backup og meta

Saan Ginagamit Ang Adapalene Gel, at Epektibo ba Ito?

Saan Ginagamit Ang Adapalene Gel, at Epektibo ba Ito?

Sa paghahanap mo online ng mga bagong produkto para sa iyong skincare routine, maaaring makakita ka ng adapalene gel. Saan ginagamit ang adapalene?

Ang acne spots ang isa sa karaniwang dahilan, kung hindi man ang nangungunang rason, kung bakit nagsisimulang mag-skincare ang mga tao. Mula sa mga panghilamos, toners, moisturizers, at kahit ang mga panggamot, higit pa sa inaakala mo ang bilang ng mga uri ng skincare na puwedeng pagpilian. Ngunit sa lahat ng maaari mong ilagay sa mukha, paano ka makahahanap ng produktong akma para sa iyong acne treatment? Balikan natin ang basic at magsimula sa karaniwang skincare ingredient.   

Ano ang Adapalene?

Ang Adapalene ay isang sangkap na matatagpuan sa mga topical product, gaya ng gels, creams upang gamutin ang acne. Saan ginagamit ang adapalene?

Isa itong drogang kabilang sa klase ng retinoids. Kilala ang mga ito bilang vitamin A derivatives na nagpapabagal sa desquamation process at binabawasan ang bilang ng comedones at microcomedones. Sa nakalipas na 25 taon, nagsilbi itong napakahalagang sangkap sa paggamot ng acne.  

Kumikilos ang Adapalene tulad ng isa pang karaniwang kemikal – ang tretinoin – ngunit may mas matatag at natatanging physicochemical properties. Ayon sa pananaliksik, ang 0.1% ng adapalene gel ay kasing-epektibo ng 0.025% tretinoin gel. Dagdag pa, mayroon itong anti-inflammatory properties na nakatutulong upang mabawasan ang pananakit at iritasyon mula sa acne.

Nasa sumusunod na dosage forms ang produktong ito:

  • Cream
  • Solution
  • gel/jelly
  • Lotion
  • Swab

Gumagamit din ang adapalene gel ang mga tao upang tanggalin ang bara sa mga pore, na nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng maliliit na tigyawat, blackheads, at whiteheads. 

Paano Ginagamit Ang Adapalene Gel

  • Hugasan at patuyuin ang apektadong parte. Tiyaking natuyo nang lubos ang iyong balat.
  • Maglagay ng maliit na dami ng gel sa dulo ng daliri. Maging maingat sa dami ng kinukuhang gel mula sa tub o tube dahil maaaring makairita sa iyong balat ang sobrang dami nito.
  • Magpahid ng kaunti sa apektadong acne area. Gawin ito isang beses sa isang araw, bago matulog.
  • Dahan-dahang imasahe ito sa lugar kung saan may acne.
  • Maghugas ng kamay kapag tapos nang maglagay nito sa mga bahagi ng iyong mukha at/o anumang parte ng katawan.

Sa unang tatlong linggo ng paggamit ng adapalene, magmumukhang mas malala ang acne mo bago ito magbago at bumuti. Makikita lamang ang kabuuang pagbabago nito sa loob ng 12 linggo, lalo na kung ginagawa ang medikasyon nang araw-araw.

Mga Tanong na Dapat Sagutin Bago Gumamit ng Adapalene Gel

Sa kabila ng pagiging topical product nito, may ilang klase ng gamutan na hindi tama para sa mga taong may tiyak na mga kondisyon. Dahil dito, maaaring magtanong ang iyong doktor bago magbigay ng reseta para sa nabanggit na produkto:

  • Buntis ka ba? Sumusubok na mabuntis? O nagpapasuso?
  • Mayroon ka pa bang ibang kondisyon sa balat bukod sa acne, gaya ng eczema o iba pang tulad nito?
  • Kasalukuyan ka bang umiinom o gumagamit ng iba pang gamot? Kahit ng mga over-the-counter na gamot at creams?

Nakaranas ka ba ng anumang allergic reaction sa isang partikular na produkto o medikasyon?

Ano Ang Posibleng Side Effects ng Paggamit ng Adapalene Gel?

Ang Adapalene, tulad ng lahat ng medikasyon ay maaaring maging sanhi ng side effects. Bagaman hindi lahat ay nakararanas nito. May ilang mga side effect na puwedeng lumitaw habang nag-a-adjust ang iyong katawan sa bagong gamutan.

  • Mahapding pakiramdam o pananakit ng balat
  • Pagkatuyo ng balat o/at pagbabalat
  • Pangangati ng balat (nagdudulot ng pantal)
  • Pamumula ng balat

Maaaring mapataas ng Adapalene gel ang sensitivity ng iyong balat sa sinag ng araw. Bilang resulta, ipahid ito sa gabi at hugasan ito sa umaga. Makatutulong din ang sun protection cream kung lalabas ka o nagtatrabaho malapit sa bintana. 

Key Takeaways

Ang Adapalene ay isang kapansin-pansing sangkap na lumalaban sa nakapanlulumong acne. Gayunpaman, hindi lahat ng tao ay maaaring makakita ng magagandang resulta mula rito. Pinakamainam pa ring kumonsulta sa iyong dermatologist bago magpahid ng anuman sa iyong mukha.

Matuto pa tungkol sa Acne care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Adapalene, https://www.healthnavigator.org.nz/medicines/a/adapalene/ Accessed December 8, 2021

Adapalene for acne, https://patient.info/medicine/adapalene-for-acne-differin-epiduo Accessed December 8, 2021

Adapalene (Topical Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/adapalene-topical-route/proper-use/drg-20061544?p=1 Accessed December 8, 2021

Adapalene for the treatment of acne vulgaris  – Jonathan S. Weiss, Joel S. Shavin, https://www.jaad.org/article/S0190-9622(98)70445-1/fulltext Accessed December 8, 2021

Adapalene Gel or Cream, https://www.healthhub.sg/a-z/medications/31/Adapalene-Gel-or-Cream Accessed December 8, 2021

Topical Therapy for Acne – John J. Russell, https://www.aafp.org/afp/2000/0115/p357.html Accessed December 8, 2021

 

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement