backup og meta

Anu-Ano Ang Mga Problema Sa Kalusugan Habang Tumatanda?

Anu-Ano Ang Mga Problema Sa Kalusugan Habang Tumatanda?

Totoo na ang pagtanda ay may kaakibat na mga negatibong epekto sa kalusugan ng katawan. Subalit ang pag-alam sa mga karaniwang problema sa kalusugan habang tumatanda ay lubhang makatutulong sa mga gustong makaiwas sa mga ito at sa mga nakararanas ng mga ito. Alamin sa artikulong ito ang ilan sa mga karaniwang problema sa kalusugan habang tumatanda.

Kawalan Ng Kontrol Sa Pag-Ihi At Pagdumi, At Pagtitibi

Ang kawalan ng kontrol sa pag-ihi at pagdumi, maging ang pagtitibi, ay mga karaniwang problema sa kalusugan habang tumatanda na negatibong nakaaapekto sa araw-araw na pamumuhay. Ang mga kondisyong ito ay maaaring direktang resulta ng paghina sa pagkontrol ng muscle at problemang dietary.

Pagbaba Ng Kakayahang Kognitibo

Ang pagbaba ng kakayahang kognitibo ay isa pa sa mga problema sa kalusugan habang tumatanda. Ang kondisyong tulad ng Alzheimer disease (a.k.a. Alzheimer’s disease) ay tunay na malubha. Ang mga pasyenteng may malubhang pagbaba ng kakayahang kognitibo ay maaaring mangailangan ng tagapag-alaga dahil maaaring mawala ang kanilang kakayahang gawin ang mga mahahalagang araw-araw na gawain.

Problema Sa Pagbabalanse

Alam mo bang ang pagkahulog ay ang nangungunahng sanhi ng injuries sa mga matatanda? Ang pagkahulog ay karaniwang direktang resulta ng problema sa pagbabalanse. Dapat itong tandaan ng mga nag-aalaga ng mga matatanda. Dagdag pa, ang kawalan ng lakas ng muscles at buto na may kaugnayang sa pagtanda ay isa ring sanhi ng problema sa pagbabalanse.

Mga Problema Sa Oral Na Kalusugan

Maraming mga matatanda ang nagkakaroon ng mga problema sa oral na kalusugan tulad ng gingivitis at periodontitis, mga kondisyong nakaaapekto sa gilagid at sa butong nagpapanatili ng ngipin sa pwesto nito. Sa kabilang banda, ang iba ay maaaaring makaranas ng kawalan ng ngipin, na dahilan upang mahirapang kumain.

Mga Problema Sa Buto

Ang mga matatanda ay may mataas na tyansang magkaroon ng mga problema sa buto tulad ng osteoarthritis o osteoporosis. Sa katunayan, sinabi ng National Osteoporosis Foundation na halos 54 milyong mga matatandang Amerikano na nasa edad 50 pataas (at halos lahat ng mga nasa edad 80 pataas) ay may osteoarthritis.

Mga Problema Sa Kalusugan Ng Respiratory

Ang ilan sa mga problema sa kalusugan ng respiratory tulad ng asthma at chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay maaaring lumubha habang tumatanda ang isang tao. Ang mga matatanda ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng mga nakahahawang sakit na nakaaapekto sa respiratory system.

Influenza At Pneumonia

Bagama’t ang influenza (flu o trangkaso) at pneumonia ay hindi lamang nararanasan ng mga matatanda, ang mga mas nakatatanda ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng mga malulubhang kaso ng mga sakit na ito dahil sa paghina ng immune systems. Ang mga matatanda ay may mababang tyansang gumaling mula sa mga malulubhang kaso ng flu at pneumonia.

Panlalabo Ng Mga Mata

Isa sa mga pangunahing problema sa kalusugan habang tumatanda ay ang panlalabo ng mga mata. Sinasabing isa sa tatlong mga tao ang nagkakaroon ng problema sa paningin pagsapit nila ng edad 65. Ang nangungunang sanhi ng panlalabo ng mga mata na may kaugnayan sa pagtanda ay ang macular degeneration at katarata.

Paghina Ng Pandinig

Bukod sa panlalabo ng mga mata, ang mga matatanda ay may mas mataas na tyansang humina ang pandinig. Sa katunayan, ito ay isa sa mga pinakakaraniwang problema sa kalusugan habang tumatanda. Halos 33% ng mga taong nasa edad 65 at 74 ang nakararanas ng ilang uri ng paghina ng pandinig.

Mga Problema Sa Puso

Ang mga kondisyong tulad ng altapresyon at mataas na lebel ng cholesterol ay maaaring humantong sa mga problema sa puso. Ang mga ito rin ay mas mahirap makontrol habang tumatanda ang isang tao. Mahalagang makontrol ang mga kondisyong ito dahil ang sakit sa puso ay ang pinakasanhi ng kamatayan sa mga taong nasa edad 65 pataas.

Pag-Abuso Sa Paggamit Ng Substance

Ito ay maaaring nakagugulat para sa ibang tao dahil ang pag-abuso sa paggamit ng substance ay hindi karaniwan kaugnay sa mga matatanda. Ang totoo ay ang alak at iba pang uri ng pag-abuso sa paggamit ng substance ay karaniwan sa mga matatanda. Sa katunayan, ang bilang ng mga matatandang may problema sa pag-abuso sa substance ay inaasahang umabot ng 5 milyon ngayong taon.

Malnutrisyon

Ang problema sa malnutrisyon sa mga mas nakatatanda ay madalas hindi ito nada-diagnose. Ang malnutrisyon sa mga matatanda ay kadalasang may kaugnayan sa iba pang kondisyon tulad ng pag-abuso sa paggamit ng substance, depresyon, at pagbaba ng kakayahang kognitibo.

Pisikal Na Injury

Alam mo bang sa kada 15 segundo, isang matanda ang isinusugod sa ospital dahil sa injury? Ang mga matatanda ay may lubhang mataas na tyansang makaranas ng pisikal na injury dahil sa humihina ang kanilang pagpapabalanse, umiikli ang kanilang mga buto, at humihina ang kanilang muscles.

Mga Problema sa Kalusugang Pangkaisipan

Ayon sa World Health Organization, 15% ng mga matatandang nasa edad 60 pataas ay nagkakaroon ng problema sa kalusugang pangkaisipan, pinakakaraniwan ay ang depresyon. Ang lubhang nakapag-aalala ay ang mga problema sa kalusugang pangkaisipan ay madalas hindi nada-diagnose.

Ang mga ito ay ilan sa mga problema sa kalusugan habang tumatanda na dapat mong malaman.

Key Takeaways

Maraming mga problema sa kalusugan habang tumatanda. Kabilang dito ang mga problema sa kalusugang pangkaisipan, problema sa respiratory, paghina ng kalusugan ng buto, at problema sa cardiovascular. Ang pag-alam sa mga problema sa kalusugan habang tumatanda ay makatutulong upang maiwasan o makontrol ang mga kondisyong ito.

Matuto pa tungkol sa Mga Sakit sa Pagtanda dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Is Alzheimer’s Disease? https://www.nia.nih.gov/health/what-alzheimers-disease#:~:text=Alzheimer’s%20disease%20is%20an%20irreversible,appear%20in%20their%20mid%2D60s, Accessed December 1, 2020

Common Causes of Vision Loss in Elderly Patients, https://www.aafp.org/afp/1999/0701/p99.html#:~:text=Vision%20loss%20among%20the%20elderly,glaucoma%2C%20cataract%20and%20diabetic%20retinopathy, Accessed December 1, 2020

Substance Abuse, https://www.healthypeople.gov/2020/topics-objectives/topic/substance-abuse, Accessed December 1, 2020

Malnutrition, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/malnutrition#:~:text=Malnutrition%20refers%20to%20deficiencies%2C%20excesses,low%20weight%2Dfor%2Dage)%3B, Accessed December 1, 2020

Types of mental health issues and illnesses, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ServicesAndSupport/types-of-mental-health-issues-and-illnesses, Accessed December 1, 2020

Kasalukuyang Version

10/17/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Vincent Sales

Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement