backup og meta

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?

Isa ang pangangalaga sa balat sa trending topic ng iba’t ibang social media platform, gaya ng TikTok at Instagram. Ito ay isang patunay na marami sa atin ang gustong alagaan ang ating balat at panatilihin itong smooth, glowing, at ageless skin. Ngunit ang tanong, paano ito pwedeng ma-achieve? Sapat na ba ang mga impormasyon nakukuha sa mga sikat na social media platform upang makuha ang mga goal sa ating balat? Anu-ano pa nga ba ang dapat natin gawin sa pagpapabuti ng ating balat?

Sa katunayan ang isa sa pinakamahalagang karunungan na dapat alam natin tungkol sa ating balat ay ang pangangalaga ng ating skin barrier. Ang pag-alam sa katangian at paano ito dapat alagaan ay isang mabuting hakbang sa pagpapabuti ng ating skin.

Kaya para malaman kung ano ang skin barrier at mahahalagang impormasyon kaugnay nito, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang skin barrier? Narito ang sagot ng ating expert!

Ayon kay Melissa Pilang, MD na isa ring dermatologist ang outer layer ng balat ang ating skin barrier. Dagdag pa niya, it’s dead, not alive, and it’s made up of dead cells, lipids, proteins and fats that help protect your skin from the environment.”

Ang tungkulin ng ating skin barrier ay panatilihing protektado ang living organism natin mula sa mga bagay na maaaring makapinsala dito. Sa madaling sabi, nagsisilbi itong armor o baluti na pinoprotektahan ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng ating balat.

“It works to keep water in and to keep chemicals and infectious bacteria out. “So it’s very important for our skin health.”

Ayon na rin sa article na “How To Tell If Your Skin Barrier Is Damaged And What To Do About It”, ang skin barrier ay bahagi ng stratum corneum ng top layer ng ating balat— at sa usaping istruktura nito madalas na likened ito sa “brick wall”:

  • Corneocytes

Ito ang matigas na skin cells na bumubuo sa “mga brick” ng iyong skin barrier.

  • Lipids

Ang lipids ay natural na taba sa iyong balat, at sa analogy na ito, sila ang “mortar” na pumupuno sa mga puwang sa pagitan ng mga corneocytes. Ang parehong lipids na ito – tulad ng ceramides, kolesterol, at fatty acid ay mahalagang sangkap sa mga skin care product.

Paano ka pinoprotektahan ng iyong skin barrier?

Batay sa mga doktor ang ating balat ay binubuo ng mga layer. Bawat layaer na ito ay gumaganap ng mahahalagang tungkulin sa pagprotekta ng ating katawan. Gaya ng nabanggit sa article na ito, ang pinakalabas na layer na tinatawag na stratum corneum ay madalas na inilarawan bilang isang “brick wall”. Binubuo ito ng matigas na skin cells na tinatawag na corneocytes na pinagsama-sama ng mortar-like lipids. Kung saan ito ang ating skin barrier.

Sa loob ng ating skin cells, o “mga brick,” makikita ang keratin at mga natural na moisturizer— at ang lipid layer na naglalaman ng mga sumusunod:

  • fatty acids
  • ceramides
  • kolesterol

Dagdag pa rito, ang ating skin barrier ay dahilan sa pananatili rin natin na buhay. Sapagkat kung wala ito, maaaring tumagos sa ating balat ang iba’t ibang nakakapinsalang lason at pathogen sa kapaligiran na magdudulot ng masamang epekto sa loob sa ating katawan.

Kung wala rin ang ating skin barrier, ang tubig sa loob ng katawan ng tao ay lalabas at sisingaw, na magiging dahilan ng pagiging dehydrated mo.

Ano ang signs na nasira ang iyong skin barrier?

Kapag nakakaranas ka ng ilang uri ng isyu sa iyong balat, maaaring nagkaroon ng pinsala ang iyong skin barrier. Ang pinsalang iyon ay maaaring makita batay lamang sa hitsura at pakiramdam ng iyong balat, kabilang ang mga sumusunod:

  • acne
  • tuyo, scaly o pagkakaroon ng flaky skin
  • pangangati
  • pamamaga
  • irritation
  • rough patches
  • mahapding pakiramdam lalo na kapag nag-aaplay ng skin care products
  • tenderness o sensitivity.
  • impeksyon

Payo ng mga doktor at eksperto

Para maging malusog ang ating balat, mainam na magkaroon tayo ng angkop na skin care habits— at para maisagawa ito nagbigay ng mga tip si Dr. Pilang. Narito ang kanyang 8 tips: 

  1. Maghugas ng katawan gamit ang mainit (ngunit hindi nakakapaso) na tubig
  2. Gumamit ng soap-free cleanser
  3. Mag-exfoliate ng mild
  4. Huwag masyadong maglinis o mag-over-cleanse
  5. Panatilihing moisturized ang balat
  6. Magsuot ng sunscreen
  7. Maingat na gamutin ang pimples
  8. Panatilihing balanse ang pH ng iyong balat

Bukod pa rito, ipinapayo rin ng mga dermatologist na alamin ang mga bagay at factor na pwedeng makasira ng ating skin barrier— at narito ang mga sumusunod:

  • masyadong humid o masyadong tuyo na kapaligiran
  • allergens, irritant, at pollutants
  • alkaline detergent at sabon
  • pagkakalantad sa harsh chemicals
  • psychological distress
  • sobrang exposure sa araw
  • over-exfoliation o sobrang paghuhugas
  • steroids
  • genetic factor na maaaring maging dahilan bakit mas madaling kapitan ng ilang sakit o kondisyon ng balat tulad ng atopic dermatitis at psoriasis

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How To Tell if Your Skin Barrier Is Damaged and What To Do About It, https://health.clevelandclinic.org/skin-barrier/ Accessed April 17, 2023

The Role of Moisturizers in Addressing Various Kinds of Dermatitis: A Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5849435/ Accessed April 17, 2023

The Relation of pH and Skin Cleansing, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30130782/ Accessed April 17, 2023

Moisturizing Different Racial Skin Types, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4086530/ Accessed April 17, 2023

The Acid Mantle: A Myth or an Essential Part of Skin Health? https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30125885/ Accessed April 17, 2023

Psychological Stress Deteriorates Skin Barrier Function by Activating 11β- Hydroxysteroid Dehydrogenase 1 and the HPA Axis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5910426/ Accessed April 17, 2023

pH and Microbial Infections, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30130777/ Accessed April 17, 2023

Understanding the Epidermal Barrier in Healthy and Compromised Skin: Clinically Relevant Information for the Dermatology Practitioner, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5608132/ Accessed April 17, 2023

Moisturizers versus Current and Next-Generation Barrier Repair Therapy for the Management of Atopic Dermatitis, https://www.karger.com/Article/FullText/493641 Accessed April 17, 2023

Buffering Capacity, https://www.karger.com/Article/Abstract/489513 Accessed April 17, 2023

Moisturizers, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK545171/ Accessed April 17, 2023

How To Safely Exfoliate At Home, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-secrets/routine/safely-exfoliate-at-home Accessed April 17, 2023

Natural skin surface pH is on average below 5, which is beneficial for its resident flora, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18489300/ Accessed April 17, 2023

Anti-Inflammatory and Skin Barrier Repair Effects of Topical Application of Some Plant Oils, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5796020/ Accessed April 17, 2023

Efficacy of a moisturizer containing a pseudo-ceramide and a eucalyptus extract for Japanese patients with mild atopic dermatitis in the summer, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30084152/ Accessed April 17, 2023

Kasalukuyang Version

06/27/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Para Saan Ang Retinol At Paano Gumagana Ang Mga Benepisyo Nito?

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement