backup og meta

Tigyawat Sa Dibdib, Ano Ang Sanhi, At Paano Gamutin?

Tigyawat Sa Dibdib, Ano Ang Sanhi, At Paano Gamutin?

Ang tigyawat sa dibdib ay hindi lamang isang isyu sa kalusugan. Ito rin ay isang skin condition nagdudulot ng insecurity sa maraming tao. Sinasabi na ang acne sa dibdib ay karaniwan. Subalit, sa panahon ngayon, pwede na itong tugunan ng mga treatment upang mapigilan ang pagkalat ng tigyawat sa katawan. 

Mahalagang malaman ng bawat isa ang dahilan ng chest acne. Nang sagayon ay maiwasan ang tigyawat sa dibdib. Ang pag-alam kung anong tritment nito ay isang mahusay na hakbang para matugunan ang problema.

Ano Ang Dahilan Ng Tigyawat Sa Dibdib?

Sinasabi na ang acne ay sanhi ng baradong pores. May mga ilang uri ng bakterya na tinatawag na propionibacterium acne. Ito ay pumapasok sa pores at nagiging dahilan ng pagbabara nito. Kasama rin sa iba pang mga sanhi ng acne — ang hormonal fluctuations sa panahon ng menstrual cycle, pagbubuntis, at androgen hormones na aktibo sa adolescence o adulthood. Huwag din na kalimutan na ang sobrang produksyon ng sebum, at surface bacteria ng balat ay dahilan din ng acne.

Mga Bahagi Ng Katawan Na Apektado Ng Acne

Pwede rin makaapekto ang acne sa anumang bahagi ng katawan. Hangga’t mayroon itong mga oil glands. Ibig sabihin nito, ang dibdib ay isa sa mga bahagi ng katawan na pwedeng magkaroon ng acne. Bukod sa iba’t ibang dahilan ng acne na nabanggit sa itaas. Marami pa ang factors na pwedeng magpataas ng pagkakataon sa pagkakaroon ng acne sa dibdib tulad ng:

  • Friction mula sa damit
  • Pagpapawis ng husto
  • Skin products na nagpapatuyo sa balat o pumipigil sa pagkawala ng tubig
  • Stress – Kapag na-stress ang katawan, gumagawa ito ng mga hormones (androgens). Kung saan, ang hormones na ito ay may iba’t ibang epekto sa katawan. Partikular, sa hair follicle at oil glands. Kapag naging aktibo o namamaga ang mga ito, humahantong ito sa paggawa ng mas maraming acne.
  • Diet – Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga high-glycemic na pagkain (mga pagkain na maaaring magdulot ng pagtaas ng asukal sa dugo) ay maaaring magdulot ng pagbabago-bago sa mga hormone. Kapag nangyari ito, pinasisigla nito ang paggawa ng sebum sa balat. Ang pagkakaroon ng labis na sebum ay humahantong sa pagbuo ng acne sa balat.
  • Mga medication (lithium, testosterone, o corticosteroids)

Sa pagtagal ng panahon, mas nagiging malinaw na pwedeng magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng acne at diyeta. Bagamat ang diet ay hindi isinasaalang-alang ng dermatologists, bilang isang sanhi ng acne.

Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga babaeng umiinom ng dalawa o higit pang baso ng skim milk sa isang araw — ay may 44% na posibilidad na magkaroon ng acne. Kumpara sa mga babaeng hindi umiinom ng skim milk.

Ang mga resulta naman ng isa pang pag-aaral ay nagpakita na ang teenagers at kabataang lalaki (15-25 taong gulang) na sumailalim sa low-glycemic diet —ay nagkaroon ng pagbaba sa inflammatory acne lesions.

Paano Ginagamot Ang Tigyawat Sa Dibdib?

Kung mayroon kang chest acne, pinakamahusay na kumunsulta sa isang dermatologist, para sa paggamot. Pwedeng kabilang sa paggamot sa tigyawat sa dibdib ang mga sumusunod:

  • Ang paggamit ng gentle scrub ay isang pangkaraniwang tritment sa acne sa dibdib. Isa rin ito sa pinakamadaling isama sa’yong lifestyle. Pumili lang ng gentle exfoliating loofahs, at iwasang bumili ng matitigas at abrasive na shower accessories. Pinipigilan ng gentle scrub ang iyong dibdib at iba pang bahagi ng katawan na mairita. Mula sa magaspang na pagkayod.
  • Gumamit ng non-comedogenic creams upang maiwasan ang pagbabara ng mga pores. Tandaan, ang mga barado na pores ay humahantong sa acne.
  • Kilala rin ang paggamit ng OTC body washes na may active ingredient, bilang paggamot sa chest acne. Maaari ka ring mag-opt para sa body washes na may benzoyl peroxide. Isa rin itong mabisang sangkap sa paggamot sa mild inflammatory acne.

Paano Maiiwasan Ang Tigyawat Sa Dibdib?

Ang mga paggamot sa acne sa dibdib ay available sa ating panahon. Ngunit ano ang pwedeng gawin upang maiwasan ang pagkakaroon nito?

  • Iwasang magsuot ng damit na masyadong masikip sa balat. Dahil ang masikip na pananamit ay nagdudulot ng friction. Sapagkat pwede itong makairita sa balat at maging sanhi ng acne. Pinakamainam na pumili ng maluwag na damit o damit na gawa sa cotton.
  • Iwasang gumamit ng harsh body scrubs. Ang ganitong mga body scrub ay kadalasang may malalaking grains na nakasasakit. Ito ang nagiging sanhi ng pangangati ng balat.
  • Tandaan na ang paggamit ng mga body wash na naglalaman ng salicylic acid at benzoyl peroxide ay mabisa ring mga hakbang sa pag-iwas.
  • Baguhin ang iyong diyeta. Hangga’t maaari, subukang bawasan ang pagkain na pwedeng magpalaki ng antas ng blood sugar. Dahil ang mga ito ay malamang na magdulot ng acne.

Key Takeaways

Ang chest acne ay isang madaling kondisyon ng balat na pwedeng gamutin. Basta gumamit ka ng simple at epektibong paggamot sa chest acne. Huwag kakalimutan na ang mga pagbabago sa lifestyle. Tulad ng diyeta, mga damit na iyong sinusuot, at body wash na ginagamit ay pwedeng makatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng chest acne. Kumunsulta din sa isang dermatologist para sa pinakamahusay na paggamot sa acne sa dibdib.

Matuto pa tungkol sa Acne dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acne, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12233-acne, October 20, 2021

The facts about chest acne, https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/the-facts-about-chest-acne, October 20, 2021

Diet And Acne: For A Clearer Complexion, Cut The Empty Carbs, https://www.npr.org/sections/thesalt/2013/02/19/172429086/diet-and-acne-for-a-clearer-complexion-cut-the-empty-carbs

https://www.aad.org/public/diseases/acne/causes/diet, October 20, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement