Mahalaga ang bawat bahagi ng katawan ng tao, kaya big deal para sa iba kung bakit nagbabalat ang kamay ng isang indibidwal. Lalo’t pwede itong makaapekto sa kalidad ng iyong buhay at paggawa mo ng iba’t ibang klaseng aktibidad.
Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga remedy na maaaring makatulong sa pagpapagaling ng iyong balat? Alamin dito.
[embed-health-tool-bmi]
Bakit nagbabalat ang kamay?
Bago natin alamin ang home remedies para sa pagbabalat ng balat, pag-usapan muna natin ang mga posibleng dahilan na pwedeng mag-ambag sa development ng pagbabalat ng ating mga kamay. Narito ang mga sumusunod:
1. Sobrang paghuhugas ng kamay
Bagama’t nakakatulong ang madalas na paghuhugas ng kamay para bawasan ang pagkalat ng mga mapaminsalang mikrobyo. Huwag mong kakalimutan na maaari rin nitong alisin ang skin’s protective oil ng ating kamay, at kapag nawala ang oil na ito hindi na makakayang panghawakan ng ating balat ang moisture na pwedeng maging sanhi ng pagbabalat.
Dagdag pa rito, ang habit ng hand washing ay kadalasang nagpapalala ng pagbabalat lalo na kung sobra-sobra ang gagawin na paghuhugas ng kamay. Samakatuwid, hugasan lamang ang iyong mga kamay kung kinakailangan, at mag-moisturize pagkatapos at iwasang patuyuin ang iyong balat gamit ang magaspang na tissue o tela.
2. Bakit nagbabalat ang kamay: Klima
Ang weather conditions na masyadong tuyo o masyadong malamig ay maaaring magpatuyo ng balat kung saan ito ang nagiging dahilan ng pagbabalat o pag-crack nito.
3. Sunburn
Sinasabi na ang mga nakakapinsalang epekto ng UV rays ay maaaring maging dahilan ng paso, pamumula ng balat — at pagiging masakit at malambot nito bago magbalat. Bagama’t ang karamihan sa sunburns ay lumilinaw sa loob ng isang linggo, pwede pa rin nitong mapataas ang panganib ng pagkakaroon ng kanser sa balat sa ilang mga tao.
4. Pagkagat o pagsipsip sa mga daliring nagbabalat na
Ang sobrang pagsuso ng hinlalaki ay maaaring humantong sa mga sugat — at pagbabalat ng balat sa mga daliri. Tandaan na hindi lamang ito nagaganap sa mga bata dahil ang ilang mga nasa hustong gulang ay may posibilidad na magkaroon. Lalo na kapag sa tuwing nai-istress ay kinakagat o sinisipsip nila ang kanilang mga daliri sa kamay.
5. Mga kemikal
Maraming tao ang nagtatrabaho sa mga industriya o larangang naglalantad sa kanila sa mga mapanganib na kemikal kung saan, pwede nitong matuyo ang mga kamay at humantong sa pangangati — at maging dahilan ng pagbabalat.
Nasa mataas na panganib ng pagbabalat ng mga kamay ang ilang mga tao lalo na kapag na-expose sila sa mga kemikal ng cleaning products at maging sa mga personal care o hygiene products na may masasamang kemikal. Sapagkat maaari itong makairita sa ating balat nang sapat upang ma-trigger ang pagbabalat ng mga kamay.
6. Iba pang mga kondisyon sa kalusugan
Bukod sa environmental factors, pwede ka ring makaranas ng pagbabalat ng mga kamay dahil sa mga dermatological conditions. At sa mga pagkakataong ito, kailangan mong malaman ang eksaktong dahilan upang matukoy ang tamang paggamot, at kung napagpasyahan mo na ang environmental reasons ang sanhi ng pagbabalat ng iyong kamay. Kailangan mo pa rin na magpatingin sa doktor upang suriin ang mga posibleng pathological factors.
Paano Gamutin ang Pagbabalat ng Kamay sa Bahay
Kapag mayroon kang pagbabalat ng mga kamay, maaari mong isaalang-alang ang mga sumusunod na remedyo:
Ang mga remedyo na ito ay maaring makatulong , nguni’t hindi ito naglalayong palitan ang mga gamot na maaring ireseta ng iyong doctor.
1. Gumamit ng honey bilang moisturizer
Mayroong taglay na moisturizing properties ang honey kaya naman maaari mong i-apply ang sangkap na ito sa mga apektadong lugar — at iwanan ito ng halos kalahating oras. Sinasabi na isa ito sa mga pinaka-epektibong paraan upang harapin ang pagbabalat ng mga kamay.
2. Ibabad ang iyong mga nagbabalat na kamay sa oats
Ilagay ang oats sa isang malaking mangkok na may maligamgam na tubig at pagkatapos hintaying lumambot ang oats. Ibabad ang iyong mga kamay sa mixtures ng 10-15 minuto, at kung mayroon kang severe flaking pwedeng makatulong ang pagbababad ng iyong mga kamay sa pinalambot na oats araw-araw.
3. Ipahid ang mga hiwa ng pipino sa apektadong bahagi
Kumuha ng isang peeled na pipino at gupitin ito sa makapal na hiwa, pagkatapos kuskusin ang mga hiwa ng pipino sa apektadong lugar sa loob ng 10-15 minuto. Banlawan ang iyong mga kamay ng maligamgam na tubig at patuyuin ang mga ito nang lubusan, at lagyan ng magandang moisturizer. Maaaring makatulong ang pipino dahil sa mga katangian nitong nakakapagpalamig at nakakapagpa-hydrate — sapagkat may 96% na tubig ito.
4. Gumamit ng langis ng niyog
Pwedeng maging isang mahusay na solusyon sa ilang dermatological problems ang coconut oil na maaaring gamitin sa pagbabalat ng mga kamay dahil mayroon itong mahusay na moisturizing properties.
Maaari mong lagyan ng langis ng niyog ang iyong mga nagbibitak na palad ng ilang beses sa isang araw — o ilapat ito sa magdamag bago ito banlawan sa umaga.
5. Maging banayad o mild sa’yong balat
Kapag nagpupunas o naghuhugas ng iyong mga kamay huwag mong kuskusin ang iyong balat nang marahas dahil ito’y magpapalala ng pagtuklap. Sa halip, patuyuin ang iyong balat gamit ang isang tuwalya — o kuskusin ang iyong mga kamay nang malumanay.
6. Gumamit ng cold compress
Maglagay ng cold compress sa’yong balat sa loob ng 20-30 minuto upang mapawi ang pangangati. HUWAG gumamit ng yelo nang direkta sa balat dahil maaari itong magdulot ng karagdagang pangangati.
7. Uminom ng maraming tubig
Bilang general rule, uminom ng hindi bababa sa 8 baso ng tubig sa isang araw para makatulong sa treatment sa pagbabalat ng mga kamay at sa overall hydration.
Key Takeaways
Kung ang balat sa’yong mga kamay ay hindi pa rin gumagaling sa kabila ng paggamot sa bahay, maganda na magtakda ng appointment sa’yong doktor.
Gayundin, kung ang iyong pagbabalat ng mga kamay ay may mga palatandaan ng impeksyon tulad ng pamumula, pamamaga, o lagnat, kumunsulta kaagad sa isang doktor dahil ang hindi pagpansin dito ay pwedeng magpapalala ng kondisyon ng iyong balat.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.