ano talaga ito. Karamihan sa mga skin condition ang naglalabas ng normal na bukol sa balat. Madalas silang lumilitaw sa ibabaw na bahagi ng katawan o ilalim ng balat katulad ng mga sumusunod:

1. Breast Bud

Karaniwang nararanasan ng mga batang babae na nasa kanilang puberty stage (7-12 na taong gulang) ang maliit na bukol na ito sa bandang ilalim ng nipple area.

2. External Occipital Protuberance

Isang normal na bukol na makikita sa likuran ng ulo ng isang tao, karaniwan itong nasa bahagi ng base ng bungo.

3. Mastoid Process

Isang mabutong bukol sa balat na makikita sa likod ng ibabang bahagi ng bawat tainga.

4. Xiphoid Process

Isang bukol na nasa ibabang bahagi ng breastbone (sternum).

Maraming atleta din ang nagkakaroon ng mga bukol paminsan-minsan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan dahil sa mga pisikal nilang pagsasanay at aktibidad.

Narito ang iba pang mga bagay na dapat isaalang-alang upang malaman kung normal ang nakikitang bukol sa balat:

  • Karaniwan itong malambot
  • Nagagalaw ito, at nagbabago rin ang anyo kapag hinahawakan
  • Nakikita ito sa fat layer ng balat
  • Maaaring isa itong bukol na lumalaki sa katagalan habang nagagamit sa maraming aktibidad ngunit maaari rin lumiit kapag nagpapahinga.

Kailan ito nakababahala?

Maaaring iba ang ibig sabihin ng isang bukol sa balat kung magmamarka ng isa o higit pa sa mga sumusunod na listahan.

  • Buo ito at matigas
  • Hindi ito gumagalaw kahit kaunti
  • Nagiging makati, masakit, at mapula ito
  • Namamaga sa mga hindi karaniwang bahagi ng katawan (gilid ng leeg, kilikili, bahagi ng singit, breast, o testicle)
  • Tumatagal ito ng higit sa 2 linggo

Mga konsiderasyon

Maraming bukol sa balat ang hindi talaga cancerous (benign) tulad ng seborrheic keratosis o neurofibromas.

Kadalasang dala ng injury o isang impeksyon sa partikular na bahagi ng katawan ang biglaan at masakit na katangian (tumatagal ng 24-48 na oras) ng bukol sa balat. Maaari itong gamutin sa pamamagitan ng pagsunod sa RICE acronym na ang ibig sabihin:

R – est

I – ce

C – ompression

E – levation

Gayunpaman, dapat ipakonsulta at ipagamot ang iba pang bukol sa isang medical practitioner. Hindi ka lang dapat umasa sa mga madaling hakbang na ito lalo na kung nasusunod ang mga bagay na nabanggit sa itaas tungkol sa pagiging masakit nito at marami pang iba.

Diagnosis

Maaaring sabihin ng doktor na sumailalim sa ilang pagsusuri, tulad ng biopsy o ultrasound scan, upang suriin ang mga karagdagang sintomas, sanhi, at implikasyon ng hindi kilalang bukol upang magamot ito kaagad.

Key Takeaways

Mahalagang maunawaan na maaaring magkaroon ng iba’t ibang hugis, sukat, at kahit dami ng bukol sa balat depende sa pinag-ugatan nito.
Malambot man ito o matigas, pinakamabuting iwasan ang pag-diagnose sa sarili. Ipaalam sa iyong doktor ang tungkol dito at ipasuri ito sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang mga karagdagang komplikasyon at seryosong isyu na maaaring lumitaw kapag hindi seryoso at agad naaksyunan.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin lump

https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/skin-lump/

Accessed September 15, 2021

 

Skin lumps

https://medlineplus.gov/ency/article/003279.htm

Accessed September 15, 2021

 

Lumps and Bumps 

https://health.clevelandclinic.org/lumps-bumps-body-worry/

Accessed September 15, 2021

 

Lumps

https://www.nhs.uk/conditions/lumps/

Accessed September 15, 2021

 

Lumps and swellings

https://www.nidirect.gov.uk/conditions/lumps-and-swellings

Accessed September 15, 2021

 

Skin Lumps and Bumps: An A-Z Guide

https://www.scripps.org/news_items/6669-skin-lumps-and-bumps-an-a-z-guide

Accessed September 15, 2021

Kasalukuyang Version

10/18/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Furuncle, At Paano Nagkakaroon Nito?

Hidradenitis Suppurativa: Ano Ang Sintomas Ng Sakit Sa Balat Na Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement