backup og meta

Ano ang Solusyon sa Sobrang Pagpapawis o Hyperhidrosis?

Ano ang Solusyon sa Sobrang Pagpapawis o Hyperhidrosis?

Kung napansin mong ikaw ay sobrang nagpapawis nang hindi nag e-ehersisyo o hindi mainit, maaaring may problema. Maaaring ito ay hyperhidrosis. Kung inaakala mo na ikaw ay may hyperhidrosis dahil ikaw ay labis na nagpapawis, huwag mag-alala. Maaaring nakaaabala ito, ngunit walang banta sa kalusugan. Makatutulong ang mga tiyak na lunas tulad ng hyperhidrosis surgery. Ngunit mabisa ba ito?

Narito ang ilang facts na maaari mong matutuhan tungkol sa sobrang pagpapawis o hyperhidrosis.

Ano ang Hyperhidrosis?

Ang hindi normal o labis na pagpapawis na hindi direktang kaugnay ng ehersisyo o init ay hyperhidrosis. Ang pagpapawis ay maaaring sobrang nahahalata mo at ng ibang tao.

Maaaring magpapigil ng mga pang-araw-araw na gawain ang labis na pagpapawis. Karagdagan, maaaring makaramdam ang isang tao ng kahihiyan at hindi komportable. Maaaring potensyal na maging sanhi ito sa ibang mga tao ng social anxiety.

Ano ang mga Sintomas ng Hyperhidrosis?

Ang pinaka makikitang senyales ng hyperhidrosis ay sobrang pagpapawis. Karamihan sa mga tao ay maaaring pagpawisan kung sila ay stressed o nangangamba, nasa mainit na kapaligiran, o kung sila ay nagsagawa ng mga pisikal na gawain o ehersisyo. Ang pagpapawis ay normal sa iba’t ibang sitwasyon.

Gayunpaman, nagiging sanhi ng hyperhidrosis na magpawis ang isang tao nang sobra sa mga sitwasyon. Ito rin ay maaari sa mga kaso kung saan hindi sila normal na napagpapawisan.

Maliban sa labis na pagpapawis, ang isang tao na may hyperhidrosis ay maaaring makaranas ng pagpapawis ng mga palad at talampakan. Karagdagan, ang sobrang pagpapawis ay maaaring makita sa damit.

Maaari ding maging sanhi ng hyperhidrosis ang masakit at nakaiiritang problema sa balat tulad ng bacterial o fungal infections. Ang ibang sintomas ay maaaring kabilang ang pangamba tungkol sa amoy sa katawan, o pagiging self-conscious, at iba pa.

2 Uri ng Hyperhidrosis

Ang unang uri ng hyperhidrosis ay ang focal hyperhidrosis. Ito ay kung ang abnormal na pagpapawis ay makikita sa mga talampakan, palad, o ulo.

Ang sunod na uri ng hyperhidrosis ay generalized hyperhidrosis. Ito ay kung ang abnormal na pagpapawis ay nakaaapekto sa buong katawan.

Sino ang Maaaring Magkaroon ng Hyperhidrosis?

Ayon sa pag-aaral na ito, ang hyperhidrosis ay mas karaniwan kaysa sa iniisip mo. Nasa 2.8% ng populasyon sa US ay mayroong primary hyperhidrosis. Ang primary idiopathic hyperhidrosis ay tumutukoy sa hyperhidrosis na may hindi pa nalalaman na sanhi.

Ito ay pinaniniwalaan na ang primary hyperhidrosis ay sanhi ng emosyonal at pisikal na estado ng tao. Gayunpaman, ang mga taong may primary hyperhidrosis ay makararanas ng parehong lebel ng emosyon kung exposed sa parehong triggers.

Ang secondary hyperhidrosis ay kung ang taong sobrang nagpapawis ay sanhi ng kasalukuyang problema sa kalusugan. Ang mga kondisyon na ito ay kabilang ang:

  • Tumors
  • Menopause
  • Obesity
  • Gout
  • Substance abuse
  • Tiyak na mga gamot

Ang mga tiyak na genes ay maaari ding may sala. Kadalasan, maraming mga pasyente na may primary hyperhidrosis ay mayroong mga magulang o kapatid na may ganitong kondisyon. Ibig sabihin nito na maaaring namana nila ito.

Gayunpaman, unawain na ang pagpapawis ay normal na function ng katawan. Ito ay nagbibigay ng maraming benepisyo. Ngunit kung ang sobra ay naging sagabal sa pang-araw-araw na buhay, konsultahin ang iyong doktor.

sobrang pagpapawis

Paano ko Ma-manage ang Hyperhidrosis?

Botox at Iontophoresis na Lunas

Kung na-diagnose ka ng doktor ng hyperhidrosis, maaari silang mag mungkahi ng ilang mga paraan na maaari mong gawin. Halimbawa, ang iontophoresis treatments at botox injections ay maaaring makatulong upang ma-manage ang pagpapawis ng isang tao.

Anticholinergic Drugs

Maaari ding magreseta ang doktor ng anticholinergic na gamot, na nagbibigay ng nerve impulses. Maraming mga pasyente na umiinom nito ay nagpapakita ng maayos na pagpapabuti sa kanilang sintomas sa loob ng 2 linggo.

Hyperhidrosis Surgery

Mayroon ding hyperhidrosis surgery na makatutulong sa mga pasyente na i-manage ang kanilang sintomas. Halimbawa, mayroong minimally invasive surgery na makatutulong sa mga tao na may sobrang pagpapawis, pagpapawis sa mukha, at kilili, kaysa sa iba.

Kung ang pasyente ay may labis na pagpapawis sa kilikili, maaaring magrekomenda ang doktor ng plastic surgeon para sa iba’t ibang uri ng hyperhidrosis surgery. Maaaring tanggalin nila ang sweat glands sa pamamagitan ng paggamit ng tradisyonal na surger o minimally invasive liposuction surgery.

Other Tips

Ang ilang mga tao ay maaaring makita ang mga non-medical na lunas na maaaring makatulong upang harapin ang hyperhidrosis. Halimbawa, ang antiperspirants ay makatutulong na huminto ang pagpapawis. Alalahanin na ang deodorants ay nakaiiwas sa amoy, hindi pagpapawis.

Ilan sa mga tao ay maaaring maging gumamit ng armpit shields. Ang armpit shields ay pads na nagbibigay ng cover sa damit. Sa ganitong paraan, ang pawis ay maa-absorb ng pads kaysa sa iyong damit. 

Ang pagpapalit ng materyales ng iyong damit ay maaaring magkaroon ng benepisyo rin. Maaaring magpalala ang mga tiyak na fabrics sa mga sintomas ng iyong hyperhidrosis.

Kung pipili ka ng pananamit, mas mainam na iwasan ang synthetic fibers tulad ng nylon. Subukan na pumili ng natural na materyales para sa iyong sapatos, tulad ng leather. Maaari ka ring pumili ng cotton na medyas na nag-a-absorb nang moisture.

Ano ang Nangyayari Kung Hindi Ko Lulunasan ang Hyperhidrosis?

Maaari kang mag-develop ng mga tiyak na komplikasyon kung hindi mo bibigyang pansin ang hyperhidrosis. Halimbawa, maaari kang magkaroon ng impeksyon sa kuko, partikular na sa kuko sa paa. Maaari ka ring magkaroon ng bacterial infections, lalo na sa pagitan ng iyong daliri sa paa at sa paligid ng iyong hair follicles.

Maaari ka ring magkaroon ng prickly heat rash, na pula at makating rash na nagiging sanhi ng makating sensasyon. Normal na nagkakaroon ng heat rash ang isang tao dahil ang perspiration ay nata-trap sa ilalim ng balat kung ang sweat ducts ay nahaharangan.

Karagdagan, ang sobrang pagpapawis ay maaaring magkaroon ng psychological impact sa mga tao. Halimbawa, ang trabaho ng isang tao, relasyon, at self-confidence ay maaaring maapektuhan ng hyperhidrosis.

Kailan ako Magpapatingin sa Doktor?

Sa average, karamihan sa mga tao ay nanghihingi ng medikal na atensyon matapos magkaroon ng kondisyon ng nasa 9 na taon. Gayunpaman, kung sa tingin mo na mayroon ka nito at kung ang mga sintomas mo ay lumalala, mainam na agarang humingi ng medikal na tulong para sa mga pagpipiliang lunas.

Key Takeaways

Bagaman ang hyperhidrosis ay mahirap na i-manage, mayroong mga paraan upang mamuhay nang maayos sa kondisyon na ito. Base sa rekomendasyon ng iyong doktor, maaari mong piliin na i-manage sa pamamagitan ng gamutan, non-medical na pamamaraan, at maging hyperhidrosis surgery. Konsultahin ang iyong doktor para sa pinaka makatutulong na lunas.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Lifestyle rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Social Anxiety Disorder (Social Phobia), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/social-anxiety-disorder/symptoms-causes/syc-20353561, Accessed June 17, 2020

Fungal Infections, https://mayoclinic.pure.elsevier.com/en/publications/fungal-infections, Accessed June 17, 2020

Hyperhidrosis: an update on prevalence and severity in the United States, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5099353/, Accessed June 17, 2020

Hyperhidrosis and Obesity, https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-3-319-89527-7_3, Accessed June 17, 2020

Palmar Hyperhidrosis: Evidence of Genetic Transmission, http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/11854739, Accessed June 17, 2020

Kasalukuyang Version

11/28/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang mga paraan para matanggal ang buhok sa katawan?

Cholera Outbreak: Mga Dapat Malaman Tungkol sa Cholera


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement