backup og meta

Bakit Nga Ba Masama Ang Mga Parabens?

Bakit Nga Ba Masama Ang Mga Parabens?

Ang mga parabens ay tumutukoy sa mga chemical preservatives. Karaniwan itong sangkap ng mga cosmetics na siyang pumipigil sa paglaki ng mga nakakapinsalang bacteria at amag. Nakatutulong din ang mga kemikal na ito na protektahan ang parehong mga produkto at mga mamimili. Maaari itong dumating sa maraming anyo; ethylparaben, propylparaben, methylparaben, at butylparaben ay ilan lamang sa mga pinakakaraniwan. Maaaring narinig mo na ang mga kemikal na pangalan na ito noon, at dahil sa mga negatibong bagay na narinig mo tungkol sa mga ito, napaisip ka kung bakit masama ang parabens.

Bakit Masama Ang Parabens? Ano-Anong Mga Produkto Ang Nagtataglay Nito?

Ang mga cosmetics gaya ng makeup, mga shaving products, moisturizer, at shampoo ay maaaring maglaman ng mga parabens. Maraming mga pangunahing tatak ng mga deodorant ang hindi naglalaman ng naturang kemikal na ito, ngunit may ibang mayroon din. Maging ang mga produkto tulad ng pagkain at gamot ay kadalasang nagtataglay din ng maraming paraben. Kapag isinama ito sa iba pang mga uri ng preservatives, maaari nilang mapahusay ang proteksyon mula sa iba’t ibang mga microorganism.

Ang mga cosmetics na ibinebenta sa mga mamimili, sa online man o sa mismong tindahan, ay nararapat na mayroong label kasabay ng isang listahan ng mga sangkap na may kaakibat na karaniwang mga pangalan nito. Mahalaga ito upang matulungan ang mga mamimili na malaman kung ang mga produkto na kanilang binibili ay naglalaman ng mga sangkap na nais nilang maiwasan. Ang mga sangkap na may mga paraben ay karaniwang may salitang “paraben” sa dulo ng pangalan nito.

Bakit Masama Ang Parabens? May Kaugnayan Ba Ito Sa Breast Cancer?

Walang katibayan na makapagsasabi ng ugnayan ng paraben exposure sa breast cancer. Sa katunayan, ang mga tissue at body fluids ay naglalaman din ng mga kemikal na ito. Gayunpaman, ang pagtuklas ng mga kemikal na ito sa mga tisssue ng dibdib ng mga pasyenteng may breast cancer ay nagpapataas ng pangamba sa publiko tungkol sa paggamit ng mga ito. Ito ay pinaghihinalaang na ang mga estrogenic properties ng parabens ay maaaring kasangkot sa pag-unlad ng breast cancer. Ngunit hindi pa nakararating sa isang tiyak na sagot ang mga tao sa likod ng medical science at patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ito. Ito ay marahil ang mga pag-aaral na sumusuri sa mga epekto sa kalusugan ng mga kemikal na ito ay hindi pare-pareho.

Noong 2004, napag-alaman ng isang maliit na pag-aaral ang ilang halaga ng parabens sa ilang breast cancers tumor samples. Ngunit mahalagang tandaan na partikular na hinanap ng mga mananaliksik ang presensya ng naturang breast cancer samples. Hindi malinaw sa pag-aaral na ito kung ang mga paraben ang tunay na sanhi ng breast cancer —ang pag-aaral ay nagpakita lamang na naroroon ang mga ito. Hindi pa rin malinaw kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng parabens kaugnay ng cancer.

Ang mga paraben ay may mahinang estrogen properties, ngunit ang estrogen na ginawa ng katawan ay daan-daang o libu-libong beses na mas malakas. Samakatuwid, ang mga natural na estrogen (o mga hormone substitutes) ay mas malaki ang potensyal na masangkot sa pag-unlad ng breast cancer.

Nakadudulot Ba Ito Ng Contact Dermatitis?

Mula noong 1960s, nagkaroon na ng kontrobersya sa paggamit at kaligtasan ng paraben dahil sa posibleng sanhi ito ng allergic contact dermatitis. Sa kabila n g mga hinala mula noong mga panahong iyon, maraming pag-aaral sa nakalipas na 40 taon ay hindi nakagawa ng anumang tiyak na ebidensya patungkol sa toxicity nito. Sa katunayan, ang mga ito ang itinuturing na hindi gaanong sensitibong preservative para sa komersyal na paggamit.

Subalit, mayroong mga salungat na ulat sa mga epekto ng parabens sa balat. Ang ilang mga ulat ay nagmumungkahi na ang pagkakaroon ng mga kemikal na ito sa pagkain ay nagdudulot ng hindi maipaliwanag na dermatitis, habang ang iba ay nagpapakita na kahit na ang mga konsentrasyon na hanggang 5% ay hindi nagiging sanhi ng pangangati ng balat.

Kung Gayon, Bakit Masama Ang Parabens?

May kaunting ebidensya na nagpapaliwanag kung bakit masama ang parabens, o kung talagang nakakapinsala ang mga ito. Sa kasalukuyan, walang malinaw na panganib sa kalusugan ang mga kemikal na ito sa pagkain, mga gamot, cosmetics, at mga skincare products. Ngunit maaari namang maiwasan ng mga tao ang mga produktong naglalaman ng mga kemikal na ito sa pamamagitan ng pagsuri sa mga label.

Ang katotohanan ay karamihan sa mga tao ay mayroong paraben exposure. Sa katunayan, ipinapakita ng mga pag-aaral na hanggang 99% ng mga tao sa Estados Unidos ay mayroong ilang uri ng paraben sa ihi. Samantala, ang ibang mga pag-aaral ay nabigo upang mapatunayan ang isang direktang ugnayan sa pagitan ng mga ito at mga problema sa kalusugan tulad ng breast cancer.

Key Takeaways

Bagaman ang paggamit ng mga cosmetics na naglalaman ng mga paraben ay hindi nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao, ang labis na paggamit ng mga ito ay dapat pa ring limitahan. Maaaring magtaglay ang mga produktong ito ng mga naturang compound na maaaring magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan. Dahil sa aktwal na panganib ng estrogenic effect mula sa paraben exposure, ang malawakang paggamit ng mga cosmetics na naglalaman ng mga preservative na ito ay dapat na ring iwasan.

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Review of the safety of application of cosmetic products containing parabens, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31903662/, Accessed October 4, 2021

The health controversies of parabens, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23508773/, Accessed October 4, 2021

An overview of parabens and allergic contact dermatitis, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24305662/, Accessed October 4, 2021

Paraben, ​​https://www.sciencedirect.com/topics/immunology-and-microbiology/paraben, Accessed October 4, 2021

Parabens in Cosmetics, https://www.fda.gov/cosmetics/cosmetic-ingredients/parabens-cosmetics, Accessed October 4, 2021

Antiperspirants and Breast Cancer Risk, https://www.cancer.org/cancer/cancer-causes/antiperspirants-and-breast-cancer-risk.html, Accessed October 4, 2021

Exposure to Chemicals in Cosmetics, https://www.breastcancer.org/risk/factors/cosmetics, Accessed October 4, 2021

Kasalukuyang Version

09/27/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Pag-Moisturize Ng Balat: Ang Sikreto Sa Pagiging Mukhang Bata

Anu-ano ang mga Test para sa Breast Cancer?


Narebyung medikal ni

Martha Juco, MD

Aesthetics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement