Malapit na naman ang panahon ng tag-araw at isa sa pinakasikat na paraan upang matalo ang init ay ang sa pamamagitan ng paglangoy. Gayunpaman, hindi lang dapat puro kasiyahan ang iniintindi. Ang paglangoy sa mga pool at iba pang anyong tubig ay maaari pa ring magdulot ng ilang panganib. Ang pag-alam kung ano ang safety sa swimming pool tips at kung paano ang mga ito maisasakatuparan ay higit na kailangan. Bagaman nagtatagal lamang ng ilang segundo ang mga aksidente sa tubig, maaari pa ring magresulta ang mga ito sa ilang mga pinsala o minsan maging kamatayan.
https://hellodoctor.com.ph/fil/healthy-habits-fil/pangunang-lunas/first-aid-tips/
Ano ang Safety sa Swimming Pool?
Kabilang ang pagkalunod sa mga nangungunang sanhi ng injury-related death sa mga batang wala pang 4 taong gulang, pati na rin sa mga teenager. Ang mga mahihinang manlalangoy, lalo na ang mga bata, ay hindi dapat iwanan nang walang kasama sa tubig. Kung maganap ang isang aksidente, kahit na mabuhay sila, maaari itong mag-iwan sa kanila na magkaroon ng pinsala sa utak. Ang mga pangmatagalang kapansanan ay nangyayari sa 5% hanggang 10% ng mga kaso ng pagkalunod sa pagkabata. Maaari silang maparalisa o humantong sa vegetative state.
Ang pag-unawa sa kung ano ang safety sa swimming pool ay makatutulong sa iyong maiwasan ang mga ganitong aksidente at magbibigay sa iyo ng kapayapaan ng isip habang ikaw o ang iyong pamilya ay nagsasaya sa ilalim ng araw.
Ano ang Kailan Mong Tandaan Pagdating sa Safety sa Swimming Pool?
Susi ang supervision
Dapat bantayan ang mga bata sa lahat ng oras kapag nasa paligid sila ng pool. Nasa pinaka-panganib ang maliliit na bata marahil maaari silang malunod sa mas mababa sa 2 pulgada ng tubig sa loob lamang ng 30 segundo. Kahit na marunong lumangoy ang bata, hindi nagagarantiya ang 100% laban sa pagkalunod o mga kaugnay na pinsala. Baka madulas sila sa deck at matamaan ang ulo, mawalan ng malay, mahulog at tuluyang malunod. Para sa mga nag-aaral pa kung paano lumangoy, ang isang nasa hustong gulang o mas may karanasan na manlalangoy ay dapat abot kamay lang ang layo sa kanila. Tandaan: ang mga flotation device ay hindi dapat magsilbing kapalit ng supervision.
Mag-invest sa swimming lessons
Ang pag-aaral kung paano lumangoy ay mahalaga para sa sarili man o para sa iyong anak. Maaaring magsimulang mag-aral ang mga bata sa edad na 1 taong gulang at may mga lessons naman na bukas para sa magulang at anak.
Matutong isagawa ang CPR
Ang cardiopulmonary resuscitation ay isang kapaki-pakinabang na pamamaraan sa maraming mga emergency na sitwasyon. Ito ay tiyak na nasa ilalim ng saklaw ng kung ano ang safety sa swimming pool. Kung hindi mo alam kung paano magbigay ng CPR, gawin ang hands-only method: isagawa ang 100 hanggang 120 chest compression sa isang minuto hanggang sa dumating ang mga medic. Ngunit kung mayroon kang training, i-check kung may pulso at hininga ang bata. Kung wala, simulan ang mga chest compression. Magbigay ng 30 bago magbigay ng dalawang rescue breaths.
Ang mga maliliit na bata at sanggol — maliban sa mga bagong silang — ay maaaring makinabang sa CPR. Ang first-aid na ito ay nagpapanatili ng oxygen-carrying blood sa utak at iba pang mga organ hanggang sa dumating ang mga propesyonal. Kung wala ang puso na siyang nagbobomba ng dugo, hihinto ang oxygen sa pag-abot sa utak, na siya namang nagreresulta sa pinsala.