backup og meta

Gamot sa Vitiligo: Paano I-Manage ang Kondisyong ito sa Balat?

Gamot sa Vitiligo: Paano I-Manage ang Kondisyong ito sa Balat?

Ang vitiligo ay isang kondisyon sa balat kung saan ang mga cells na gumagawa ng pigment o kulay ng balat (melanocytes) ay inaatake ng immune system. May marami-raming mga paraan ng gamot sa vitiligo na maaaring gawin. 

Ang vitiligo ay hindi nakahahawa at hindi nakamamatay, gayunpaman, maaari itong makapagpabagong-buhay. Sa kadahilanang naaapektuhan ng vitiligo ang panlabas na anyo, maaaring magdulot ito ng pagbaba ng kumpyansa sa sarili ng ilan. Maraming mga tao ang maaari ding umiwas sa mga taong may vitiligo lalo na kung hindi sila maalam tungkol sa sakit na ito.

0.5-1% ng populasyon ay apektado ng vitiligo. Ang kondisyong ito ay nangyayari sa lahat ng lahi ngunit mas nahahalata sa mga taong may mas maiitim na balat. 

Mga Dahilan 

Ang tiyak na dahilan ng vitiligo ay hindi pa alam ngunit ang alam lamang ukol sa vitiligo ay maaaring ito ay dulot ng: 

  • Pagkamana 
  • Mga Sakit na Autoimmune, gaya ng sakit sa thyroid 

Mga Uri ng Vitiligo 

Nonsegmental na Vitiligo 

Ang nonsegmental na vitiligo ang karaniwang uri ng vitiligo, na sumasaklaw sa 80% ng mga kaso nito. Sa nonsegmental na vitiligo, ang mga spot sa balat ay lumalabas sa magkabilang bahagi ng katawan. Ang mga spot ay kadalasang magkakapantay-pantay. Halimbawa, kung may spot sa pisngi, kadalasan na mayroon ding spot sa kabilang pisngi. 

May iba’t ibang uri ng nonsegmental vitiligo, kadalasan na batay sa kung saan makikita ang mga patsi sa balat

  • Mucosal Vitiligo- lumalabas sa mga bahagi ng ari, sa loob ng ilong, labi 
  • Acrofacial Vitiligo- mukha, mga kamay, at paa
  • Lip-tip Vitiligo- labi at dulo ng mga daliri 
  • Focal Vitiligo- Sa isang napakaliit na bahagi ng katawan (ngunit kadalasan na mabilis itong kumakalat, at nagbabagong-anyo) 
  • Generalized Vitiligo- Malalaking bahagi ng katawan gaya ng likuran at dibdib 
  • Universal Vitiligo- Ang vitiligo ay kumalat na sa higit sa 80% ng katawan. 
  • Inflammatory Vitiligo- Ang mga patsi ay may kulay rosas na hangganan, minsan ay may kaliskis na nabubuo sa paligid ng puting spot, at kadalasang napakakati. 
  • Koebner Phenomenon- Ang vitiligo na lumalabas matapos ang isang injury sa balat (gaya ng gasgas, nakayod na bahagi, paso, o hiwa) 
  • Trichrome Vitiligo- Patsi ng vitiligo na nagpapakita ng tatlong kulay: ang normal na kulay ng balat, hypopigmentation, at depigmentation. 
  • Confetti Vitiligo- pagkawala ng kulay ng balat. Ito ay kadalasang senyales na ang proseso ng paglabas ng vitiligo ay aktibo. 

Segmental na Vitiligo 

Ang segmental na vitiligo ay isa pang anyo ng vitiligo na lumalabas lamang sa isang gilid ng katawan nang hindi umaabot sa gitnang bahagi nito. 

Ang anyong ito ay kumakalat nang mas mabilis kaysa sa ibang anyo. Mabilis ang paglaki nito sa loob ng 6-12 buwan, at tsaka mananatili na sa naabot nitong laki. Bihirang masaklawan ng segmental na vitiligo ang buong katawan. 

Kadalasan itong nagagamot kung ito ay nagsimula nang sobrang aga ngunit ito ay may tugon naman sa surgical na therapy na kung tawagin ay melanocyte-keratinocyte transplant. 

Senyales at Sintomas 

Ang vitiligo ay maaaring magsimula sa kahit na anong edad ngunit kadalasan na lumalabas ito bago tumuntong ng edad na 30 ang isang tao. 

Ang sumusunod ay ang mga sintomas ng vitiligo: 

  • Pagkawala ng kulay sa loob ng bibig at ilong 
  • Pagkawala ng kulay ng balat na nagsisimula nang papatsi-patsi sa iba’t ibang bahagi ng balat mula sa mukha, kamay, ari, at kahit saan sa katawan. 
  • Ang buhok sa anit at katawan ay nagsisimulang maging kulay puti o abo sa batang edad. 

Diagnosis 

Kung nakapapansin ka ng ano mang pag-iiba ng kulay isa iyong balat, tiyakin na mabibisita mo ang iyong dermatologist para sa mas malawakang pagsusuri. 

Ang iyong dermatologist ang magsusuri sa iyong balat sa pamamagitan ng isang espesyalisadong ilaw (na tinatawag na Wood’s lamp) at magtatanong sa iyong medical history. Ang iyong doktor ay maaari ding mag-utos ng pagsasagawa ng blood test o magtanggal ng maliit na sample ng iyong balat para sa pagte-test nito. 

Mga Posibleng Gamot sa Vitiligo

Walang lunas sa vitiligo gayunpaman, may mga paraan ng panggagamot at mga pamamaraan na maaaring gawin para mabawasan ang pagkawala ng kulay sa bata. 

May marami-raming posibleng gamot sa vitiligo ngunit ang pagtugon sa mga panggagamot na ito ay nakadepende sa tao at sa uri ng vitiligo. 

Ang pagtugon ng vitiligo sa panggagamot ay nakadepende rin sa lokasyon at kung naaapektuhan ba nito ang follicles ng buhok. Bilang halimbawa, ang segmental na vitiligo ay maaaring makaapekto sa follicles ng buhok, na nagdudulot ng mga patsi ng puti o abong buhok. Kapag naapektuhan ng vitiligo ang buhok, mas mababa ang antas ng pagtugon nito sa panggagamot dahil sa mga follicles ng buhok makikita ang melanocytes. Ang iba pang hindi gaanong tumutugon na bahagi ay ang: tungki ng labi, ari, at mga mucosal surfaces. 

Mga Topical na Gamot sa Vitiligo 

  • Corticosteroid na mga Pamahid- Ang mga pamahid na ito ay nakapagpapabawas sa pamamaga. Bilang resulta, ang ibang mga kulay ay maaaring mapanumbalik sa puting mga patsi. 
  • Calcineurin inhibitor na mga Ointment- Ang mga pamahid na gaya ng tacrolimus (Protopic) o pimecrolimus (Elidel) ay nakaaapekto sa immune system at maaaring makapagpababa ng pagkawala ng kulay sa balat.

Gamot sa Vitiligo na Ginagamitan ng Ilaw 

  • Ultraviolet B Light Treatment- Ang ultraviolet light ay maaaring maipasok sa katawan sa pamamagitan ng isang hinahawakang kagamitan. Para sa mga taong nangangailangan ng panggagamot sa marami-raming bahagi ng katawan. Maaari silang tumayo sa loob ng isang lightbox na kasinglaki ng aparador sa loob ng ilang minuto nang nakasuot ng goggles. 
  • Ang panggagamot na ito ay dapat na ulitin nang madalas, tinatayang 2-3 beses sa isang linggo sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan. 

Gamot sa Vitiligo na Ginagamitan ng Operasyon 

  • Cellular Suspension Transplant- Kukuha ang doktor ng pigment sa isang bahagi na mayroon nito at ilalagay ang mga selula ng pigment (melanocytes) sa isang solution. Ang mga melanocytes ay inililipat sa bahagi ng balat na apektado para makapagpatubo ang bahaging ito ng melanocytes at magkaroong muli ng kulay. 
  • Skin Grafting- Ang pamamaraang ito ay karaniwan para sa mga may maliliit lamang na patsi ng vitiligo. Ang doktor ay kukuha ng maliit na bahagi ng malusog na balat at ililipat ito sa bahaging nawalang ng kulay. 
  • Blister Grafting- Ang doktor ay lilikha ng mga paltos sa iyong malusog na balat. Ang ibabaw ng mga paltos na ito ay ililipat sa mga bahagi ng balat na nawawalan ng kulay. 
  • Depigmentation- Ang depigmentation ay ang pagtatanggal ng natitirang kulay sa balat na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng puting balat sa buong bahagi ng katawan ng tao. Kakaunting mga tao lamang ang sumasailalim sa paraan ng panggagamot na ito. Ito ay kadalasang iminumungkahi sa mga taong nasasaklaw na ng vitiligo ang halos buong katawan. 

Key Takeaways

Ang vitiligo ay isang kondisyon kung saan inaatake ng immune system ang mga selulang nagpoprodyus ng kulay sa balat. Ang vitiligo ay hindi nakamamatay o nakahahawa. May marami-raming mga paraan ng panggagamot para sa vitiligo ngunit ang panggagamot ay nakadepende sa uri ng vitiligo at sa bahagi ng katawang apektado nito. 

Matuto nang higit pa tungkol sa Dermatitis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vitiligo, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12419-vitiligo

January 14, 2021

 

Vitiligo, https://medlineplus.gov/vitiligo.html

January 14, 2021

 

Vitiligo, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/vitiligo-treatment

January 14, 2021

 

Vitiligo, https://kidshealth.org/en/teens/vitiligo.html

January 14, 2021

 

Patterns of Vitiligo, https://www.umassmed.edu/vitiligo/blog/blog-posts1/2020/05/patterns-of-vitiligo/

January 14, 2021

 

Vitiligo, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/vitiligo-a-to-z

January 14, 2021

Kasalukuyang Version

04/25/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paltos Sa Paa: Paano Nagkakaroon Nito, At Paano Ito Maiiwasan?

Long Term Prognosis sa Eczema: Epekto at Pamamahala


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement