backup og meta

Calamine lotion para sa tigyawat, epektibo nga ba?

Calamine lotion para sa tigyawat, epektibo nga ba?

Ang Calamine lotion ay isang topical medication na ginagamit sa pagbibigay ng lunas para skin irritation sa balat. Gaya ng pangangati, pananakit, eczema, tigdas, kagat ng insekto, sunburn, poison ivy, bulutong-tubig, at iba pang minor skin issues. Gumagana ito sa pamamagitan ng pag papatuyo ng lesion at pag pawi ng sintomas sa apektadong bahagi ng balat, para maibsan ang minor skin irritations at mabigyan ng lunas. Sa ilang mga kaso, ang calamine para sa acne ay pwedeng isang epektibong paggamot. Ngunit, pwede rin itong maging sanhi ng sobrang pagkatuyo at paglala ng tigyawat.

Inuri ang Calamine bilang isang topical dermatological na gamot para sa anti-inflammatory at antipruritic purposes. Ito ay may iba’t-ibang formulation, at ang pinakakaraniwan ay ang lotion.

Bagama’t karaniwang ginagamit ang gamot na ito para sa treatment sa mga menor de edad na mga kondisyon ng balat, mayroon pa itong mga iba pang gamit. Halimbawa, dahil ang calamine lotion ay naglalaman ng zinc oxide, pwede silang magbigay ng kaunting ginhawa para sa acne.

Ang zinc oxide sa calamine lotion ay nakakatulong sa pagpapatuyo ng mga maliliit at banayad na isyu sa balat, partikular na ang balat na nadampi sa poison ivy, poison sumac, o poison oak. Gayundin, mayroon itong antimicrobial properties na pwedeng maging epektibo sa pagpatay ng mga microorganism, tulad ng bakterya, fungi, virus, o protozoan.

Mag-ingat kapag gumagamit ng calamine lotion para sa tigyawat. Dahil kakaunti ang mga pag-aaral na nagawang suportahan ang anumang mga ganap na benepisyo nito. Ang Calamine ay maaaring magpalala pa ng acne dahil sa drying properties nito.

Epektibo ba ang Calamine lotion para sa tigyawat?

Mayroong maliit na katibayan, na ang calamine ay talagang epektibo laban sa acne.

Ang Calamine ay naglalaman ng elementong tinatawag na “zinc oxide”. Kung saan, makikita na ang topical zinc ay may “little to no effect”  sa paggamot sa mild hanggang sa moderate acne.

Ayon sa isang pag-aaral, ang topical zinc na hinaluan ng iba pang agents ay epektibo laban sa acne. Ito ay posible dahil sa mga anti-inflammatory properties ng zinc. Maaari rin nitong bawasan ang produksyon ng sebum sa balat. Gayunpaman, dahil iilan pa lamang sa mga pag-aaral ang tumatalakay sa bisa ng zinc (kasama ang ibang mga agent) laban sa acne — walang sapat pa na ebidensya sa likod ng calamine bilang isang tiyak at mabisang treatment para sa acne.

Bilang karagdagan, ang paggamit ng calamine para sa acne ay pwedeng magkaroon ng negatibong epekto sa balat. Bakit? Ang Calamine lotion ay maaaring maging dahilan ng pagkatuyo ng active at non-active acne sa mabilis na proseso, dahil binabawasan nito ang sobrang sebum sa balat. Kapag masyadong tuyo ang balat, pwedeng lumala ang acne. Tandaan na ang tuyong balat ay irritated skin. Kung saan, maaari itong magresulta sa mas maraming acne.

Mga Tip Kapag Gumagamit ng Calamine

Kapag gumagamit ng calamine para sa acne, huwag kakalimutan ang mga sumusunod na pamamaraan:

Calamine lotion para sa tigyawat

  • I-shake ang bote ng calamine lotion bago buksan.
  • Kumuha ng isang maliit na piraso ng bulak at basain ito ng lotion.
  • Gamitin ang maliit na piraso ng moistened cotton at idampi ito sa mga apektadong bahagi sa balat.
  • Hayaang ma-absorb ng balat ang medication hanggang sa matuyo ito.

Calamine ointment:

Ilagay ang pamahid sa mga apektadong bahagi ng balat at bahagyang idampi ito ng ilang ulit.

Para sa tamang dosing, laging sundin kung ano ang reseta ng iyong doktor. Kung wala kang reseta, pwede mong sundin ang dose na nakasaad sa kahon ng produkto. Ang dalas at dami ng gamot na kailangan mong ilagay sa’yong balat ay mag-iiba, depende sa kalubhaan ng problema sa balat.

Mga Safety Tip Kapag Gumagamit ng Calamine

Kapag gumagamit ng calamine para sa tigyawat. Maging maingat sa paglalagay ng gamot nang direkta, sapagkat mabilis itong matuyo sa balat ng tao.

Ihinto ang paggamit kung ang iyong acne ay lumala, o kung ang iyong balat ay nagkakaroon ng mga pantal, pangangati o iba pang uri ng reaksyong nakababahala sa balat.

Panghuli, huwag inumin ang gamot na ito nang orally (sa pamamagitan ng bibig). Iwasan ang mga mata, ilong, tumbong, at bahagi ng ari na malagyan ng Calamine.

Key Takeaways

Kung gusto mong gumamit ng calamine lotion para sa tigaywat, maaring mag pagpatuloy nang may pag-iingat dahil pwedeng lumala ang kondisyon ng iyong balat. Advisable na gumamit ng iba pang mga napatunayang skin products sa acne sa halip. Sapagkat ang mga skin products na naglalaman ng mga sangkap gaya ng salicylic acid at benzoyl peroxide ay napag aralang tunay na mabisa laban sa acne. Kumunsulta sa isang dermatologist bago gumamit ng anumang paggamot.

Matuto pa tungkol sa Acne dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Calamine (topical), https://www.stlukesonline.org/health-services/health-information/healthwise/2017/06/27/13/10/calamine-topical

https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Calamine#section=Use-and-Manufacturing, October 20, 2021

Calamine (topical route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/calamine-topical-route/description/drg-20062463, October 20, 2021

Zinc Therapy in Dermatology: A Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4120804/

https://www.canr.msu.edu/news/summer-staple-zinc-oxide, October 20, 2021

Antimicrobials, http://npic.orst.edu/factsheets/antimicrobials.html#:~:text=Antimicrobial%20products%20kill%20or%20slow,such%20as%20mold%20and%20mildew.&text=You%20may%20find%20antimicrobial%20products,home%2C%20workplace%2C%20or%20school, October 20, 2021

 

Kasalukuyang Version

06/12/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Skin Purging At Gaano Ito Katagal Nangyayari?

Dapat Bang Tirisin ang Tigyawat o Hindi?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement