backup og meta

Alamin: Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Blackheads?

Alamin: Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Blackheads?

Ang blackheads ay isang uri ng acne. Nangyayari ito kapag ang pores ay nakakolekta ng mga dumi tulad ng sobrang pawis, cells ng patay na balat, at bakterya. Ito ay nagiging kulay itim dahil ang pores ay nananatiling bukas. Bagama’t hindi ito mapanganib, maraming tao ang nababahala rito dahil sanhi ito ng hindi makinis na balat. Narito ang mga paraan kung paano maiwasan ang blackheads.

Paano Maiwasan Ang Blackheads: Mga Dapat Tandaan

Maaaring ikaw ay gumagamit ng blackhead strips upang alisin ang nakaiinis na dark spots. Paano maiwasan ang pagkakaroon muli ng blackheads? Marahil ay maaaring makatulong sa iyo ang mga ito:

1. Maghilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw gamit ang mild cleanser

Ang unang hakbang na makatutulong kung paano maiwasan ang blackheads ay ang paghihilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw gamit ang mild soap. Nakatutulong ang paghihilamos upang maalis ang dumi at sobrang pawis na maaaring bumara sa pores at maging sanhi ng blackheads.

Ang paghihilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw ay kadalasang hindi kinakailangan maliban na lamang kung ikaw ay sobrang magpawis.

2. Gumamit ng tamang moisturizer

Ang moisturizer ay kinakailangan para sa pangangalaga ng balat. Kung ikaw ay may acne, tulad ng blackheads, ang moisturizer ay mas mahalagang gamitin. Nakatutulong ito sa panunuyo ng balat sanhi ng mga gamot, tulad ng salicylic acid.

Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng moisturizer araw-araw matapos maghilamos ng mukha. Maaari mo rin itong gamitin kapag natutuyo ang iyong balat.

3. Mag-exfoliate isang beses sa isang linggo

Paano maiwasan ang blackheads? Ikonsidera ang linggo-linggong exfoliation. Ang pag-exfoliate ng balat ay nakatutulong upang matanggal ang sobrang pawis at dumi na sanhi ng acne.

Tandaan na maaaring mag-exfoliate gamit ang tuwalya o mga produkto. Anuman ang napili mong pamamaraan, mahalagang maging maingat sa iyong balat. Gayundin, huwag kalimutang gumamit ng moisturizer pagkatapos nito.

4. Isaalang-alang ang paggamit ng salicylic acid or retinol

Paano maiwasan ang blackheads? Kung gusto mong agapan ang pag-iwas sa blackheads, marahil ay nais mong isaalang-alang ang paggamit ng mga produktong may salicylic acid o retinol.

Ang salicylic acid ay nakatutulong upang masira ang sebum. Gayunpaman, hindi ipinapayo ang araw-araw na paggamit nito dahil maaari nitong mairita ang balat.

Sa kabilang banda, ang retinol ay nakatutulong sa maraming bagay. Nababawasan nito ang dami ng sebum. Mayroon din itong sangkap na anti-inflammatory. At nakatutulong ito sa kabuoang itsura ng balat.

5. Maging maingat sa pagpili ng makeup

Ang mga taong may blackheads ay hindi kinakailangang huminto sa paggamit ng makeup. Gayunpaman, lubhang inirerekomenda ang paggamit ng makeup na hindi bumabara sa pores (non-comedogenic).

Dagdag pa, kailangan mong tanggalin ang iyong makeup bago matulog.

6. Tumigil sa paninigarilyo

Paano maiwasan ang blackheads? Maaaring maging mainam ang pag-iwas o pagtigil sa paninigarilyo. Bagama’t ang sigarilyo ay walang kaugnayan sa blackheads, may ulat na nagsasabing ang ilan sa mga kemikal nito ay may kaugnayan sa pagdebelop ng blackheads.

7. Huwag hawakan ang iyong mukha

Ito man ay marahil isang trivia na payo, subalit ang hindi paghawak sa mukha ay nakatutulong na mabawasan ang tyansa ng paglipat ng dumi o bakterya sa iyong pores.

Kailan Dapat Kumonsulta Sa Dermatologist Dahil Sa Blackheads?

Para sa maraming tao, hindi kinakailangan ang pagpapakonsulta sa dermatologist dahil sa blackheads. Kadalasan, gumagamit sila ng mga produkto tulad ng masks o strips na pantanggal ng blackhead sa tuwing nakikita nilang kapansin-pansin na ang spots.

Gayunpaman, kung ang mga produktong ito ay hindi epektibo sa iyo, o gusto mong sumubok ng “mas epektibong” solusyon, ipinapayong magpakonsulta sa dermatologist para sa pagpapasuri at pagpapagamot.

Key Takeaways

Paano maiwasan ang blackheads?  Ang mga sumusunod na hakbang ay maaaring makatulong sa iyo:
  • Maghilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw.
  • Regular na gumamit ng moisturizer. 
  • Mag-exfoliate isa o dalawang beses sa isang linggo.
  • Isaalang-alang ang paggamit ng mga produktong may salicylic acid at retinol.
  • Piliin ang non comedogenic na makeup.
  • Iwasan o itigil ang paninigarilyo.
  • Huwag hawakan ang mukha.
Kung hindi ka sigurado sa produktong iyong dapat gamitin, huwag mag-alinlangang kumonsulta sa dermatologist. Gayundin kung gusto mo ng mas permanenteng solusyon sa iyong problema sa blackheads.

Matuto pa tungkol sa Acne dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

HOW TO TREAT DIFFERENT TYPES OF ACNE, https://www.aad.org/public/diseases/acne/diy/types-breakouts, Accessed April 11, 2022

MOISTURIZER: WHY YOU MAY NEED IT IF YOU HAVE ACNE, https://www.aad.org/public/diseases/acne/skin-care/moisturizer, Accessed April 11, 2022

Treatment Modalities for Acne, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6273829/, Accessed April 11, 2022

Occluded Cigarette Smoke Exposure Causing Localized Chloracne-Like Comedones, https://www.karger.com/Article/FullText/439046, Accessed April 11, 2022

Blackheads, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22038-blackheads, Accessed April 11, 2022

Kasalukuyang Version

10/10/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement