Kadalasan na hindi na huhulaan angtyempo ng paglabas ng mga tigyawat o acne breakouts . Kaya mahalagang alam mo dapat ang mga paraan sa paggamot nito.
Basahin ang artikulong ito para sa mga karagdagang impormasyon tungkol dito.
Paglabas ng mga tigyawat o acne breakouts: 5 Tips sa Paggamot at Pagpigil dito
Makakatulong sa pag-alis ng breakouts nang mas mabilis ang mga tip na ito. Kung saan, pwede rin nito pigilan ang mga ito na mangyari muli sa hinaharap.
1. Pag-ehersisyo
Isang magandang paraan ang pag-ehersisyo upang makatulong na maiwasan at pamahalaan ang breakouts sa balat dahil nakakatulong ang pag-eehersisyo na panatilihin ang iyong magandang circulation at mga blood sugar levels.
Ang sanhi ng paggana nito ay dahil sa epekto ng insulin sa katawan. Kapag tumaas ang iyong blood sugar, ang iyong katawan ay nag po-produce ng insulin —- upang mapanatili itong kontrolado. Bagaman, pwedeng mapataas din ng insulin ang levels ng androgens sa katawan — ang androgens ay hormones na may responsibilidad para sa oil glands — at ang sobrang dami ng hormone na ito ay pwedeng maging sanhi ng breakouts ng balat.
Sa pamamagitan ng madalas na pag-eehersisyo, pwede mong mapanatili ang iyong blood sugar. Kung saan, pwede itong makatulong na mabawasan ang panganib ng breakouts.
2. Over-the-counter medications
Siyempre, pwede ka ring umasa sa mga over-the-counter medication sa tuwing mayroon kang breakouts. Para sa karamihan ng mga kaso at mga tao, ang mga gamot na ito ay ligtas na gamitin at makakatulong sa paghinto ng breakouts nang mabilis.
Maaaring nasa iba’t ibang anyo ang mga medication na ito. Ngunit ang karaniwang gamot ay binubuo ng resorcinol, salicylic acid, at benzoyl peroxide. Ang resorcinol at salicylic acid ay nakakatulong na ma-break down ang mga blackheads at whiteheads. Habang pinapatay ng benzoyl peroxide ang bacteria sa balat. Nakakatulong din ang salicylic acid na maiwasan ang pamamaga.
3. Hugasan ang iyong mukha nang dalawang beses sa isang araw
Ang acne-prone skin ay mas sensitibo kumpara sa iba pang uri ng balat. Kaya mahalagang huwag gumawa ng anumang bagay na pwedeng makapinsala sa’yong balat o mag-trigger ng masamang reaksyon. Nangangahulugan ito na maging ang labis na paghuhugas ng iyong mukha ay pwedeng maging sanhi ng iyong breakouts.
Dapat mo lamang hugasan ang iyong mukha nang dalawang beses sa isang araw para maiwasan ang breakouts. Huwag ding kakalimutan na hugasan ang iyong mukha pagkatapos mag-ehersisyo — o sa anumang oras pagkatapos mong pawisan. Magandang ideya din na gumamit ng mild na facial wash — o kahit plain water kung nakagamit ka na ng facial wash dalawang beses sa isang araw.
4. Gumamit ng water-based moisturizers
Nakakatulong ang moisturizers para mapanatiling basa ang iyong balat at maiwasan itong matuyo — lalo na sa mas malamig na buwan. Gayunpaman, ang moisturizers na nakabatay sa langis ay pwedeng gawin namang masyadong mamantika ang iyong balat — at mapataas ang pagkakataong magkaroon ng breakout.
Ang paggamit ng water-based moisturizer ay nakakatulong na maiwasan ang breakouts ng balat — at mas mabuti ito para sa’yong balat lalo na kung mayroon ka nang breakout.
5. Bumisita sa isang dermatologist
Panghuli, kung talagang nahihirapan ka sa skin breakouts, ang pinakamagandang gawin ay bumisita sa isang dermatologist. Para malaman mo na rin kung anong mga bagay ang nagti-trigger sa’yong breakouts — at kung ano ang pwede mong gawin upang pamahalaan ang mga ito.
Pwede rin silang magreseta ng gamot upang maiwasan ang breakouts at para mas mabilis silang gumaling.
Makakatulong ang mga dermatologist sa mas malalang kaso ng acne, lalo na kung magsisimula silang kumalat sa’yong katawan.
Key Takeaways
Gaya ng nakasanayan, subukang huwag tirisin ang anumang pimples, at siguraduhing panatilihing malinis ang iyong mukha hangga’t maaari. Ang pag-iiwan ng anumang dumi o pampaganda sa’yong balat ay pwede ring maging sanhi para mas madaling kapitan ng bacteria at mag simula na sa pangangati — at kalaunan, breakouts ang balat. Kaya pinakamahusay na iwasan ang mga bagay na iyon hangga’t maaari.
Matuto pa tungkol sa Acne dito.