backup og meta

3 Dahilan Ng Pangangati Ng Bata, Ayon Sa Mga Doktor At Eksperto!

3 Dahilan Ng Pangangati Ng Bata, Ayon Sa Mga Doktor At Eksperto!

Madalas bang magkamot ang iyong anak dahil sa pangangati? Ngunit hindi mo alam kung ano ang dapat gawin? Huwag kang mag-alala may solusyon ang iyong problema! Nasa artikulong ito ang mga paraan sa kung ano ang pwede mong gawin sa pangangati ng iyong anak. Pero bago namin ibahagi ang sagot sa iyong alalahanin, alamin mo muna ang dahilan ng pangangati ng bata.

3 Dahilan Ng Pangangati Ng Bata

Ayon sa mga doktor at pag-aaral maraming dahilan kung bakit nakakaranas ng pangangati ang mga bata — at ang pag-alam sa mga dahilang ito ay makakatulong para maiwasan ito ng iyong anak.

Kaya naman narito ang 3 dahilan ng pangangati ng bata na dapat mong malaman:

1. Skin Allergy

Ang allergy sa balat ang isa sa pinakadahilan ng pangangati ng mga bata. Ilan sa mga kilalang allergy na pwedeng maging sanhi ng kanilang pangangati ay ang mga sumusunod:

    • Rashes — ito ay maaaring ma-trigger kapag nadapuan ang balat ng anak ng mga allergen tulad ng poison ivy, balahibo ng mga hayop, at iba pa.
    • Hives — tinatawag rin na “urticaria” ang skin allergy na ito, pwedeng maging mamula-mula ito o makita sa anyo ng maputlang pamamaga na lumalabas sa katawan ng bata bilang reaksyon sa kemikal na histamine. Maaari rin na ma-trigger ito ng ilang mga partikular na gamot, pagkain, at iba pa.
    • Irritant contact dermatitis — maaaring ang maging sanhi nito ay ang pagkakadikit ng balat ng bata sa mga bagay na nakakairita tulad ng mga kemikal, detergent, at sabon.
    • Allergic contact dermatitis — isa itong makating pantal sa bata at matanda na pwedeng dulot ng exposure sa allergens na maaaring mula sa pangkulay ng buhok o mga metal na matatagpuan sa alahas.

Sa kabuuan, maaaring makita ang mga skin allergy sa anyo ng pantal, namumula at namamagang balat, pwede itong matagpuan sa alinmang bahagi ng katawan ng bata. Ipakonsulta mo agad sa doktor ang iyong anak kapag pinaghihinalaan mo na may skin allergy siya para mapayuhan kayo sa mga paggamot at medicine na dapat i-take ng iyong anak. Isa itong mahusay na hakbang para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon sa balat.

2. Bacteria o viral infections

Isa sa dahilan ng pangangati ng bata ay ang mga bakterya at viral infection, gaya ng mga sumusunod:

  • pagkakaroon ng mga kuto
  • tigdas 
  • bulutong
  • mga kagat ng lamok, mites, at surot
  • pangangati sa pangkulay ng buhok, pabango, at sabon
  • pagkakaroon ng pantal dahil sa fungi
  • pangangati sa telang hindi komportable ang balat

3. Skin Asthma

Ang skin asthma ay kadalasang naiuugnay sa eczema o atopic dermatitis. Ito ang kondisyon kung saan maaaring maging dry at makati ang balat ng bata. Kapag hindi ito naagapan maaaring humantong ito sa pamamaga at allergies. Kaya mas mainam na magkaroon ng konsultasyon sa doktor para maiwasan mabigyan ng tamang diagnosis at treatment ang pasyente.

Anu-ano Ang Dapat Mong Gawin Para Sa Pangangati?

1. Magpakonsulta sa doktor

Para maiwasan ang pangangati at maibsan ito, pwede mong dalhin ang iyong anak sa isang pediatrician. Malaki ang maitutulong nila upang masuri ang mga sintomas ng bata na may kaugnayan sa allergy. Sa pagpapakonsulta sa doktor, pwede ka nilang payuhan at ang iyong anak tungkol sa mga estratehiya para maiwasan o mabawasan ang allergy reactions at pangangati ng balat.

2. Pagtuturo sa anak ng proper hygiene

Ang pagkakaroon ng proper hygiene ay makakatulong upang maibsan ang pangangati at maiwasan ito. Dapat mong ituro sa anak ang wastong pagligo at paglilinis ng katawan upang mapanatili ang kalinisan ng iyong anak at matanggal ang mga dumi na kumapit sa kanila na sanhi kadalasan ng pangangati. 

3. Pag-iwas sa irritants

Makakatulong sa iyong anak na alamin ninyo ang irritants o allergens na nagti-trigger sa skin allergy ng anak. Isa itong mahusay na hakbang para maiwasan ang pangangati sa balat na bunga ng allergy. 

4. Pagpahid ng angkop na lotion sa balat ng anak

Maaari kang magtanong sa dermatologist kung anong lotion ang angkop sa pangangailangan ng balat ng iyong anak. Malaki kasi ang naitutulong ng paggamit ng lotion para mapanatili na hydrated ang balat ng isang tao at maiwasan ang pangangati. Iwasan ang pagpahid ng iba’t ibang lotion o likido na maaring mas makasama sa balat ng iyong anak tulad ng mga mababangong lotion o alcohol kung kaya’t mas maganda na humingi ng payo ng iyong doktor. 

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Differential Diagnosis and Treatment of Itching In Children And Adolescents, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8389554/#:~:text=Itching%20in%20childhood%20is%20mainly,and%20hereditary%20dermatoses%20%5B4%5D. Accessed February 8, 2023

Itching Skin In The Children, https://bcmj.org/articles/itching-skin-children Accessed February 8, 2023

What’s causing your child’s itchy rash? https://www.aad.org/news/cause-childrens-itchy-rash Accessed February 8, 2023

Atopic Dermatitis in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=atopic-dermatitis-in-children-90-P01675 Accessed February 8, 2023

Skin Condition in Children,

Differential Diagnosis and Treatment of Itching In Children And Adolescents, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6951-skin-conditions-in-children Accessed February 8, 2023

Kasalukuyang Version

05/26/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement