Maraming iba’t ibang rason bakit ka nakararanas ng pangangati ngayon. Kung naranasan mo na ang pinaka karaniwan tulad ng alipunga o ringworm, sinisi mo na ang fungi sa paligid mo. Dahil hindi visible sa mata ang karamihan sa fungi, maaaring hindi ka aware sa epekto nito sa iyo. Basahin upang malaman ang iba’t ibang fungal infection sa balat.
Ano ang fungal infection sa balat?
Gaya ng nabanggit ng pangalan, ang ilang mga uri ng infection sa balat ay dahil sa microorganisms na tinatawag na fungi na makikita sa hangin, tubig at maging sa katawan ng tao. Ang Centers for Diseases Control ang Prevention (CDC) ay ibinahagi na humigit 1.5 milyon na iba’t ibang species ang natukoy na makikita sa buong mundo. Nasa 50% ng fungi ay kinokonsiderang toxic at 300 dito ay maaaring maging sanhi ng pagkakasakit ng mga tao. Maaari itong mangyari kung ang isa sa mga mapanganib na fungi ay nanatili sa balat. Dahil dito, may mataas na posibilidad na magkaroon ng rashes sa balat na maaaring maging makati habang tumatagal.
Sa pangkalahatan, ang fungal infection sa balat ay maaaring makita na matingkad na pula at kumalat sa malaking parte ng balat. Maaari itong ma-develop sa kahit na anong parte ng katawan, sa singit, puwet, hita, o kuko, na may mga sumusunod na katangian:
- Kulay na mas matingkad sa border
- Sobra ang scales sa border
- Mas maliit at tiyak na lesions sa edges ng rash
Uri ng Fungal Infection sa Balat
Nasa ibaba ang listahan ng iba’t ibang fungal infection sa balat na maaaring maranasan mo o ng mga kaibigan at miyembro ng iyong pamilya.
Ang pinaka karaniwan ay ang unang matatalakay.
Ringworm
Ito ay karaniwang infection sa balat na maaaring maapektuhan ang kahit na sino. Ito ay pabilog na rashes na karaniwang nakikita bilang pula at makati. Ang fungal infection na ito ay maaaring mag-dwell sa balat, surfaces, at iba pang gamit sa balat tulad ng damit, tuwalya, at kama.
Maraming iba’t ibang pangalan para sa ringworms, depende sa fungus na sanhi ng infection at kung saan ito nakalagay. Tinatawag ito minsan na “tinea” para sa partikular na fungi na nararanasan (hal. Tinea corporis, Tinea capitis, o Tinea cruris). Ang isa pang medikal na termino para rito ay tinatawag na Dermatophytosis.
Ang alipunga o athlete’s foot ay nasa ilalim ng fungal infection.
Athlete’s foot
Ito ang pinaka karaniwan na uri na sanhi ng fungus na tinatawag na Tinea pedis. Ang mga tao na mahilig magpaa sa paglalakad ay prone sa infection na ito. Ito ay nagsisimula bilang flake sa pagitan ng daliri sa paa na nagiging puti. Madali itong kumakalat sa buong paa.
Nail fungus/infections
Ang kondisyon ay medyo pareho sa alipunga. Ang kuko sa kamay at paa ng isang tao ay maaaring magmukhang dilaw at makapal, na fragile at prone sa pagbibitak.
Onychomycosis ang mas teknikal na termino para sa fungal infection sa balat na ito,
Scalp ringworm
Ang Tinea capitis ang fungus na responsable para sa nakahahawang infection na ito. Karaniwan na naapektuhan nito ang mga bata sa pagitan ng 2 hanggang 10 taon na edad na may pangangati sa anit na may kasamang rashes. Maaari itong magresulta sa pagnipis ng buhok.
Body ringworm
Ang infection na ito sa balat ay nakikita na bilog na rashes na matatagpuan sa itaas na bahagi ng katawan at sa mukha. Ito ay nakaaapekto sa lahat ng edad, ngunit mas naaapektuhan nito ang mga bata. Ang mga tao na nakatira sa mas mainit na klima ay maaaring magpakita ng sintomas tulad ng pangangati sa apektadong bahagi.
Jock Itch
Mas nagkakaroon ng infection na ito ang mga lalaki. Ito ay pormang pula na bilog na patches sa balat sa bahaging singit na nagreresulta ng pangangati at hapdi.
Candidiasis
Ang candida ay sanhi ng yeast infection na partikular na uri. Ang fungus ay nabubuhay sa surfaces ng balat at sa loob ng katawan, tulad ng bibig, lalamunan, sikmura, at loob ng ari ng babae.
Makikita ang rashes at iritasyon sa balat, sa bahagi ng ari ng babae, at sa digestive system. Gayunpaman, maaari itong dumami at hindi makontrol.
Ang mga taong namumuhay o naglalakbay sa partikular na lokasyon ay mas prone sa ganitong uri ng fungal infection sa balat. Ilan sa mga ito ay:
- Blastomycosis
- Cryptococcus gattii infection
- Coccidioidomycosis (Valley Fever)
- Histoplasmosis
- Paracoccidioidomycosis
Karagdagan dito, ang ilan ay maaaring magpahina ng immune system:
- Aspergillosis
- Cryptococcus neoformans infection
- Mucormycosis
- Talaromycosis
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa ibang infection sa balat dito.