Ang pagkakaroon ng bukol sa kilikili ay pwedeng magresulta ng takot lalo na sa mga kababaihan dahil sinasabi na ang pagkakaroon ng bukol sa kilikili ay manifestation ng pagkakaroon ng mga sakit na hindi mo pa nalalaman. Partikular kung hindi ka pa dumadaan sa konsultasyon sa doktor o espesyalista. Subalit may katotohanan nga ba ito? Anu-ano nga ba ang mga dahilan ng bukol sa kilikili at paano gamutin ito kung sakali na mayroon ka nito?
Basahin ang artikulong ito, para malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito.
Ano ang bukol sa kilikili?
Sa Ingles ang bukol sa kilikili ay tinatawag na “armpit lump”, kung saan tumutukoy ito sa pamamaga o bukol sa ilalim ng braso. Dagdag pa rito, maaaring maging dahilan ang pamamaga ng lymph nodes, mga impeksyon, at cysts para sa mga bukol sa kilikili. Subalit, maraming treatment para sa mga bukol na lumilitaw sa kilikili at nakadepende ito sa kung ano ang dahilan ng pagkakaroon nito. Pwede kang magpasuri sa doktor para malaman ang underlying cause ng bukol sa kilikili upang makakuha ng angkop na paggamot para dito.
[embed-health-tool-bmi]
Mga dahilan ng bukol sa kilikili
Ayon sa mga doktor ang bukol sa kilikili ay maaaring magkaroon ng maraming dahilan. Kaugnay nito, ang lymph nodes ay gumagana bilang filters na pwedeng makahuli ng mga mikrobyo o cancerous tumor cells. Kapag naganap ito, lumalaki ang lymph nodes at madali itong maramdaman ng tao sa kanyang katawan.
Ang lymph node ay isang maliit na bean-shaped na bahagi ng ating immune system at sila rin ang nagsasala ng substances na dumadaan sa lymphatic fluid. Naglalaman ang mga ito ng lymphocytes (white blood cells) na tumutulong sa katawan na labanan ang sakit at infections.
Narito pa ang mga sumusunod na dahilan kung bakit lumalaki ang lymph node sa kilikili:
- impeksyon sa braso at suso
- pagkakaroon ng bodywide infections, tulad ng AIDS, herpes at mono
- kanser, tulad ng lymphomas at breast cancer
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga potensyal na dahilan ng bukol sa kilikili, subalit hindi naman kinakailangang mag-alala kaagad dahil karamihan ng mga bukol ay harmless o hindi nakapipinsala.
Ngunit sa ilang mga pagkakataon ang bukol sa kilikili ay pwedeng magpahiwatig ng seryosong isyu sa kalusugan. Narito ang mga sumusunod:
- lupus
- kanser sa suso
- lymphoma
- noncancerous, fibrous tissue growth (fibroadenoma)
- mga cyst o mga sac na puno ng likido
- allergy reactions sa deodorant, antiperspirant, o sabon
- masamang reaksyon sa mga pagbabakuna
- fungal infections
- leukemia
- viral o bacterial infection
- matabang paglaki o fatty growths (lipomas)
- cat scratch disease
Tandaan na maaaring makaranas ng pananakit sa bukol ng kilikili ang tao, kung saan nauugnay ito madalas sa impeksyon sa lymph node at allergy reactions.
Ano ang sintomas ng bukol sa kilikili
Makikita na isang obvious ng sintomas ang pagkakaroon mismo ng bukol sa kilikili at sinasabi na ang bukol ay maaaring maging maliit o malaki.
Ayon sa mga doktor ang texture ng bukol sa kilikili ay maaaring mag-iba batay sa kung anong dahilan nito.
Dagdag pa rito, batay sa artikulong “Armpit lumps: What you need to know” kung ang isang tao ay mayroong cyst, impeksyon o fatty growth maaaring malambot ang kanilang bukol kapag pinindot o hinawakan. Samantala ang cancerous tumor ay pwedeng magkaroon ng matigas na texture.
Narito ang sumusunod na sintomas na maaaring maganap dahil sa impeksyon kaugnay sa bukol sa kilikili:
- pamamaga sa buong lymph nodes sa katawan
- lagnat
- pagpapawis o mga pawis sa gabi
Tandaan din na ang mga bukol ay unti-unting nagbabago sa laki o hindi nawawala, maaari itong maging mga sintomas ng mas malalang kondisyon tulad ng:
- kanser sa suso
- lymphoma
- leukemia
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?
Ang pangangalaga nito sa bahay ay nakadepende sa dahilan ng bukol sa kilikili at mas maganda kung magpapatingin sa doktor para malaman ang sanhi nito. Maaaring minsan ang bukol ay hindi harmful o masakit, subalit mas mainam na magpakonsulta sa doktor kapag naramdaman ang mga sumusunod:
- konsistent o patuloy na paglaki nito
- hindi pagkawala ng sakit
- ang bukol ay hindi nawawala
Dahil ang mga sumusunod na nabanggit ay maaaring manifestation ng mas malalang karamdaman na dapat tugunan, laging tandaan na sa oras na magpatingin sa doktor pwede silang magtanong ng mga bagay na may kaugnayan sa bukol. Asahan din ang pagsasagawa ng physical examination sa’yo para masuri ang iyong kalagayan.
Narito ang mga sumusunod na physical examination:
- hand palpation
- massage
Ito ay isinasagawa para makita ang consistency at texture ng bukol, kung saan ang procedures na ito ay nagbibigay ng daan sa doktor na masuri rin ang lymph nodes.
Paano mada-diagnose kung seryoso ba ang bukol?
Friendly advice. Doktor lamang ang pwedeng makapagsabi kung seryoso o hindi ang isang bukol. Maaaring hilingin sa pasyente na i-monitor ang bukol kung nagkakaroon ba ito ng pagbabago habang tumatagal.
Dagdag pa rito, pwedeng mag-order ng mga additional tests ang doktor para mas malaman ang sanhi ng bukol.
Narito ang mga test na maaaring isagawa pa:
- allergy testing
- complete blood count (para masukat ang bilang ng red at white blood cells)
- biopsy (tatanggalin ang piraso ng tissue mula sa bukol para i-test)
- chest o breast X-ray (mammogram)
Walang anumang aksyon na dapat gawin sa’yong kilikili sa oras naman na mapatunayan na non-harmful lumps ang mga ito.
Paano ito gagamutin?
Makikita na karamihan sa kaso ng mga taong may bukol ay hindi naman nangangailangan ng anumang tritment. Paki-tandaan na lamang din na kung ang bukol ay hindi naman nakapipinsala, maaaring irekomenda ng doktor ang home remedies. Narito ang mga sumusunod:
- mainit na compress o heat packs
- creams
- pain relief medication, tulad ng ibuprofen
- antibiotics
Huwag mo ring kakalimutan na maging maingat sa pagbili ng gamot at creams at siguraduhin na angkop ito para sa’yo at may patnubay ng iyong doktor.
Maaari rin na magkaroon ng pagsasagawa ng mga procedure para tanggalin ang fatty lumps o cysts sa’yong kilikili. Gayunpaman, madalas na maikli lamang ito at mayroon lamang minimal risk sa isang tao. Subalit kung ang bukol sa kilikili ay cancerous ito ang mga bagay na pwedeng gawin:
- radiation
- surgery
- chemotherapy
Key Takeaways
Sa oras na makaramdam ng mga discomfort at sintomas na hindi maganda para sa’yong kalusugan, magpakonsulta agad sa doktor! Kung lalabas sa pagsusuri na hindi mo dapat ikabahala ang mga bukol, maaaring irekomenda sa’yo ang home remedies na pwedeng gawin sa bahay. Subalit sa oras na ang bukol ay isang seryosong kondisyon para sa’yo, pwedeng bigyan ka ng mga angkop na atensyong medikal para dito.