backup og meta

Pantanggal ng Peklat ng Pimples: Heto ang Maaari mong Subukan

Pantanggal ng Peklat ng Pimples: Heto ang Maaari mong Subukan

Sa oras na malaman mo nang nawala na ang iyong tigyawat, nakakakita ka ng peklat. At habang ang mga peklat ay parte ng natural na proseso ng paggaling, hindi pa rin natin ito gusto, lalo na kung ito ay malapit sa ating mukha. Kung ikaw ay naghahanap ng pantanggal ng peklat ng pimples, nasa tamang lugar ka. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga produkto at paraan na magtatanggal ng peklat ng pimples.

Paano Tanggalin ang Tigyawat o Pimples

Bago tayo magpatuloy sa mga produkto na nakatutulong sa pantanggal ng peklat ng pimples, linawin muna natin ang terminong “pagtanggal” ay hindi ibig sabihin ay “tanggalin nang kabuuan.” Sa pinakamainam, ang pagtanggal ng peklat ng pimples ay ibig sabihin na paggamot dito sa puntong hindi na sila nakikita. Sa madaling salita, ang layunin ay mabawasan ang itsura.

Upang hindi na patagalin pa, nasa ilalim ang mga produkto na nakatutulong sa pantanggal ng peklat ng pimples:

1. Adapalene Gel

Una sa ating listahan ang adapalene gel. Hindi lang nito nalulunasan ang inflammation at pamamaga, ngunit nakababawas rin ito ng peklat.

Binigyang-diin ng isang pag-uulat na ang pang-araw-araw na paglalagay ng 3% ng adapalene gel sa loob ng 24 na linggo ay nakapagpapabuti ng itsura ng peklat na nasa 2 grades ng scar assessment. Sa subjective na pag-uulat ng mga kalahok, ang lunas ay nakapagpabuti sa texture ng peklat, partikular na sa atrophic (depressed scars).

2. Retinoids

Sunod, mayroon tayong topical retinoids. Sa isang pag-uulat, binanggit ng mga mananaliksik na ang topical retinoids ay hindi lang para sa primary acne lesions, ngunit maging sa secondary lesions, kabilang ang scarring at pigmentation.

Sa madaling salita, ang mga topical retinoid na produkto ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng texture ng peklat at pagpapaputi ng hyperpigmentation.

3. Salicylic, Alpha Hydroxy, at Lactic Acids

Kung naglaan ka na ng maraming panahon sa paghahanap ng produkto na pantanggal ng peklat ng pimples, nakita mo na siguro ang tatlong acids na ito.

Sa kabuuan, ang mga acid na ito ay nag e-exfoliate ng balat na nakatutulong upang “matanggal” ang pinakaibabaw na layer ng balat na may dead cells. Ang salicylic acid ay maaaring makatulong sa pamamaga at ang lactic acid ay maaaring makatulong sa hyperpigmentation.

Tandaan na ang produkto ay maaaring maglaman ng isang uri ng acid o kombinasyon ng maraming acids. Bago gumamit ng kahit na anong partikular na produkto gumawa muna ng patch test lalo na kung ikaw ay may sensitibong balat.

Natural na Sangkap na Pantanggal ng Peklat ng Pimples

Kung nais mong magsimula ng natural na produkto, ikonsidera ang honey at aloe vera.

Ang honey ay may mainam na properties sa pagpapagaling ng sugat na maaaring magpabuti ng itsura ng peklat. Ang aloe vera sa kabilang banda ay nakababawas ng laki ng scar tissue at pamamaga.

Bisitahin ang Dermatologist para sa Pinakamainam na Lunas

Ang pagpili ng kahit na anong produkto bilang lunas sa balat ay hindi madali. Sa kabila ng lahat, maraming mga brands sa market at bawat isa sa mga ito ay nagbibigay ng mga bagay na maaaring tumugon sa iyong pangangailangan.

Upang maiwasan ang pagdadalawang isip, bumisita sa dermatologist. Maaari nilang masuri ang iyong peklat at magbigay ng akmang lunas para sa pinakamainam na resulta.

Maaari din silang magrekomenda ng mga medikal na pamamaraan sa pantanggal ng peklat ng pimples. Ilan sa mga posibleng lunas ay kabilang ang:

  • RF Skin Tightening
  • Laser Resurfacing
  • Dermabrasion
  • Chemical Peeling
  • Dermal Fillers (para sa depressed scars)
  • Acne Scar Surgery
  • Injections

Self-Care

Ngayon na alam na natin ang tungkol sa produkto at pamamaraan na nakatutulong sa pantanggal ng peklat ng pimples, dumako na tayo sa self-care practices. Ang American Academy of Dermatology ay inirekomenda ang mga sumusunod na self-care tips.

  • Kung ikaw ay may pimples, lunasan muna ito. Tandaan na ang mga namamagang nodules at cysts ay may mas mataas na banta ng pagpepeklat. Hindi sigurado kung paano lulunasan ang pimples? Humingi ng tulong sa isang dermatologist.
  • Kung nawala na ang iyong tigyawat, ipagpatuloy ang lunas. Maaari mong bawasan ang dose, ngunit nakatutulong ang pagpapatuloy ng lunas upang mawala ang blemishes.
  • Maging marahan sa mga peklat. Ang paggamit ng matapang na produkto o pagkuskos ay mas magpapalala ng itsura ng scar tissue.

Kung ikaw ay naghahanap ng mga produkto na pantanggal ng peklat ng pimples, ikonsidera ang retinoids, adapalene gel, at ilang acids tulad ng AHA, lactic acid, at salicylic acid. Gayunpaman, huwag kalimutan na kumonsulta muna sa iyong dermatologist kung anong produkto ang akma para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1. Adapalene 0.3% Gel Shows Efficacy for the Treatment of Atrophic Acne Scars, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6002315/, December 21, 2021

2. Why Topical Retinoids Are Mainstay of Therapy for Acne, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5574737/, December 21, 2021

3. Wound healing activity of honey: A pilot study, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3665090/, December 21, 2021

4. Topical Application of Aloe vera Accelerated Wound Healing, Modeling, and Remodeling: An Experimental Study, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25003428/, December 21, 2021

5. ACNE SCARS: DIAGNOSIS AND TREATMENT, https://www.aad.org/public/diseases/acne/derm-treat/scars/treatment, December 21, 2021

6. ACNE SCARS: SELF-CARE, https://www.aad.org/public/diseases/acne/derm-treat/scars/self-care, December 21, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement