Ano ang blackheads at whiteheads? Ito ang pinaka karaniwang porma ng acne na karamihan na nararanasan ng mga tao sa kanilang buhay. Ayon sa sarbey, nasa 85% ng mga indibidwal sa grupo sa pagitan ng 12 hanggang 24 na taong gulang ay nakararanas ng tigyawat dahil sa blocked pores.
Naniniwala ang mga eksperto sa kalusugan na ang acne ay maaaring malunasan nang madali ngunit kailangan ng pag-aalaga dahil maaari itong bumalik. Ang blackheads at whiteheads ay dalawang magkaibang porma ng acne na may ibang salik ng pagtubo ngunit pareho ang paraan ng paggamot.
Ano Ang Blackheads At Whiteheads?
Ano Ang Blackheads?
Ang blackheads ay maliit na bumps na nade-develop sa balat dahil sa baradong hair follicles. Ang maliliit na bumps na ito ay tinatawag na blackheads dahil ang bungad (ulo) nito ay kulay itim.
Tinatawag din ang blackheads na comedones, at nakikita ito sa ilong, likod, braso, balikat, leeg, at dibdib.
Ano Ang Whiteheads?
Nangyayari ang whiteheads kung ang bacteria, dead skin cells, o oil ay na-trap sa pores. Napag-alaman ng mga eksperto sa kalusugan na ang mga puting bumps na ito ay maaaring nakaiirita at maaaring magpakita sa hindi magandang pagkakataon.
Tinatawag din ang whiteheads na closed comedones, at kadalasan na makikita sa baba, noo, at ilong.
Ano Ang Blackheads At Whiteheads? Sanhi Nito
Naniniwala ang mga eksperto sa kalusugan na ang sanhi at salik ng pagkakaroon ng blackheads at whiteheads ay magkaiba.
Tignan natin ang mga sanhi para sa bawat uri ng acne upang malaman nang tama.
Whiteheads
Bagaman walang eksaktong sanhi ng pagkakaroon ng whitehead, sinasabing pagbabago sa hormones ang sanhi nito paminsan-minsan. Ang mga pagbabago sa hormones na ito ay maaaring maranasan dahil sa maraming mga rason mula sa puberty hanggang pagreregla, at mula sa paggamit ng oral contraceptives hanggang pagbubuntis.
Naniniwala ang mga skin specialists na ang itsura ng whiteheads ay dahil sa labis na production ng sebum, isang oily substance na nilalabas ng sebaceous glands na pumoprotekta sa balat.
Ang ibang mga salik na sanhi ng whiteheads ay pawis, ilang cosmetics, high humidity, at skincare products. Gayunpaman, napag-alaman ng ilang mga pag-aaral na walang koneksyon sa pagitan ng whiteheads at stress, diet, o poor facial hygiene.
Blackheads
Ang edad at ang pagbabago ng hormones ang pinaka salik na nakadaragdag sa pagkakaroon ng blackheads. Habang nasa puberty, ang pagbabago ng hormones ay nagti-trigger ng labis na production ng sebum, na sanhi ng blackheads. Gayunpaman, maaaring makita ang blackheads sa kahit na anong edad.
Napag-alaman ng mga pag-aaral na ang androgen, ang male sex hormone ay nakapagdaragdag ng shedding sa skin cells at nagpo-produce ng labis na sebum habang nasa puberty. Parehong babae at lalaki ang nakararanas ng mataas na lebel ng androgen habang nasa adolescence.
Matapos ang puberty, may mga pagbabago sa hormones dahil sa paggamit ng birth control pills, pagreregla, at pagbubuntis, na nakapagdaragdag ng blackheads sa mga babae.
Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang mga salik na sanhi ng blackheads ay:
- Labis na production ng skin cells
- Konsumo ng steroid-based na gamot tulad ng corticosteroids
- Labis na pagpapawis
- Mga gamot na nakapagpapabilis ng skin cells shedding
- Kondisyon sa kalusugan tulad ng Premenstrual Syndrome (PMS) at Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)
- Shaving
Paano Maiiwasan Ang Blackheads At Whiteheads?
Ipinapayo ng maraming mga espesyalista sa balat ang mga paraan ng pag-iwas sa whiteheads at blackheads. Ilan sa mga paraan na ito ay:
- Gumamit ng maligamgam na tubig sa pagligo at paglilinis ng mukha
- Linisin ang mga salamin sa mata, cellphone, at punda ng unan araw-araw upang mawala ang bacteria, oil at dirt.
- Iwasan ang labis na pagkuskos ng balat upang maiwasan ang pagsusugat at galos.
- Maglagay ng sunscreen bago lumabas ng bahay
- Protektahan ang iyong mukha habang gumagamit ng mga produkto sa buhok.
- Hugasan ang iyong mukha dalawang beses kada araw. Gumamit ng magandang kalidad ng facial wash upang matanggal ang dumi at bacteria sa mukha.
- Hugasan araw-araw ang buhok upang mawala ang oil na pino-produce ng sebum.
Mga Gamot Sa Bahay Para Sa Blackheads At Whiteheads
Ipinapayo ng mga eksperto sa balat na ang ilang mga simple at madaling gamot sa bahay na aprubado na may benepisyo at epektibo. Ang ilang mga gamot upang lunasan ang whiteheads ay ang mga sumusunod:
Lemon Juice
Ang lemon ay mayaman sa bitamina C na may benepisyo sa kalusugan ng balat. Ang antibacterial properties ng lemon juice ay nakatutulong sa pagbawas ng skin inflammation at bacterial infections. Gayundin, ang lemon juice ay nakatutulong na mag dry ng labis na oil mula sa balat.
Paano gamitin:
Magpisil ng juice mula sa lemon at ilagay ito direkta sa apektadong bahagi gamit ang bulak at iwan ito sa loob ng 20 minuto.
Honey
Ang honey ay naglalaman ng powerful na antibacterial properties na napatunayan ng mga pag-aaral na may benepisyo sa kalusugan ng balat. Karagdagan, ito ay kinokonsiderang mainam na natural na moisturizer sa balat at naiiwasan ang labis na produksyon ng sebum.
Paano gamitin:
Mag-init ng isang kutsarang honey hanggang ito ay maging maligamgam. Maglagay ng mainit na honey direkta sa balat at hayaan ito sa loob ng 15 minuto.
Maglagay ng Apple Cider Vinegar
Ang ACV ay kino-konsiderang potent astringent na nakakapagpaliit ng pores. Gayundin, naglalaman ang ACV ng antimicrobial at antibacterial properties na nakatutulong na mabawasan ang isyu sa balat.
Paano gamitin:
Kumuha ng 8 ounces ng mainit na tubig at maglagay ng dalawang kutsarang ACV. Ilagay ang solution direkta sa balat at iwan ito sa loob ng 20 minuto.
Witch Hazel
Ang Witch Hazel ay naglalaman ng mahalagang compounds at astringents na nakatutulong sa pagpapaliit ng pores at cells ng balat. Gayundin, napatunayan ng tiyak na pag-aaral na ang Witch Hazel ay nakatutulong sa pagtanggal ng labis na oil at nakababawas ng inflammation.
Paano gamitin:
Gumamit ng mga sabon at body washes na naglalaman ng Witch Hazel. Gayundin, ang Witch Hazel ay mabibili sa internet bilang astringent. Maaari kang mag-order at maglagay nito direkta sa balat sa tulong ng bulak.
Ang mga sumusunod ay mga gamot sa bahay na nakagagamot sa blackheads:
Strawberries
Ang mga strawberries ay mayaman sa bitamina C na nakatutulong sa pag-moisturize at hydrate ng balat. Gayundin, naiiwasan nito ang pagkakaroon ng blackheads sa pamamagitan ng pagtanggal ng dry at dead skin cells.
Paano gamitin:
Kumuha ng 2-3 strawberries, isang kutsarang honey, at lemon juice. Lamasin ang strawberries, idagdag ang honey at lemon juice upang gumawa ng paste. Maglagay ng paste sa apektadong bahagi ng mukha. Iwan ito sa loob ng 20 minuto at hugasan ng malinis na tubig.
Coconut oil
Ang coconut oil ay naglalaman ng moisturizing properties na nakagagamot ng dry na balat at nakaiiwas sa baradong pores. Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang coconut oil ay naglalaman ng lauric acid na nakaiiwas sa pagkakaroon ng acne.
Paano gamitin:
Maglagay ng isang kutsarang virgin coconut oil at ilagay ito sa bahagi na laging nagkakaroon ng blackheads at iwan ito hanggang sa ma-absorb nang tuluyan sa balat.
Turmeric
Ang turmeric ay naglalaman ng potent antioxidant na tinatawag na curcumin na napatunayan ng mga pag aaral na nakapagbibigay ng maraming benepisyo sa balat. Naniniwala ang mga eksperto sa kalusugan na ang turmeric ay naglalaman ng antibacterial properties na nakapaglilinis ng pores at nakaiiwas sa magkaroon ng blackhead.
Paano gamitin:
Gumamit ng isang kutsarang tubig at turmeric powder at ihalo ito upang ma-achieve ang paste na itsura. Maglagay ng paste sa bahagi na laging nagkakaroon ng blackheads at hugasan ito at patuyuin.
Aloe Vera
Ayon sa mga espesyalista sa balat, ang aloe vera ay malaki ang benepisyo upang magamot ang inflammation sa balat. Ang moisturizing properties ng aloe vera ay nakagagamot sa dryness at roughness ng balat. Karagdagan, ang potent na halaman na ito ay naglalaman ng saponins at zinc. Nakatutulong ang saponin upang malinis ang balat habang ang zinc ay nakatutulong na maging tight ang pores.
Paano gamitin:
Mag-extract ng kalahating kutsara ng aloe vera gel at ilagay ito sa bahagi na madalas magkaroon ng blackheads. Iwan ito magdamag at hugasan ang mukha paggising.
Key Takeaways
Ano ang blackheads at whiteheads? Nagkakaroon ng blackheads at whiteheads dahil sa maraming mga rason at kinokonsidera itong mapaminsala. Gayunpaman, maaaring maging sanhi ang whiteheads ng masakit na tigyawat. Kaya’t upang gamutin ang acne sa balat, subukan ang mga gamot sa bahat at magsagawa ng mga preventive measures upang maiwasan ang pagkakaroon ng blackheads at whiteheads. Gayundin, bago magsimula ng kahit na anong lunas, kausapin ang iyong dermatologist at humingi ng maayos na gabay sa pag-iwas at paggamot ng blackheads at whiteheads. Matuto pa tungkol sa Acne dito.
[embed-health-tool-bmi]