backup og meta

Sanhi ng Eczema: Ano ang mga Triggers Nito?

Sanhi ng Eczema: Ano ang mga Triggers Nito?

Sa sandaling naisip mo na ang iyong eczema, hindi maiiwasan na magbigay sa’yo ito ng pag-aalala. Dahil ang mga sintomas nito ay umuulit muli, at maaaring hindi mapigilan kung hindi magagamot. Kaya mas maganda na una pa lamang ay alam mo na ang sanhi ng eczema flare -up at paano ito iwasan?

Patuloy na basahin ang artikulong ito, para sa mahahalagang impormasyon na kailangan mo.

Ano ang eczema flare-up?

Bago natin talakayin ang mga pinakamainam na paraan para maiwasan ang eczema outbreak, tukuyin muna natin ang eczema flare-up.

Ang eczema ay ang pinaka karaniwang uri ng dermatitis, ang pangkalahatang terminong ginagamit ay pamamaga (inflammation) ng balat. Ang mga karaniwang sintomas ng eczema ay ang:

  • pangangati, na kadalasang lumalala sa iba pang mga sintomas
  • pamumula ng apektadong lugar
  • Grainy ang hitsura dahil sa mga blisters na nabuo sa ilalim ng balat
  • oozing kapag ang may blisters burst at crusting kapag natuyo
  • kupas na balat (white patches )
  • magaspang, matigas na balat dahil sa pagkamot

Ang mga sintomas na ito ay maaaring maalis ng ilang sandali at pagkatapos ay bumabalik muli o “nag-flare -up ” dahil sa ilang mga bagay na nag-trigger sa mga ito.

Ano ang mga maaaring sanhi ng eczema flare-up?

Sa ngayon, walang pang lunas para sa eczema. Ang paraan ng paggamot ay nakatutok sa pagbawas lamang ng mga sintomas, lalo na ang pangangati, yamang lumalala ang pamamaga at nadadagdagan din ng oras ng pagpapagaling. Ang Mild to Moderate Eczema ay karaniwang ginagamot ng mga over-the-counter na gamot na pamahid (creams).

sanhi ng eczema

Kapag malinaw ang mga sintomas, ang pinaka mainam na paraan upang maiwasan ang mga eczema ay alisin o limitahan ang pagkakalantad sa mga potensyal na sanhi ng eczema. Narito ang ilan sa mga pinaka karaniwang nag-trigger sa sintomas ng eczema.

Mga pabango

Ang isang scented product na nangkaroon ng kontak sa balat ay nag-trigger ng mga eczema flare up dahil naglalaman ang mga ito ng mga irritant na nagiging sanhi ng pagkatuyo, pangangati, at pamumula.

Para sa mga skincare na produkto tulad ng sabon o body wash, ay maaring pumili ng scent-free at hypoallergenic variety. Pinapayo ng mga eksperto na iwasan ang bubble bath dahil maaari itong humantong sa mga malubhang flare-up. Gayundin, gumamit ng fragrance-free laundry detergent.

Ano ang nagiging sanhi ng seborrheic dermatitis flare-up?

Mga kemikal sa cleaning agent

Kung napansin mo na ang iyong mga flare-up ay nagaganap pagkatapos ng paglilinis ng bahay, ang mga kemikal sa iyong mga cleaning agent ay maaaring ang salarin. Upang maiwasan ang eczema outbreak, subukang maghanap ng milder na produkto para sa paglilinis o gumamit ng guwantes kapag naglilinis.

Mainit, Umuusok na Shower

Hangga’t maaari, iwasan ang mainit, steamy shower dahil nagiging sanhi sila ng pagkatuyo ng balat na madalas na nagiging sanhi ng eczema.

Kapag naliligo, siguraduhin na ang tubig ay maligamgam, hindi mainit. Dahan-dahang tapikin ang iyong balat hanggang sa mabasa ito (huwag kuskusin) at pagkatapos ay maglagay ng moisturizing lotion, mas mabuti ang isa na inaprubahan ng iyong doktor.

Hangga’t maaari, iwasan ang mainit, umuusok na shower dahil nagiging sanhi ito ng pagkatuyo ng balat na kadalasang nagiging sanhi ng mga sintomas ng eczema.

Ang Tuyo, Malamig na Hangin

Alam mo ba na ang pananatili sa isang naka-air condition na silid sa loob ng mahabang panahon ay nagdudulot ng eczema flare-up ?

Ang mga naka-air condition na silid ay may tuyo, malamig na hangin, na karaniwang nag-trigger ng eczema. Para maayos ang sitwasyon, ayusin ang temperatura ng iyong AC para matiyak na hindi ito masyadong mababa at gumamit ng humidifier para magdagdag ng moisture sa hangin.

Pagpapawis

Kung nais mong maiwasan ang mga breakout ng eczema, iwasan ang mga gawain na nagiging sanhi ng labis na pagpapawis. Ang pawis ay maaaring maging sanhi ng pagkati ng balat, at kapag kinamot mo ang iyong balat, ang mga sanhi ng eczema ay maaaring mag-spark.

Bawasan ang iyong oras sa labas, lalo na kapag mainit. Kung pawis ka na habang nagtatrabaho, subukan na babaan ang intensidad ng iyong pisikal na gawain. Maaari ka ring mag-ehersisyo nang maaga sa umaga kapag hindi pa masyadong mainit o i-on ang isang fan habang nagtatrabaho ka.

Tela

Huwag kalimutan na suriin ang mga tela ng iyong mga kumot, bedsheet, at damit. Ayon sa mga eksperto, ang ilang mga materyales, tulad ng wool at polyester, ay maaaring maging sanhi ng eczema flare-up. Sa halip na wool at iba pang synthetic fabric, isaalang-alang ang paggamit ng cotton.

Pagkain

Ang mga uri ng pagkain na nag-trigger ng eczema ay iba -iba sa tao.

Kung mapapansin mo na dumaranas ka ng mga flare-up pagkatapos mong ubusin ang mga dairy product, mas mabuti na iwasan ito at tingnan kung ang sintomas ay magpatuloy.

Kung ang iyong mga sintomas ay mawala, subukang muling gamitin ang dairy product sa iyong diet, ngunit dahan-dahan ito. Sa sandaling mapapansin mo na ang mga sintomas ay bumabalik, ang dairy product ay maaaring nagiging sanhi ng eczema.

Ang iba pang mga pagkain na maaaring maging sanhi ng mga flare-up ay pulang karne, asukal, gluten, at pinong carbohydrates.

Stress at pagkabalisa

Ang stress at pagkabalisa ay naglalabas ng cortisol, isang hormone na kapag labis, ay maaaring magdulot ng pamamaga (inflammation) sa buong katawan. Ang pamamaga na ito ay nag-trigger ng eczema flare-up.

Isaalang-alang ang pagsasagawa ng mga relaxation technique, gaya ng mga breathing exercise, meditation, at yoga.

Allergens

Ang mga allergy ay maaaring magresulta sa mga flare-up. Kaya, hangga’t maaari, limitahan ang pagkakalantad sa iyong mga kilalang allergens, maging pollen, dust, pet dander, o pagkain.

Pangunahing Konklusyon

Iba-iba ang sanhi ng eczema flare-up sa mga pasyente. Minsan, ito ay dulot ng isang bagay lamang; Kung minsan naman, ito ay kombinasyon ng mga nag-trigger. Bilang pangkalahatang tuntunin, iwasan ang mga bagay na nagiging sanhi ng iritasyon ng iyong balat at bawasan ang stress at pagkabalisa.

Matuto nang higit pa tungkol sa eczema at dermatitis dito.

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na akda ni Lorraine Bunag, R.N. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eczema – causes, symptoms, treatment
https://www.southerncross.co.nz/group/medical-library/eczema-causes-symptoms-treatment#:~:text=Certain%20substances%20or%20conditions%20called,pollen%2C%20moulds%2C%20or%20foods.
Accessed November 24, 2020

Eczema
https://www.health.harvard.edu/a_to_z/eczema-a-to-z
Accessed November 24, 2020

Eczema Causes and Triggers
https://nationaleczema.org/eczema/causes-and-triggers-of-eczema/
Accessed November 24, 2020

Eczema
https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/eczema/
Accessed November 24, 2020

Atopic dermatitis (eczema)
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atopic-dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20353273
Accessed November 24, 2020

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ointment Para Sa Kati Sa Balat, Ano Ang Mabisa?

Karaniwang Sakit sa Balat na Mayroon sa Pilipinas


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement