Ang pagsubok sa mga bagong produkto sa balat o madalas na pag-regimen ay kadalasang nagreresulta sa paglabas ng tigyawat, na tinatawag na skin purging. Ano ang skin purging? Ito ay kadalasang nangyayari kung ang baradong pores (microcomedones) sa ilalim ng balat ay sabay na naging aktibo. Mabilis na maglalabas ang balat ng tigyawat kumpara sa normal, at humahantong sa hormonal na tigyawat. Gaano katagal nangyayari ang skin purging? Ano ang nagsasanhi nito?
Ano Ang Sanhi Ng Skin Purging?
Ang paglabas ng skin purging ay kadalasang may kaugnayan sa aktibong sangkap na nagpapabilis ng pagpapalit ng skin cell. Ito ay maaaring mangyari kung ang isang tao ay gumagamit ng produkto na may aktibong sangkap para sa mabilis na pagpapalit ng balat.
Gaano katagal nangyayari ang skin purging? Tumatagal ito ng ilang linggo, o maging ng ilang buwan. Kadalasang nag-uumpisa ang purging sa paggamit ng mga produktong may retinoids at exfoliating acids. Ang pagtagal ng skin purging ay nakadepende sa uri ng aktibong sangkap mayroon ang produkto.
Mga Aktibong Sangkap Na Maaaring Maging Sanhi Ng Skin Purging
Retinoids
Ang paggamit ng retinoids, na may vitamin A derivatives, ay sumisira sa blackheads at whiteheads at iniiwasan magbara ang pores. Ang mga baradong pores na ito ay nagsasanhi ng tigyawat.
Mahalagang gumamit ng retinoids na gamot sa kabuuang bahagi ng balat na apektado ng tigyawat, hindi lamang sa ilang bahagi. Ito ay upang maiwasan ang paglabas ng mga bagong tigyawat.
Isa sa pinaka karaniwang side effect ng retinoids ay ang pagiging sensitibo ng balat, pagbabalat at irritation. Ang pagmo-moisturize ay nakakabawas sa side effects nito. Maaari ding maranasan ang kabawasang epekto kung naggagamot.
Hydroxy Acids
Ang hydroxy acids ay nag-aalis ng mga apektadong pinakaibabaw ng balat. Natutunaw ang patay na skin cells sa acid upang maiwasan ang hair follicles na magbara. Ang mga produkto para sa balat ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng acids, ngunit ang karaniwan sa mga ito ay ang hydroxy acids.
Kabilang ang mga sumusunod sa hydroxy acids:
- Citric Acid
- Hydroxycaproic Acid
- Salicylic Acid
- Lactic Acid
- Lactobionate Acid
- Tartaric Acid
- Glycolic Acid
Benzoyl Peroxide
Ang over-the-counter benzoyl peroxide na produkto ay nabibili bilang mga gel at panghilamos. Ang produktong ito ay nakakatulong sa paggagamot sa tigyawat sa pagpuksa ng mga bacteria sa ibabaw ng balat.
Isa sa mga side effect ang panunuyo ng balat na kadalasang nararanasan ng mga gumagamit ng produktong ito. Ang mga panghilamos na may mababang concentrations ay hindi malalang nakai-irritate sa balat.
Chemical Peels
Ang chemical peel na mga produkto, o pamamaraan na gumagamit ng chemical peel upang alisin ang mga lumang skin cells. Matapos alisin ang pinakaibabaw na layer, ang bagong balat ay sisibol. Ang layer na ito ng balat ay kadalasang makinis at mas maputi na mabuti sa pagbabawas ng peklat mula sa tigyawat.
Breakout Vs Purging
Sa pag-aadjust sa paggamit ng bagong produkto, ang iyong balat ay nag-skin purging. Tuwing nasa purging, lumalabas ang mga tigyawat, ngunit ang mga ito ay mabilis ding nawawala kumpara sa mga tigyawat na lumalabas kung hindi purging. Dapat ipagpatuloy ang paggagamot ayon sa ibinilin ng doktor kung nakakaranas ng purging. Kung ang bagong skin care ay epektibo, ang balat at tigyawat ay may magandang kalalabasan matapos ang purging ng ilang linggo.
Nangyayari ang breakout kung ang balat ay nagre-react sa sangkap ng produkto. Ang pagkakaroon ng spots sa mga bagong bahagi ay kadalasang senyales na ikaw ay may breakout.
Maaaring hindi mabilis na mawala ang breakout kumpara sa purging. Kadalasan din itong nag-iiwan ng peklat.
Gaano Katagal Nangyayari Ang Skin Purging?
Pansamantala lamang ang purging at nawawala sa patuloy na paggamit ng para sa pangangalaga ng balat na produkto, at kung ginagamit ito nang tama. Kadalasang tumatagal ang purging ng isang buwan. Gayunpaman, maaari itong tumagal o mabilis na mawala depende sa isang tao.
Sa pangkalahatan, gaano katagal nangyayari ang skin purging? Ang sagot ay kadalasang 6-8 na linggo. Maaaring itigil ang paggamit ng produkto o makipag-ugnayan sa propesyonal kung matapos ang 6-8 na linggo ay wala pa ring pagbabago o improvement sa balat.
Ano Ang Dapat Gawin Kung Nasa Kalagitnaan Ng Skin Purging?
Nangangailangan ng panahon upang tumalab ang paggagamot sa tigyawat. Gamitin ang produkto sa loob ng 6 hanggang 8 linggo. Ang kalalabasan ay makikita matapos ang 6 hanggang 8 linggo. Kung walang makitang pagbabago sa balat matapos nito, maaaring sumubok ng ibang produkto. Ang kabuuang clear-up sa balat ay kadalasang nagtatagal sa pagitan ng 3 at 4 na buwan.
Sundin ang tagubilin sa paggagamot ng tigyawat. Magpahid ng moisturizer partikular ang binuo para sa mga balat na acne-prone. Ang moisturizer ay dapat ilagay ng dalawang beses kada araw, matapos maghilamos. Bilang karagdagan, hindi dapat gumamit ng astringents, alcohol, o anumang nagpapatuyo sa balat.
Siguruhing malumanay lamang sa paghihilamos ng bahagi ng mukha na apektado ng tigyawat. Piliin ang mild na panghilamos na non-comedogenic. Malumanay na imasahe ito sa balat at gamitin ang mga daliri sa paghihilamos. Matapos nito, malumanay ring banlawan ito gamit ang mainit-init na tubig.
Huwag pisilin o putukin ang tigyawat dahil maaari nitong mapalala ang mga ito. Sa halip, gumamit ng gamot para sa tigyawat. Sa malalim at masakit na tigyawat, humingi ng tulong sa dermatologist.
Key Takeaways
Ano ang skin purging? Ito ay natural na proseso na nangyayari sa balat kapag ito ay nag-aadjust sa bagong produkto. Gaano ito katagal nangyayari? Ang panahon ng adjustment ay maaaring tumagal ng isang linggo hanggang tatlong buwan. Sa panahong ito, maaaring makaranas ng breakouts o iba pang karaniwang reaksyon tulad ng panunuyo at pamumula ng balat.
Nangyayari ang skin purging kung ang katawan ay nagsisimulang alisin ang mga toxins mula sa unang produkto ginamit upang magkaroon ng espasyo sa bagong produkto. Hindi ito palaging kaaya-ayang karanasan, ngunit ito ay panandalian lamang at nawawala matapos ang ilang linggo.
Matuto pa tungkol sa Acne rito.