Isa sa major concern ng tao ang kanilang balat. Kaya mahalagang maintindihan muna ang gamot sa maskne, bago ito subukan. Para maiwasan ang anumang pinsala at skin irritation.
Ang Maskne ay isang bagong mash-up term ng mga salitang “mask” at “acne”. Bago ipaliwanag kung ano ang maskne, unawain muna kung ano ang acne.
Karaniwang sanhi ng tigyawat ang bakterya na nakulong sa mga pores. Kapag ang mga pores ay barado ng mga patay na cells ng balat at labis na langis. Ang bakterya sa ilalim ay patuloy na nahati at lumalaki. Nagreresulta ito sa isang pulang bukol o “acne” kung tawagin. Minsan, nabubuo ang nana kapag sinubukan ng immune system na salakayin ang mga nakulong na bakterya. Kung saan nagreresulta ito sa pustules at whiteheads.
Bakit nakakakuha ng maskne ang mga tao?
Tulad ng nabanggit sa itaas, ang mga taong madaling kapitan ng acne ay mas malamang na magkaroon ng maskne. Nangangahulugan ba ito na ang masks ang nagdudulot ng acne? Ang sagot dito ay hindi, hindi eksakto.
Kung ang iyong balat ay may acne-prone na, malamang na ang face mask ay pwedeng magdulot ng mas maraming flare up at makairita sa existing blemishes. Ang cloth masks at surgical mask ay parehong non-sterile surfaces. Kung saan, ang parehong uri ng maskara ay pwedeng sumipsip ng pawis, dumi, at mikrobyo.
Bilang karagdagan, ang mga maskara ay may posibilidad na mag-trap ng init at moistures. Ito’y nagiging dahilan ng mga pores para mabuksan — at sanhi ng paghikayat sa paglaki ng bakterya.
Sa kabuuan, ang mga maskara ay gumagana bilang isang barrier laban sa mga mikrobyo. Subalit, pwede rin itong maging isang sponge para sa langis at bakterya.
Mga tip sa pag-iwas at gamot sa maskne
1. Iwasang hawakan ang iyong masks at mukha
Dapat mong iwasang hawakan ang iyong mukha at maskara. Lalo na kung ang iyong mga kamay ay hindi malinis. Hindi lamang nito pinapataas ang iyong mga pagkakataong magkalat ng mga mikrobyo, gaya ng virus. Ngunit pinapataas din nito ang iyong mga pagkakataong maglipat ng mga mikrobyo sa’yong mukha.
2. Regular na magpalit ng masks
Ang mga surgical mask ay idinisenyo para sa isa o solong paggamit lamang. Bagama’t sinasabing magagamit muli ang mga cloth mask. Pinakamahusay na magkaroon ng ilan para makapagpalit ka sa buong araw.
Sinasabi na ang disposable masks ay dapat palitan at itapon bawat 2 hanggang 4 na oras, o kung ang masks ay basa o marumi. Isa itong pangkalahatang tuntunin, regardless kung may COVID-19 man o wala. Itapon ang iyong mga masks sa wastong basurahan. Mahusay kung itatapon ito sa isang biological/hazardous waste container. Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos hawakan ang masks.
3. Hugasan ang cloth masks araw-araw
Ipinakita ng mga pag-aaral na ang tela na ginagamit sa mga reusable mask (i.e. cotton, polyester) ay pwedeng magkaroon ng iba’t ibang mikrobyo. Ang mga mikrobyo na ito ay maaaring manatiling buhay sa tela sa loob ng ilang araw. Makikita rin na ang karamihan sa mga mikrobyo na ito ay nabubuhay na sa ibabaw ng iyong balat na pwedeng magdulot ng acne.
Kung gagamit ka ng reusable cloth mask. Dapat mong hugasan o labhan ang mga ito araw-araw. Pinakamaganda na magkaroon ng ilang mga masks na maaari mong palitan sa buong araw.
Ang regular na detergent ay mainam na gamitin kapag naghuhugas ng iyong mga masks. Dahil ang paggamit ng mainit na tubig na may bleach ay isang mabisang paraan. Para patayin ang mga mikrobyo sa tela. Siguraduhin na ang masks ay natuyo sa lahat ng paraan bago mo ito isuot. Gaya ng nabanggit dati, ang moisture ay pwedeng mag-promote ng bacterial growth at maaaring makairita sa’yong balat.
4. Linisin ang iyong mukha bago at pagkatapos magsuot ng masks
Dahil ang mga masks ay sumisipsip ng langis, dumi, at mikrobyo na nasa iyong mukha. Ang paglilinis ng iyong mukha bago maglagay ay makakabuti. Ngunit, tandaan na ang sobrang paghuhugas ng iyong balat ay pwedeng matuyo ng balat. Sanhi para mas lumala ang tigyawat. Kaya limitahan ang paghuhugas ng iyong mukha sa isa o dalawang beses sa isang araw.
Gamot sa maskne: Home Remedy
Kung hindi gumagana ang pag-iwas, pwede kang gumamit ng mga opsyon sa gamot sa maskne sa bahay. Ang treatment sa sanhi ng pre-existing acne ay ang pinakamahalagang hakbang na dapat gawin. Sapagkat ang spot-treatment ng acne blemishes na dulot ng mga masks ay isa pang opsyon.
Ang topical gel at creams na naglalaman ng mga sangkap. Tulad ng benzoyl peroxide at salicylic acid ay mabisa at available nang walang reseta. Maging ang pimple patches ay nakakatulong para sa pagtatakip ng mga pimples, pagprotekta sa balat, at pagpapaikli ng lifespan ng isang pimple.
Mag-iskedyul ng konsultasyon sa’yong doktor o dermatologist para matukoy kung ano ang tama para sa’yo.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa acne management, dito.