Maraming tao na ayaw magkaroon ng warts o kulugo, dahil maaari rin maging nakakadiri itong tingnan para sa iba, lalo na kung lumilitaw ang mga ito sa mga nakikitang bahagi ng katawan tulad ng mga kamay, mukha, o paa. Ang mga kulugo rin ay maaaring maging uncomfortable at masakit, partikular sa weight-bearing areas gaya ng talampakan. Bukod pa rito, ang ilang uri ng kulugo, tulad ng genital warts ay pwedeng maipasa sa pamamagitan ng sex at maging sanhi ng kawalan ng confidence ng isang tao.
Ang hitsura, discomfort, potential social at psychological effects na dulot ng kulugo ay maaaring mag-ambag ng mga dahilan bakit ayaw ng mga tao na magkaroon nito. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit inaayawan ng mga tao ang pagkakaroon ng kulugo, na pangunahing sanhi ng paghahanap nila ng pantanggal ng kulugo. Nang sagayon ay maaalis ang kanilang mga alalahanin sa pagkakaroon nito.
Para malaman ang pantanggal ng kulugo, patuloy na basahin ang article na ito.
5 Pantanggal Ng Kulugo
Ayon sa mga eksperto maraming mga paraan upang tanggalin ang ating kulugo, at ang mga ito ay maaaring mag-iba depende sa lokasyon ng kulugo at kung gaano ito kalaki. Mahalaga na makipag-usap sa isang dermatologist para maiwasan ang anumang maling paggamot.
Gayunpaman, narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang paraan o pantanggal ng kulugo:
- Pagpapakonsulta sa doktor
Sa pagpapakonsulta sa mga doktor, maaari silang magrekomenda ng mga gamot o prosedurang medikal upang tanggalin ang iyong kulugo, tulad ng pagpapakita ng mga solusyon, at pagkonsidera ng paggamit ng mga gamot na nagpo-promote ng pagbabalat.
- Laser therapy
Ang therapy na ito ay isang proseso ng pagtanggal ng kulugo gamit ang laser upang masunog at matuyo ito. Gayunpaman, tandaan na napakahalaga na makipag-usap muna sa isang doktor para malaman kung alin sa mga ito ang ligtas at angkop para sa kalagayan, at kondisyon ng iyong balat at kulugo.
- Electrocautery
Kilala ang ang electrocautery bilang pangtanggal ng kulugo na ginagamitan ng electrical current para sunugin ang mga ito at matanggal.
- Paglalagay ng over-the-counter medicines
Batay muli sa mga doktor, ang mga gamot na nagtataglay ng acid ,at iba pang sangkap gaya ng trichloroacetic acid, at salicylic acid ay maaaring makatulong sa pag-alis ng kulugo sa balat, lalo na kapag ito ay ginagamit nang regular.
- Cryotherapy
Sa proseso ng cryotherapy kasama dito ang pag-freeze ng kulugo gamit ang isang napakalamig na sangkap gaya ng liquid nitrogen. Ang cryotherapy ay isang karaniwang paggamot para sa kulugo at maaaring gawin sa opisina ng doktor. Kung saan ang paggamit ng liquid nitrogen ay karaniwang tumatagal ng mas mababa sa isang minuto.
Paano ko pwedeng iwasan ang warts?
Narito ang ilang mga tip para matulungan kang maiwasan ang kulugo:
- Mahalagang hugasan palagi ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig, lalo na pagkatapos mahawakan ang kulugo.
- Iwasang mag-share ng mga personal na gamit gaya ng mga tuwalya, damit, at sapatos sa taong nagtataglay ng kulugo.
- Magsuot ng protective footwear sa mga pampublikong lugar tulad ng mga locker room, shower, at swimming pool.
- Dapat mong panatilihing malinis at tuyo ang iyong balat, dahil ang moist environment ay maaaring mag-promote ng paglaki ng kulugo.
- Iwasang kagatin ang iyong mga kuko dahil maaari itong lumikha ng mga butas para makapasok ang virus sa iyong balat.
- Palakasin ang iyong immune system sa pamamagitan ng pagkain ng isang heathy diet, pagkuha ng sapat na tulog, at pamamahala ng stress, dahil ang isang malakas na immune system ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagbuo ng kulugo sa katawan.
- Tandaan, kapag mayroon kang kulugo, iwasan ang paghawak o pagkamot dito, dahil maaari itong kumalat sa virus sa ibang bahagi ng iyong katawan o sa ibang tao.
Kung magkakaroon kang kulugo, maraming magagamit na paggamot at pangtanggal ng kulugo, kabilang na dito ang mga over-the-counter topical creams at gel, cryotherapy at laser treatment. Bukod pa rito, palaging magandang ideya na kumunsulta sa isang doktor upang matukoy ang pinakamahusay na kurso ng paggamot para sa iyong partikular na kaso t kondisyon sa balat.