backup og meta

Ano ang Supernumerary Nipple sa katawan ng tao? Alamin dito!

Ano ang Supernumerary Nipple sa katawan ng tao? Alamin dito!

Limang utong sa katawan — hindi ba’t parang nakakatakot at nakababahala? Kaya’t napakahalaga na malaman ng tao kung ano ang supernumerary nipple para maiwasan din ang pagkalat ng mga maling impormasyon at haka-haka tungkol sa pagkakaroon ng higit sa dalawang utong sa katawan.

Ayon sa mga doktor, ang supernumerary nipple ay isang kondisyon ng tao — na may extra nipple o utong sa katawan. Ang international singer na si Harry Styles ay isa sa mga kilalang tao na nagtataglay ng ganitong kondisyon. Kinumpirma ng singer ang internet rumours — tungkol sa pagkakaroon ng maraming utong sa kanyang mga interbyu.

Kilala rin sa tawag na “polymastia” o “polythelia”, ang pagkakaroon ng higit sa 2 utong. Minsan nire-refer din ito bilang “accessory nipples”. Tinatayang nasa 1-5% ng populasyon ang nagkakaroon ng ganitong uri ng kondisyon.

Basahin ang artikulong ito, para sa mga impormasyon tungkol sa kung ano ang supernumerary nipple.

Ano ang supernumerary nipple?

Ang mga extrang utong ay tinatawag na supernumerary nipples. Ayon na rin sa The Genetic and Rare Diseases Information Center (GARD), Sinasabing komon sa mga taong may limang utong o higit pa na hindi nila namamalayan na mayroon sila nito. 

Sino ang madalas na magkaroon ng higit sa 2 na utong?

Isa itong rare condition — at ayon din sa GARD, mayroong estimated 200,000 Americans ang nagkaroon ng isa o higit pang extra nipples.

Mas madalas din ito para sa kalalakihan, at kung ilalarawan ang itsura ng additional nipples — madalas na mas maliit ito kaysa sa regular na utong. Hindi rin ito debelop masyado (less develop).

Maaari bang magkagatas ang ikatlong nipple ng babae?

Kung ang isang babae ay may supernumerary nipple — at siya ay nagbuntis at nanganak, maaaring mag-lactate ang ikatlong utong kung saan, ang lactation ay proseso ng paggawa ng human milk.

Ano ang supernumerary: Ilan ang extra nipples ang pwedeng taglayin ng tao?

Sa mga kasong naitala, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng 8 sobra na utong sa katawan. Karaniwan din sa extra na utong ay hindi nangangailangan ng medical intervention.

Ano ang supernumerary: Paano nagkakaroon nito?

Ang sobrang utong ay pwedeng mabuo sa loob ng sinapupunan ng ina. Kapag ang expectant mother ay apat na buwan ng buntis, sinasabi na ang pagdebelop ng embryo’s two milk lines ay nagsisimula. Makikita rin na ang milk lines ay gawa sa ridged ectoderm tissue. Ito ay magiging bahagi ng balat ng baby sa pagtagal.

Karaniwan, ang milk line tissue ay nananatiling makapal at binubuo ang iyong utong. Habang ang mga natitirang bahagi ng makapal na balat ay lumalambot muli. Sa ilang mga kaso, ang ilang bahagi ng milk line ridges ay hindi na muling bumabalik sa regular ectoderm tissue. Dahil dito, pwedeng lumitaw ang supernumerary nipples kung saan, nananatiling makapal at ridged ang milk tissue pagkatapos ng kapanganakan — at madebelop hanggang sa paglaki at pagtanda.

Paano mo malalaman na may sobra kang utong?

Ang ilang supernumerary nipple ay lumilitaw lamang. bilang isang maliit na bukol na walang pamilyar na katangian ng isang utong. Ngunit, may mga pagkakataon din, na ang utong ay maaaring magmukang regular nipple. 

Madalas na makikita ang mga karagdagang utong sa ilalim ng suso at utong ng dibdib ng lalake. Pwede rin itong makita sa kilikili — maging sa’yong genital area. Maaaring lumitaw ang sobrang mga utong sa kahit saang bahagi ng iyong katawan. Kahit sa’yong kamay at paa.

Ectopic supernumerary nipple ang tawag kapag mayroon kang sobrang nipple sa kamay at paa.

Mga uri ng supernumerary nipple

  • Category 1 (polymastia): Sinasabi na ang extra nipple ay nagtatagalay ng areola sa paligid nito (malambot at pabilog na tissue sa paligid ng isang utong).
  • Category 2: Ang sobrang utong ay may breast tissue sa ilalim subalit wala itong areola
  • Category 3: Makikita na ang extra nipple ay may breast tissue sa ilalim nguni’t wala itong utong.
  • Category 4: Mapapansin na ang sobrang utong ay may breast tissue sa ilalim nguni’t walang nipple o areola.
  • Category 5 (pseudomamma): Ang sobrang utong ay may areola sa paligid nito. Kapansin-pansin din na mayroon itong fat tissue sa ilalim.
  • Category 6 (polythelia): Lilitaw nang mag-isa ang extra nipples na walang areola o tissue sa suso sa ilalim.

Potensyal na mga komplikasyon

Kagaya ng mga nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito. Ang pagkakaroon ng limang utong o higit pa — ay hindi naman nakakasama sa kalusugan. Subalit may mga rare cases, na ang sobrang utong ay senyales ng congenital breast defect. Maaaring maging early signs din ito ng malignant growth o tumor. 

Ang isa sa mga genes na pwedeng maging dahilan ng extra nipple ay tinatawag na “Scaramanga’s gene’. Ginagawa nitong posible na magkaroon ng breast cancer, ang extra nipple ng tao.

Dagdag pa rito, ang Category 6 ng supernumerary nipple ay pwedeng magkaroon ng ugnayan sa kidney condition. Tulad ng end-stage renal disease, o cancer of the kidney cells.

Key Takeaways

Sinasabi na ang pagkakaroon ng limang utong o higit pa ay pwedeng maranasan ng kahit sino. Babae man o lalake. Ang kagandahan sa kondisyon na ito ay hindi ka dapat ganoong mabahala. Dahil madalas ay wala itong komplikasyon, at bunga lamang ito ng iyong development. Subalit, may mga pagkakataon na ang pagkakaroon ng maraming utong ay senyales ng mas malalang kondisyon. Kung makakaranas ka man ng anumang kakaibang sintomas at discomfort. Magpakonsulta agad sa’yong doktor para sa agarang medikal na atensyon at payo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Supernumerary nipple https://rarediseases.info.nih.gov/diseases/2259/supernumerary-nipple#:~:text=A%20supernumerary%20nipple%20is%20a,are%20small%20and%20go%20undetected. Accessed April 25, 2022

Supernumerary Nipple https://emedicine.medscape.com/article/1117825-overview Accessed April 25, 2022

18 Surprising Third Nipple Statistics https://healthresearchfunding.org/18-surprising-third-nipple-statistics/ Accessed April 25, 2022

Congenital Anomalies of the Breast https://ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3706049/ Accessed April 25, 2022

Supernumerary nipple https://dermnetnz.org/topics/supernumerary-nipple Accessed April 25, 2022

Supernumerary nipples https://medlineplus.gov/ency/article/003110.htm Accessed April 25, 2022

Kasalukuyang Version

06/28/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement