backup og meta

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkakaroon ng Tigyawat sa Pisngi?

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkakaroon ng Tigyawat sa Pisngi?

Sa normal na aspeto, ang mga dumi at iba pang nakaiirita sa mukha ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat. Ngunit, ang iba ay ikinokonsidera ang kinakain ng isang tao at paraan ng pamumuhay na nakaaapekto sa pagtubo nito. Sa ganitong kalagayan, ano ang pagkakaiba ng tigyawat sa iyong noo sa tigyawat sa mga pisngi?

Ano ang mga salik na nakaapekto sa pagtubo ng tigyawat sa pisngi? At ano ang nais iparating nito sa iyong paraan ng pamumuhay? Alamin dito.

Tigyawat, ang Iba’t ibang Uri, at Kahalagahan ng Pagmamapa ng Mukha

Ang tigyawat ay isang kondisyon sa balat na hindi na bago o iba sa mga tao. Kahit ito man ay tigyawat sa likod o tigyawat sa pisngi, ang tigyawat ay tumutubo dahil sa pagbara ng mga hair follicle sa ilalim ng balat. Nakikita ito sa itsura na:

  • Bukas at sarado na comedones (blackheads at whiteheads)
  • Maliit, masakit na pink na lesion
  • Pus-filled lesions na mayroong puti at dilaw na kulay na may kasamang bahid ng pula sa ibabaw
  • Malaki, masakit deep-seated na solid na mga nodule na malaki at masakit
  • Malalim, masakit, pus-filled sores

Marami ang mayroon nito sa iba’t ibang parte ng mukha, maging sa iba pang bahagi ng katawan. At ngayon, bumabalik-balik ito para dalawin sila. Ito rin ang nagiging dahilan para alalahanin kung ano ang dahilan ng pagbalik nito. Ayon sa agham, mayroong rason sa likod nito.

Maraming mga dermatologist ay isinasaalang-alang ang lokasyon ng tigyawat sa mukha. Sinasabi nilang isa itong magandang indikasyon sa mga salik na magbibigay kontribusyon sa sanhi, itsura at paano ito magagamot.

Gayunpaman, mayroong kaunti o walang ebidensya kung paano nakaapekto sa iba’t ibang organ ng katawan o sa kalusugan ang pagkakaroon ng tigyawat sa mukha.

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkakaroon ng Tigyawat sa Pisngi?

Ang acne mechanica, o frictional na acne ay tumutukoy sa pag-develop ng tigyawat dahil sa friction. Ang labis na pagkuskos ng balat at ang pagkakaroon ng contact sa mga bagay na marurumi ay nagiging sanhi ng tigyawat sa mukha.

Ang pinaka karaniwang sitwasyon ay kung inilalagay ng isang tao ang phone sa kanyang mukha. May bagong pag-aaral para sa Global Handwashing Day na nagpapakita na ang phone ay nakokontamina ng fecal matter o mga dumi. Ang mga tao ay may tendensiya na kalimutan ang tamang paghuhugas ng kamay na may sabon, matapos gumamit ng banyo. Karagdagan, ang phones ay kung saan-saan nadidikit, kung inilapag mo ito sa kung saan, kumakalat dito ang mga dumi at bacteria rito.

Ang dermatologist na si Dr. Charles Lynde ay idinagdag din na ang taong palaging nasa isang bahagi (kaliwa man o kanan) ng paglalagay ng phone sa mukha, ay maaaring magkaroon ng mas maraming tigyawat sa bahaging iyon. Halimbawa, kung sinasagot mo ang phone mo sa kanang bahagi, maaaring mag-develop ka ng maraming tigyawat sa bahaging iyon.

Karagdagan, mayroong tinatawag na acne cosmetica. Ibinahagi ng dermatologist na si Dr. Lauren Kole kung paano nagkakaroon ng tigyawat sa pisngi kung naglagay ng mga makeup na produkto sa mukha. Ang ibang mga produkto ay maaaring nakaiirita para sa ibang mga tao, na nagiging sanhi ng inflammation sa parteng pinaglagyan nito.

Iba pang mga sanhi ng tigyawat sa pisngi ay ang mga:

  • Maruming punda ng unan at sapin na ginagamit sa kama
  • Palaging paghawak sa mukha
  • Maling pag she-shave
  • Hormonal imbalance

Ang maling mga pagpili ng produkto sa pangangalaga ng balat ay makaaapekto rin sa pagdami ng tigyawat sa buong mukha.

Ano ang Iyong Gagawin upang Gamutin ang Tigyawat sa Pisngi at Iba Pang Parte ng Katawan?

Maaari mong gamutin ang tigyawat sa pisngi sa pamamagitan ng pagsunod sa madadaling tips na ito:

  • Hugasan ang iyong mukha dalawang beses kada araw at ng alcohol-free na cleanser. Siguraduhin din na maghilamos ng mukha pagkatapos pagpawisan o mag work out dahil mapapalala nito ang tigyawat.
  • Linisin ang iyong phone palagi upang maiwasan ang pagkalat at pag lipat ng bacteria.
  • Palitan ang iyong mga punda sa unan, sapin sa kama, at kumot kada linggo (at least)
  • Iwasan ang paghawak sa iyong mukha kung mayroong tumubong bagong tigyawat. Sa halip, gamutin ito ayon sa mga produktong mainam. Maaari mo rin itong hayaang gumaling nang natural.
  • Pumili ng mga produkto sa pangangalaga sa balat na oil-free at non-comedogenic.
  • I-exfoliate ang iyong balat gamit ang mga marahan na scrub kahit na isang beses sa isang linggo.
  • Regular na linisin ang iyong makeup brushes. Huwag ipahiram ang makeup kahit na kanino dahil madali itong makontamina. Ituring ang mga ito sa kung paano mo itinuturing ang iyong sipilyo bilang hygienic na produkto.
  • Gumamit ng maligamgam na tubig sa paglilinis ng mukha. Ang mainit na tubig ay maaaring makatanggal ng natural na oil at moisture na kinakailangan ng iyong balat.

Mahalagang Tandaan

Kung ikaw man ay may dry, oily na balat o kombinasyon nito, ang tigyawat sa pisngi ay madalas na resulta ng iyong paligid at kung paano nadadampian ang iyong balat ng ibang mga salik.

Ang tigyawat ay kadalasang nawawala kung ang dahilan ng friction sa balat ay natutugunan.

Alamin ang iba pa tungkol sa tigyawat at acne, dito.

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Fiel  Tugade.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acne, https://www.niams.nih.gov/health-topics/acne#tab-overview Accessed December 22, 2021

Contamination of UK mobile phones and hands revealed, https://www.lshtm.ac.uk/newsevents/news/2011/mobilephones.html Accessed December 22, 2021

What Does It Mean When Acne Is on Certain Areas of Your Face?, https://health.clevelandclinic.org/what-does-it-mean-when-acne-is-on-certain-areas-of-your-face/ Accessed December 22, 2021

What Is Causing My Acne?, https://www.uab.edu/news/youcanuse/item/10960-what-is-causing-my-acne Accessed December 22, 2021

Why You Keep Breaking Out in Certain Spots on Your Face, https://globalnews.ca/news/6357246/acne-face-map/ Accessed December 22, 2021

Kasalukuyang Version

05/28/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement