backup og meta

Ano ang Eczema Herpeticum, at Dapat ba itong Ipag-alala?

Ano ang Eczema Herpeticum, at Dapat ba itong Ipag-alala?

Kadalasan, pinagbabaliktad ng mga tao ang terminong dermatitis at eczema upang lagyan ng labels ang kanilang kondisyon sa balat. Bagaman ito ay parehong nagpapakita ng mga senyales ng pamamaga ng balat, mayroong mga kaunting tiyak na pagkakaiba, at mayroon ding mga ibang uri sa ilalim ng terminong ito. Alamin ano ang eczema herpeticum, sanhi nito at mga senyales. 

Eczema Herpaticum, Pagpapaliwanag

Ano ang eczema herpeticum? Ito ay bihira at malalang impeksyon sa balat na kaugnay ng oral herpes o ang herpes simplex 1 virus. Ang virus na ito ay kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng cold sores sa loob at paligid ng bibig. Gayunpaman, maaari din itong nasa ibang parte ng katawan.

Kung ang breakdown ng skin barrier ay hindi dahil sa eczema, ang ilan ay tinatawag itong Kaposi varicelliform eruption. Ito ay sa kadahilanan na ang sinaunang tao ay binigyang katangian ito na tulad ng bulutong. Ito rin ang rason bakit naguguluhan ang mga tao sa uri ng rash na mahapdi at nagsusugat.

Mas karaniwan ito sa mga bata na may atopic dermatitis at iba pang inflammatory skin condition.

Kung hindi agad na gagamutin, maaari itong maging mapanganib dahil ito ay kakalat sa malalaking bahagi ng balat. Epektibo ang lunas dito ang paggamit ng antiviral na gamot.

Ano ang Sanhi Nito?

Ang partikular na impeksyon sa balat na ito ay nangyayari kung ang nabanggit na virus ay umatake sa malaking bahagi ng balat, hindi tulad sa karaniwang cold sore na maliit na parte lang ng balat. Maaari o hindi maaaring magsimula ito bilang cold sore na kalaunan ay maaapektuhan ang mukha at ibang parte ng katawan.

Maaaring makuha ng parehong babae at lalaki ang virus na ito, maging ang sakit sa balat. Gayunpaman, ito ay mas madalas sa mga bagong silang na sanggol at mga bata na may atopic dermatitis dahil mayroon silang mababang immunity sa herpes infection. Maaari itong nasa mild hanggang malala, aktibo o hindi aktibo.

May mga kaso rin na ang mga trauma o cosmetic operations (hal. lasers, skin peels, at dermabrasion) ay potensyal na sanhi nito.

Ano ang mga Senyales at Sintomas nito?

Kadalasan na tina-target ng virus ang mukhat at ang bahagi ng leeg, ngunit maaari din itong makita sa ibang parte ng katawan tulad ng mga kamay. Matapos ang unang interaction sa herpes simplex virus, ang ilang senyales at sintomas ay maaaring mangyari matapos ang dalawang linggo.

Ang nakikitang senyales sa balat ay ang mga sumusunod:

  • Makati at masakit na cluster ng maliliit na blisters (monomorphic o uniform kung tingnan)
  • Pula, purple, o itim na blisters
  • Blisters na pumuputok na may nana sa loob

Ang ibang mga sintomas ay kabilang ang:

  • Mataas na temperatura at chills
  • Namamagang lymph nodes
  • Masamang pakiramdam sa pangkalahatan

Maaaring masabi ng doktor kung ikaw ay may eczema hyperticum sa itsura nito. Upang makumpirma ang impeksyon, kokolektahin ang swab sample mula sa blisters.

Ang sugat ay potensyal na maaaring maapektuhan ng bacteria, na kilala bilang secondary infection. Maaaring magresulta mula rito ang impetigo at cellulitis na mayroong staphylococci o streptococci na organismo.

Maaari ba itong Malunasan?

Kailangan na magbigay ang doktor ng antiviral na gamot sa lalong madaling panahon. Ito ay kadalasang iniinom sa porma ng tableta o syrup. Gayunpaman, ang ilang indibidwal na kritikal ang karamdaman o mabilis kumalat ang sakit na kabilang ang mga mata ay kailangan ng antiviral na gamot sa pamamagitan ng ugat (IV), kaya’t kinakailangan ito ng hospitalization.

Gayundin, maaaring mag-suggest ang iyong doktor na ipagpatuloy ang regular na paggamot sa eczema habang gumagamit ng antiviral na gamot. Kung mayroong secondary bacterial infections sa balat, maaaring ding gumamit ng topical o oral antibiotics.

Key Takeaways

Ang herpes ay nakahahawang virus na madaling maipasa sa pamamagitan ng paghipo o hawak. Kung iniisip mo na ang iyong anak o maging ikaw ay may eczema herpeticum, kailangan mong iwasan ang magkaroon ng close contact sa ibang mga tao. Sa parehong paraan, konsultahin ang iyong doktor tungkol dito upang makakuha nang maayos na lunas para sa kondisyon ng iyong balat.

Matuto pa tungkol sa dermatitis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eczema herpeticum, https://dermnetnz.org/topics/eczema-herpeticum Accessed November 25,  2021

Eczema herpeticum, https://nationaleczema.org/eczema/related-conditions/eczema-herpeticum/ Accessed November 25, 2021

Eczema herpeticum, https://patient.info/skin-conditions/atopic-eczema/eczema-herpeticum Accessed November 25, 2021

Eczema herpeticum, https://www.aocd.org/page/EczemaHerpeticum Accessed November 25, 2021 

Eczema herpeticum, https://www.bad.org.uk/shared/get-file.ashx?id=197&itemtype=document Accessed November 25, 2021

Kasalukuyang Version

06/18/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paltos Sa Paa: Paano Nagkakaroon Nito, At Paano Ito Maiiwasan?

Long Term Prognosis sa Eczema: Epekto at Pamamahala


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement