Ang dry skin sa paa ay mas karaniwan kaysa sa tuyong balat sa kamay o ibang bahagi ng katawan. Ang paa, lalo na ang talampakan, ay walang anumang glandula ng langis kung kaya humahantong sa dehydration. Sa halip, ang mga paa ay umaasa sa mga glandula ng pawis upang manatiling moisturized.
Ang iyong paa ay patuloy na nakakaranas ng presyon sa buong araw mula sa pagtayo, paglalakad, pag-eehersisyo at pagpapasan ng bigat ng buong timbang sa katawan. Ito ay maaaring maging sanhi ng matigas at tuyong kalyo na nabubuo sa mga pressure points ng mga paa. Ito ay maaaring maging partikular na kapansin-pansin kung ikaw ay nakatayo sa iyong mga paa ng mas madalas kaysa sa karaniwang tao.
Sanhi ng dry skin sa paa
Maraming maaaring maging sanhi ng pagkatuyo ng balat sa paa kasama na rito ang sumusunod:
- Pagsusuot ng maling sapatos
- Paggugol ng masyadong mahabang oras sa pagtayo
- Eczema
- Fungal infections
- Hypothyroidism
- Juvenile plantar dermatosis (karaniwan at talamak na tuyong kondisyon ng balat ng mga paa)
- Obesity
- Kakulangan sa Zinc
- Estrogen imbalance
- Diabetic neuropathy
- Sjogren’s syndrome (isang autoimmune disorder na sanhi ng tuyong balat sa paa
- Psoriasis
Solusyon sa dry skin sa paa
Pag moisturize
Ang regular na pag-moisturize sa mga paa ay makakatulong na mabawasan ang kasalukuyang tuyong balat at maiwasan ang pag-iipon ng bagong tuyong balat. Gawin ito pagkatapos gumamit ng exfoliator o pumice stone. Ito ay makakatulong sa pag lock-in ng moisture sa balat.
Pinakamainam na iwasan ang mga lotion, cream, at moisturizers na naglalaman ng alkohol, idinagdag na pabango, at artipisyal na mga kulay dahil ang mga sangkap na ito ay maaaring magpalala ng tuyong balat. Sa halip, dapat maghanap ng mga produkto na naglalaman ng:
- humectants, tulad ng urea, aloe, at hyaluronic acid
- emollients, na kinabibilangan ng plant-based butter at oil
- occlusives, tulad ng petrolatum, lanolin, at langis ng niyog
Oatmeal bath
Ang oatmeal bath na naglalaman ng pinong giniling na oatmeal ay nakakapag paginhawa at moisturize sa dry skin sa paa. Ito ay kapaki-pakinabang para sa may mga acne, makating balat, tuyong balat, pantal at psoriasis.
Pagbabad ng paa sa epsom salt
Ang pagbabad ng paa sa maligamgam na tubig ay hindi lamang nakaka-relax sa iyong mga paa. May ibang benepisyo rin ito depende sa kung ano ang idinagdag mo sa tubig. Ang dalawang pangunahing sangkap na ginagamit sa isang foot soak ay Epsom salt at suka. Hindi lamang ito isang ordinaryong asin na tulad ng table salt, kung hindi isang natural na halo ng magnesium at sulfate.
Makakatulong ang epsom salt na mapalambot ang dry skin sa paa. Nakakatulong din itong maiwasan ang pagtubo ng bacteria. Ang iba pang benepisyo nito ay:
- Nakakatanggal ng stress at nakakatulong sa iyong pakiramdam na nakakarelaks
- Pinapawi ang pananakit at muscle cramps
- Pinapalakas ang paggana ng nerve at kalamnan
- Tumutulong na maiwasan ang mga blood clots
Gumamit ng lotion para sa dry skin sa paa
Mahalagang gumamit ng mahusay na pangangalaga sa paa sa pamamagitan ng paglalagay ng moisturizing foot lotion. Mas mahalagang maiwasan ang dry skin sa paa at flaky skin sa halip na gamutin ito. Gawing kagawian ang paglalagay ng moisturizer tuwing gabi o pagkatapos maligo upang maiwasan ang tuyong balat sa paa. Kung mayroon ka nang cracked skin sa paa, subukang gumamit ng lotion dalawang beses sa isang araw, isang beses pagkatapos maligo o mag-shower at isang beses bago matulog upang ma-rehydrate ang mga tuyong paa.
Kung mayroon kang tuyong balat sa paa at cracked heels, iwasang malantad ang iyong mga paa sa sobrang init o malamig na panahon. Maaari mong protektahan ang iyong mga paa mula sa parehong kondisyon ng panahon sa pamamagitan ng pagsusuot ng wastong kasuotan sa paa sa lahat ng oras. Kasama rito ang tamang pag-aayos ng mga sapatos at tuyong medyas, sa lahat ng panahon.
Para sa mga bitak na takong at dry skin sa paa, huwag ilantad ang iyong mga paa sa talagang mainit na tubig kapag naliligo. Gayundin, suriin ang uri ng sabon na iyong ginagamit upang linisin ang iyong katawan. Maaaring ito ay nagpapatuyo ng iyong balat. Ang sodium lauryl sulfate at mga artipisyal na pabango ay ang mga pangunahing sangkap na dapat iwasan kapag ikaw ay may tuyong balat at pumipili ng sabon.