backup og meta

Pag-aalaga sa Senior Citizen: Pag-aalaga sa Bahay vs Alternatibo

Pag-aalaga sa Senior Citizen: Pag-aalaga sa Bahay vs Alternatibo

Ang pag-aalaga sa senior citizen ay kasing halaga rin ng pag-aalaga sa bata. Ang ibang mga tao ay naniniwala na ang pagiging senior ay phase na pareho sa pagkabata. Dahil tulad ng mga bata, ang ating mga kamag-anak na senior ay kailangan din ng espesyal na atensyon at pag-aalaga. Kailangan nila ng taong laging nariyan sa kanila upang i-pamper. Ito ang dahilan kung kaya sa pagpili ng home care o alternatibo, mahalaga na pumili maigi. Kung hindi ka sigurado, ang artikulong ito ay makatutulong upang makapili sa pagitan ng pag-aalaga sa senior citizen sa bahay at ang alternatibo.

Kahalagahan ng pag-aalaga sa senior citizen

pag-alaga sa senior citizen

Ang pag-aalaga sa matanda ay napaka sensitibong kaso. Napakahalaga kung aalagaan mo ang mga matatanda nang may buong pagmamahal at respeto. Gayundin, magbigay ng comfort at alagaan ang kanilang kalusugan at well-being.

Minsan magiging cooperative sila, at minsan din ay hindi. Kaya mahalaga na tandaan na ang pag-aalaga sa matanda ay nangangailangan ng pasensiya.

Sa pag-aalaga sa senior citizen na may kondisyon sa kalusugan, siguraduhin na sila ay umiinom ng gamot at nakikipagtulungan sa kanilang treatments.

Basahin upang malaman ang tungkol sa options sa pagpili sa kung paano aalagaan ang senior citizen.

Pag-aalaga sa Senior Citizen sa Bahay vs Alternatibo: Paano pipili

Home care

Pag-aalaga sa bahay ang iyong maibibigay kung ikaw ay naninirahan kasama ng isang matanda.

Gayunpaman, kung pipiliin mo ang ibang paraan ng pag-aalaga sa senior citizen na pareho sa pag-aalaga sa bahay, maaaring ang termino rito ay alternatibo. Ang mga alternatibo na ito ay nagbibigay ng alaga sa miyembro ng senior nang hindi iniiwan sa bahay.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng pag-aalaga na dapat mong malaman:

Palliative at Hospice care

Ang hospice care ay nangangailangan ng specialized na pag-aalaga para sa mga tao na nalalapit na ang dulo ng buhay.

Kabilang dito ang pag-aalaga sa mga taong nakararanas ng kondisyon sa mahabang panahon, tulad ng cancer. Ang mahalaga ay magbigay ng comfort sa seniors. Ang home care ay kombinasyon ng dalawang uri ng pag-aalaga na ito.

Kabilang sa pagbibigay ng comfort, inaalagaan mo rin ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at pinananatili na maganda ang kanilang spirits, Gayundin, inaalala ang kanilang gamutan.

General home care

Kabilang sa general home care ang non-medical na pag-aalaga tulad ng pagtulong sa pang-araw-araw na gawain, paghikayat sa kanila at pagbibigay ng motibasyon sa kanilang diet at gamot. Sa madaling salita, tinutulungan mo silang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa general home care, inaalagaan mo ang isang tao na may buong pagmamahal at pag-aalaga.

Recovery care

Ang recovery care ay nangangailangan ng dagdag na efforts dahil ang senior ay nagpapagaling mula sa surgery, treatment o injury. Mahabang proseso ang pagpapagaling at hanggang sa matapos ito, kailangan mong kasama sila upang matulungan kung ano ang kailangan. Ang recovery care ay panandalian lamang kumpara sa iba dahil kailangan mo lamang alagaan ang isang tao hanggang siya ay gumaling.

Kung ikaw ay nag-aalaga ng isang senior o injured o sumailalim sa surgery, tandaan na ito ay panandalian lamang. Kailangan lamang ng efforts upang mapadali ang paggaling.

Skilled nursing care

Ang skilled nursing care o home health ay kung nag-hire ng isang panandaliang nurse upang magbigay ng nursing home o rehabilitation facility. Kabilang dito ang pagpapalit ng bandages, wound dressings, intravenous treatments, at ibang komplikadong nursing facilities.

Alternatibong pag-aalaga

Ang alternatibong pag-aalaga gaya ng nabanggit kanina ay nagbibigay ng pag-aalaga sa mga senior sa labas ng bahay.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng alternatibong pag-aalaga

Senior living

Ang senior living ay hindi alternatibong pag-aalaga sa pangkalahatan. Sa senior living, ang mga matatanda na hindi na nais ng responsibilidad na mamuhay mag-isa ay pumupunta sa housing community.

Ito ay porma ng institusyon na dinesenyo para sa mga senior. Ang pagkakaayos ng pamumuhay rito ay walang uri ng serbisyo tulad ng home care ngunit mayroong kaunting serbisyo na magpapagaan ng buhay.

Respite care

Ang respite care ay isang emergency o planned temporary na pag-aalaga sa parehong mga matatanda at bata. Tulad ng pag-aalaga sa bahay, sa respite care, ang mga senior ay binigyan ng nursing at assisted living facilities.

Private nursing care

Ang ilang matatandang tao na nasa senior ay maaaring kailangan ng dagdag na tulong na labis pa sa maaaring maibigay ng staff. Sila ay nagnanais ng caregiver o nursing staff na magbibigay ng personal na alaga.

Sa ganitong senaryo, binibigyan sila ng access sa home care agency o pasilidad na nakatutulong na humanap ng pribadong nurse.

Nursing home

Ang mga matanda na may seryosong kondisyon sa kalusugan ay mas kailangan na alagaan sa nursing home. Ang mga ganitong uri ng pasilidad ay tinatawag ding skilled nursing facilities. Sa ibang mga pagkakataon, kilala rin ito bilang rehabilitation facilities o pangmatagalang pasilidad sa pag-aalaga. Nakatutulong ang nursing homes sa mas komplikadong uri ng tulong medikal.

Pag-aalaga sa Senior Citizen sa Bahay vs Alternatibo: Ano ang Pinakamainam?

Ang parehong pamamaraan ay parehong may pakinabang para sa matatanda o sa pag-aalaga sa senior citizen. At ang parehong pamamaraan ay aalagaan ang inyong senior sa pinaka mainam na posibleng paraan. Ito ay depende sa sitwasyon at kahingian.

Minsan, sa ibang medikal na kondisyon, ang pag-aalaga sa bahay ay hindi sapat. Gayundin, ang alternatibo papuntang pag-aalaga sa bahay ay maaaring may pakinabang.

Kung posible, mainam na subukan ang pag-aalaga sa senior citizen sa bahay. Ito ay dahil ikaw lamang ang makapag-aalaga nang maigi sa isang senior at alam mo ang pinaka mainam na paraan.

Ang pag-aalaga sa bahay ay nakapagbibigay ng personalized na pag-aalaga sa mga pasyente na mahalaga sa huli nilang hininga. Ito ay nakatutulong sa kanila na magkaroon ng kasama at comfort habang nasa mabuting mga kamay. Ang mga kamay na ito na nag-aalaga sa kanilang kalusugan habang pinananatili silang masaya.

Key Takeaways

Bagaman ang iba ay nangangailangan ng propesyonal na pag-aalaga sa senior citizen, sa realidad, hindi lahat ay may kakayahan na ganito sa Pilipinas.
Tandaan, walang kahit na anong uri ng pag-aalaga na mas epektibo kaysa sa personal na pag-aalaga. Kung ito man ay pag-aalaga sa bata, maternity na pag-aalaga, o pag-aalaga sa matanda, personalized care o pag-aalaga sa bahay ay iba-iba. Kaya’t siguraduhin na ikaw ay nariyan para sa iyong mahal sa buhay na senior hanggang sa dulo at ibigay ang comfort at buong pagmamahal.

Matuto pa tungkol sa malusog na pagtanda rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Types of Facilities/https://www.urmc.rochester.edu/senior-health/long-term-care/facility-types.aspx/Accessed on 02/05/2020

Types of Care Facilities/http://www.caregiverslibrary.org/Caregivers-Resources/GRP-Care-Facilities/Types-of-Care-Facilities-Article/Accessed on 02/05/2020

Group Homes an Alternative for Seniors Who Can’t Age in Place/https://www.aarp.org/caregiving/basics/info-2020/group-homes.html/Accessed on 02/05/2020

What are my other long-term care choices?/https://www.medicare.gov/what-medicare-covers/what-part-a-covers/what-are-my-other-long-term-care-choices/Accessed on 02/05/2020

Long-Term Care Residential Options/https://www.dshs.wa.gov/altsa/residential-care-services/long-term-care-residential-options/Accessed on 02/05/2020

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Nakatutulong ba ang Masustansyang Pagkain para sa Dementia?

Pagtanda nang Magkasama: Mga Tip Upang Manatili sa Masaya at Magandang Relasyon


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement