Binibigyang-diin ng iba’t ibang institusyong medikal na ang mga taong lampas sa edad na 60 ay mas madaling kapitan ng mga health risk kaysa sa mga nakababata. Ito ang dahilan kung bakit hinihikayat ang mga nakatatanda na pangalagaan ang kanilang sarili. Ito ay sa pamamagitan ng pag-iisip sa kanilang diet, angkop na ehersisyo sa kanilang kalagayan, at pagkakaroon ng regular na check-up. Para sa mga check-up at iba pang healthcare needs, lalo na kung kailangan ng confinement sa ospital, pwedeng i-claim ng mga nakatatanda ang mga benepisyo nila sa PhilHealth. Kaya, anong mga medical needs ang maaaring saklawin ng PhilHealth para sa senior citizen at paano nila mapoproseso ang kanilang mga claim?
The PhilHealth Benefits for Senior Citizens
Anong mga benepisyo ang makukuha para sa mga senior citizen mula sa kanilang membership sa PhilHealth?
Mga Benepisyo sa Inpatient
Sa package na ito, ang isang tiyak na halaga ay ibabawas mula sa kabuuang bayarin sa pribadong ospital. Kasama sa bill ang mga singil sa ospital at mga bayad sa doktor. Ang halaga na ibabawas (case rate) ay depende sa sakit o kondisyon ng pasyente. Halimbawa, ang isang senior citizen na na-admit dahil sa pneumonia ay maaaring makakuha ng kabuuang bawas na Php32,000.
No-Balance Billing Policy
Makaka-avail ng No-Balance Billing Policy (NBBP) ang isang senior citizen na naka-confine sa isang accredited public hospital. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ito na sa isang pampublikong ospital, ang mga nakatatanda ay hindi kailangang magbayad ng anuman sa paglabas. Siyempre, ito ay napapailalim sa ilang mga patakaran.
Outpatient Benefits
Sakop din ng mga benepisyo ng PhilHealth para sa senior citizen ang mga serbisyo ng outpatient o
Iba pang packages na maaaring makuha kahit walang confinement sa ospital. Ang mga halimbawa ng mga serbisyong ito ay:
- Hemodialysis sessions
- Outpatient blood transfusion
- Radiotherapy sessions
- Tuberculosis Direct Observed Treatment Short-course TB-DOTS
- Animal Bite Package
TSeKaP (Tamang Serbisyo para sa Kalusugan ng Pamilya)
Ang mga benepisyong ito ng PhilHealth ay sumasaklaw sa mga serbisyo tulad ng:
- Mga Konsultasyon
- Digital Rectal Exam
- Regular na pagsubaybay sa BP
- Lifestyle modification counseling
- Pagpapayo sa pagtigil sa paninigarilyo
- Mga laboratory test, tulad ng urinalysis, fecalysis, complete blood count, fasting blood sugar, chest x-ray, lipid profile, at sputum microscopy.
Ang Z Benefits Package
Kung na-diagnose ng doctor ang isang senior citizen na may, maaari silang humingi ng tulong sa PhilHealth. Maaaring kailanganin ng mga senior na sumailalim sa pangmatagalan at mamahaling paggamot.
- Early stage ng breast cancer
- Early stage ng cervical cancer
- Karaniwang risk para sa coronary artery bypass graft surgery
- Prostate cancer na may low hanggang intermediate risks
Paano Magiging Miyembro ng PhilHealth ang mga Senior Citizens?
Maaaring i-claim ng mga senior citizens ang mga benepisyo sa PhilHealth para sa senior citizen sa dalawang paraan:
- Sila ay naging mga lifetime members. Sila ay mga taong may trabaho na may edad 60 pataas o mga retiradong indibidwal na nagbayad ng hindi bababa sa 120 buwan ng mga kontribusyon. Dagdag pa dito, ang mga lifetime members ay nakakakuha ng libreng lifetime coverage premium. Ibig sabihin, walang minimum na kailangan sa paagbabayad para ma-claim ang kanilang mga benepisyo.
- Nagiging “automatic” miyembro sila. Sa ilalim ng Expanded Senior Citizen Act o RA 10645, lahat ng senior citizens na may edad 60 pataas ay awtomatikong nagiging miyembro ng PhilHealth kahit hindi sila nagbayad ng buwanang kontribusyon. Tulad ng mga miyembrong panghabambuhay, ang mga hindi nagbabayad na senior citizen ay nakakakuha ng libreng lifetime coverage premium.
Ang Proseso ng Pagpaparehistro
Para magparehistro, ang mga lifetime members ay kailangang:
- Punan ang dalawang kopya ng PMRF o ang PhilHealth Member Registration Form, 2 valid ID, 2 pcs ng 1×1 ID pictures, kasama ang iba pang mga dokumento na nauugnay sa uri ng iyong trabaho (gobyerno, pribado, unipormado) o membership (Survivorship, Disability, etc).
- Isumite ang mga kinakailangan sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO)
- Panghuli, hintayin ang MDR o Member Data Record at PhilHealth ID card.
Ang mga awtomatikong senior citizen members ay kailangang pumunta sa LHIO o sa Office for the Seniors Citizens Affairs (OSCA) kung saan sila nakatira.
- Sa OSCA kailangan lang nilang mag-submit ng 2 kopya ng PMRF.
- Sa LHIO, kailangan nilang maghanda ng 2 kopya ng accomplished PMRF kasama ang senior citizen ID o anumang valid ID, pati na rin ang 1×1 pictures.
- Panghuli, hintayin ang MDR at PhilHealth ID card
Pag-claim ng PhilHealth Benefits para sa Senior
Upang ma-claim ang mga benepisyo ng PhilHealth, ang ilang mga ospital ay mayroong portal ng Health Care Institution (HCI). Doon, maaaring isumite ng mga nakatatanda ang kanilang senior citizen ID, MDR, o anumang ID upang patunayan ang kanilang pagkakakilanlan at edad. Ipi-print ng ospital ang PhilHealth Benefit Eligibility Form (PBEF). Kung “OO” ang sinabi ng PBEF, awtomatikong ipoproseso ng ospital ang mga bawas sa kabuuang singil.
Kung walang portal, o kung ang PBEF ay nagsasabing “HINDI,” kailangan nilang ilakip ang mga sumusunod na dokumento sa kanilang claims documents:
- Accomplished PMRF
- Katibayan ng katayuan bilang isang senior citizen. Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa, kanilang senior citizen ID.
Ngayon, narito ang isang tanong na gustong itanong ng maraming hindi naka-enroll na senior citizen: Paano kung hindi pa ako nakarehistro at pagkatapos ay naospital ako? Maaari ko pa bang i-claim ang aking mga benepisyo sa PhilHealth?
Ang sagot ay OO. Kailangan mo lang isumite ang accomplished PMRF at acceptable proof ng iyong senior citizenship sa PhilHealth Office.
Mga Paalala sa Pag-Claim ng Mga Benepisyo ng PhilHealth
Sa pag-claim ng mga benepisyo ng PhilHealth para sa senior citizen, dapat malaman ng pasyente at ng kanilang pamilya o caretaker ang mga sumusunod:
- Ang iba’t ibang mga sakit ay may iba’t ibang rate ng kaso. Ibig sabihin na may mga sakit na maaaring may napakalaking bawas sa hospital bills at ang ibang mga sakit naman ay maaari lamang magbigay sa iyo ng maliliit na bawas.
- Ang case rate system ay pareho rin sa outpatient services. Halimbawa, ang isang hemodialysis session ay may case rate na Php2,600, habang ang outpatient na pagsasalin ng dugo ay may case rate na Php3,640.
- Taun-taon, ang mga nakatatanda ay mayroon lamang 45 araw na allowance sa pagpapaospital. Sasaklawin nito ang mga bayarin para sa board o silid ng ospital. Hindi sasakupin ng PhilHealth ang mga lampas na araw.
- Maaaring pagsamahin ng mga nakatatanda ang kanilang PhilHealth coverage sa iba pang mga benepisyo. Sa karamihan ng mga kaso, ilalapat muna ng mga pribadong ospital ang VAT exemption at senior citizen discount bago ang mga benepisyo ng PhilHealth para sa senior citizen.
- Ang mga nakatatanda ay kailangang maghanap ng mga akreditadong klinika o ospital. Kung hindi, hindi mo makukuha ang iyong mga benepisyo sa PhilHealth.