backup og meta

Pantanggal ng Whitehead: Anu-anong Paraan ang Safe at Epektibo?

Pantanggal ng Whitehead: Anu-anong Paraan ang Safe at Epektibo?

Ang mga whiteheads ay maliliit, matigas, at nakikitang mga bukol sa balat. Ang mga ito ay nabubuo kapag ang mga pores ay nababarahan ng sama-samang mga dead skin cells, sobrang oil sa mukha, at bacteria. Dahil ito ay isang anyo ng tigyawat, mayroon din mga pag tatanggal ng whitehead na maaaring gawin upang maging remedyo sa paulit-ulit na pag kakaroon nito. 

Ito ay isang banayad na uri ng tigyawat na katulad ng mga blackheads, isa pang uri ng tigyawat na lumilitaw bilang maitim na bukol sa balat. Ang pangunahing pagkakaiba ng dalawa ay ang mga blackheads ay “open” na baradong debris na nagrereact sa melanin at oxygen habang ang mga whiteheads ay sarado naman at natatakpan ng balat.

Patuloy na magbasa upang malaman ang mga tips at pamamaraan pantanggal ng whiteheads, pati na rin kung kailan dapat magpatingin sa doktor para sa paggamot.

Paano Nabubuo ang Whiteheads sa Balat?

Ang mga clogged pores ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng whiteheads sa katawan. Isa sa mga pangunahing sanhi ang hormonal changes, na madalas ding dahilan kung bakit nabubuo ang tigyawat. 

Ang paggamit ng ilang mga partikulalr na contraceptives ay maaari ring magdulot ng pamumuo ng tigyawat. 

Karaniwan itong nabubuo sa paligid ng T-zone, na binubuo ng iyong noo, ilong, at baba. Ang mga whiteheads ay maaaring lumitaw sa buong katawan. Subalit, ito ay maaaring manatili sa balat sa loob ng mahabang panahon. Ang ilang mga tao ay mas prone sa acne build-up dahil sa natural na oily skin na maaaring mangyari rin sa likod at mga braso.

Maaari Bang Maiwasan ang mga Whiteheads?

Tulad ng nabanggit, maaaring manatili ang mga whiteheads sa balat sa loob ng mahabang panahon. At, maaari itong lumala kung ito ay maging inflamed.

Ngunit, maaari pa rin namang maiwasan ang mga ito sa pamamagitan ng lifestyle changes, pati na rin ang iba’t ibang mga treatments at paggamit ng mga produktong pantanggal ng whitehead. 

Narito ang ilang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng clogged pores:

  • Gumamit ng mga oral at/o topical medications. Ang paggamit ng skincare products at mga treatments ay maaaring makatulong sa pagbawas ng build-up ng oil, sebum, at bacteria para sa mga breakout. Ang mga topical retinoid ay maaaring gamitin upang maiwasan at magamot ang tigyawat, ngunit maaaring tumagal ng ilang buwan ng paggamit para sa ganap na epekto nito. Inirerekomenda ng ilang doktor ang paggamit ng oral birth control pills sa ilang mga babaeng pasyente upang mabawasan ang tigyawat.
  • Isaalang-alang ang mga non-comedogenic brands kapag nabili ng makeup. Kailangang isaalang-alang ng mga taong mayroong acne-prone skin ang pagbili ng non-comedogenic makeup upang maiwasan ang build-up ng dumi sa pores. 
  • Gumamit ng oil-free creams at lotions. Ang mga oil-based solutions sa mga produkto ay maaaring makadulot ng pamumuo ng tigyawat. Sa halip, gumamit ng mga oil-free creams at lotions upang maiwasan ang pagkakaroon ng sobrang oil sa balat. 
  • Dahan-dahang linisin ang mukha. Sa halip na kuskusin ang iyong mukha pagkatapos hugasan, dahan-dahang tapikin ang iyong balat gamit ang malinis na tuwalya. Subukang iwasan ang paggamit ng exfoliators sa mukha sa pamamagitan ng pagkayod dahil maaaring lumala ang iyong tigyawat. 
  • Ugaliing ang regular at proper hygiene. Ang iyong buhok at balat at dapat nalilinis at nahuhugasan araw-araw. Ngunit, kinakailangan ding iwasan ang labis na paghuhugas dahil ito ay maaaring makairita ng iyong balat.

Mayroon Bang mga Pantanggal ng Whitehead?

Hindi tulad ng mga blackheads, hindi maalis ang mga whiteheads sa pamamagitan ng manu-manong pagtanggal at paglabas ng dumi.  Sa kabutihang palad, maraming mga paraan at pantanggal ng whitehead na maaaring gamitin para matanggal ang mga ito. 

Gumamit ng mg home remedies

Ang pinaghalong tatlong kutsarang manuka honey at isang kutsarang cinnamon na na-microwave sa loob ng 30 segundo ay maaaring gamitin bilang do-it-yourself o DIY na pantanggal ng whitehead bilang mask. Siguraduhin lamang na hindi masyadong mainit ito bago gamitin.

Maaaring maging matipid ang paggamit ng mga home remedies ngunit, nararapat pa ring mag-ingat sa mga potensyal na epekto na maaaring maidulot ng mga sangkap na ito. Itigil ang paggamit nito kung napansing nangangati na ang balat. 

Natural treatments

Ang mgan natural ingredients ay maaaring gamitin bilang alternatibong remedyo sa balat. Bagama’t tulad ng naunang paraan, mangyaring gamitin ang mga ito nang may pag-iingat parin dahil ang mga natural treatments ay may kanya-kanya ring mga side effects.

  • Vitamin A. Mayroon itong mga antioxidants na maaaring makatulong mabawasan ang acne inflammation. Higit pa rito, maaari rin maenganyo ng bitaminang ito ang cell growth. Karamihan sa mga cream na makukuha sa merkado ay naglalaman ng vitamin A.
  • Tea tree oil. Ito ay isang anti-inflammatory treatment na nakakapagpababa ng dami ng bacteria sa mukha. Maraming mga extracts at skincare products na ibinebenta ay gumagamit ng sangkap na ito sa kani-kanilang mga solutions. Ang  tea tree oil ay maaaring gamitin kasabay ng aloe vera para sa mas magandang resulta. 
  • Witch Hazel. Ito ay maaaring nakita mo na bahagi ng maraming astringent toners at cleansers. Tanyag ang witch hazel dahil sa kapasidad nitong buksan ang mga pores upang mabawasan ang pagbuild-up ng acne. 

Over-the-counter (OTC) method

Maaari mo ring subukang bumili ng mga acne-removing products sa halip na gumamit ng mga natural remedies. Mahalagang tandaan na ang paggamit ng mga produktong ito nang sabay-sabay ay maaaring magpatuyo ng balat. Maaaring tumagal pa ng ilang mga buwan ng gamitan bago ito maging mabisa. 

  • Benzoyl peroxide. Nakatutulong ang kemikal na ito upang matanggal ang mga bacteria, excess oils, pati na rin ang pamamaga ng balat. 
  • Salicylic Acid. Katulad ng benzoyl peroxide, ang salicyclic acid ay may kapasidad na bawasan ang excess oils sa balat. Maaari rin nitong tanggalin ang dead skin cells na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng clogged pores.
  •  Exfoliants. Ang mga exfoliants naman ay nakakatanggal ng dead skin cells. Humanap ng exfoliant na mayroong gentle solution na nakatutulong pantanggal ng whitehead upang maiwasan ang pagtuyo ng balat. 

Hayaan lang ang mga whiteheads

Minsan, ang hayaan na lang ang mga whiteheads ang pinakamainam na solusyon. Ito ay dahil ang pilit na pagputok ng mga ito ay maaari lang magdulot ng iritasyon, pagsusugat, o pagpasok ng iba pang bacteria sa pores. Panatilihin ang pag bigay pansin sa mga preventive o healthy treatment methods, imbes ang manu-manong pagtanggal ng mga ito. 

Kailan Ako Maaaring Humingi ng Propesyonal na Tulong Para sa mga Whiteheads?

Ang pagpunta sa isang propesyonal ay maaaring pinakamahusay na paraan kapag ang lahat ng iba pang mga pamamaraan na nabanggit ay walang epekto. Maaaring payuhan ka ng mga dermatologist na gumamit ng ilang gamot na pangtanggal ng whitehead na may mas matapang na katangian. O, maaari rin silang magreseta ng mga oral tablet. Gayunpaman, karamihan sa mga produkto ay ginagawang mas sensitibo ang balat sa ilalim ng araw, kaya mahalagang tandaan na regular na magsuot ng sunblock o sunscreen at sumunod sa payo ng doktor.

Mahalagang Mensahe

Ang whiteheads ay isang anyo ng tigyawat na nailalarawan bilang maliliit at mapuputing bukol sa ibabaw ng balat na dulot ng mga baradong pores buhat ng ng dumi, bacteria, at excess oils. Bagama’t maaari silang magpatuloy nang nasa ating balat ng mahabang panahon at maaaring maging mas malala pa, ang patuloy na pangangalaga at paggamot ay makatutulong maiwasan ang pag kakaroon ng mga whiteheads.

Karamihan sa mga treatments, gayunpaman, ay maaaring magdulot ng higit na pinsala kaysa sa mabuti kapag ginamit nang hindi tama. Kung kaya, mag-ingat kapag gumagamit ng mga cream at serum na pantanggal ng whitehead. Maaari kang magsimulang humingi ng propesyonal na tulong mula sa isang dermatologist kapag ang mga whiteheads ay hindi nawawala sa kabila ng lahat ng posibleng mga remedy.

Alamin ang Iba pa tungkol sa Acne dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Whiteheads

https://medlineplus.gov/ency/article/003237.htm

Accessed October 17, 2021

 

Acne: Overview

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279211/

Accessed October 17, 2021

 

Blackheads and Whiteheads: Overview

https://www.news-medical.net/health/Blackheads-and-Whiteheads-Overview.aspx

Accessed October 17, 2021

 

How to treat different types of acne

https://www.aad.org/public/diseases/acne/diy/types-breakouts

Accessed October 17, 2021

Acne: tips for managing

https://www.aad.org/public/diseases/acne/skin-care/tips

Accessed October 17, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement