backup og meta

Karaniwang Allergy Sa Pilipinas: Anu-ano Ang Mga Ito?

Karaniwang Allergy Sa Pilipinas: Anu-ano Ang Mga Ito?

Maraming karaniwang allergy ang pwedeng maranasan ng tao. Dahil tinitingnan ng immune system ang partikular na pagkain o protina bilang mapinsala. Nagaganap ito, ngunit hindi sa lahat ng tao. Madali din ito matukoy lalo na kung alam mo kung ano ang hahanapin. Narito ang mga tipikal na allergy sa pagkain at kung ano ang pwede mong gawin para maiwasan ang mga allergic reactions.

Ano ang Nangyayari Sa Panahon ng Allergic Reaction?

Kapag nagkaroon ng allergic reaction, maari itong humantong sa severe condition tulad ng anaphylaxis, o paghigpit ng airways, at nagpapahirap sa paghinga. Kapag nangyari ito, maaaring kailanganin ang epinephrine para agad na maibsan ang pamamaga ng trachea.

Ang pamamahala sa karamihan ng food allergies ay kinabibilangan ng pagpapatingin sa isang doktor at kung ang mga sintomas ay maobserbahan pagkatapos kainin ang partikular na allergen, o isang bagay na naglalaman ng allergen, pinakamainam na humingi kaagad ng tulong habang ang reaksyon ay nakikita pa rin upang makatulong sa diagnosis.

Para sa egg allergies, mahalagang humingi ng tulong gaano man kalubha ang mga sintomas dahil pwedeng mag-iba-iba ang mga sintomas time-to-time para sa parehong tao. Maaaring kabilang sa paggamot dito ang paggamit ng mga antihistamine o epinephrine.

Maiiwasan ba ang Allergy?

Ang allergies sa pangkalahatan ay hindi talaga mapipigilan. Gayunpaman, posible para sa’yo na sukatin ang panganib — sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga risk factors. Mapapansin sa mga kabataan, o sa mga may eksema — at may family history ng food allergy, hika, hay fever, o pantal na mas nanganganib silang magkaroon ng allergy.

Mga karaniwang allergy sa pagkain

Itlog

Bina-flag ng immune system ang ilang mga protina ng itlog bilang “mapinsala” at nagiging dahilan ito ng immune system na maglabas ng histamines dahil sa antibodies na kinikilala ang mga protina mula sa mga pula ng itlog o puti bilang mga banta.

Ang diagnosis ay madalas na ginagawa para sa mga bata at kahit sa breastfed babies. Maaari silang mag-react sa mga protina ng itlog na naroroon sa gatas ng ina at sa kabutihang-palad, karamihan sa kanila ay nag-outgrow bilang mga teenagers.

Narito ang mga sintomas para sa egg allergies:

  • Pamamaga ng balat
  • Bumby at red rashes na kilala bilang pantal
  • Karaniwang sinasamahan ng allergic rhinitis na nailalarawan sa pagbahing, pagsisikip ng ilong, at runny nose
  • Mga sintomas ng asthma tulad ng igsi ng paghinga
  • Karaniwang digestive symptoms tulad ng cramps, pagduduwal, at pagsusuka.
  • Ang ilang mga sintomas na partikular sa egg allergies ay pamamaga sa paligid ng bibig at pagtatae.

Gatas

Ang gatas ay isa pang karaniwang allergen. Gayunpaman, ang allergy sa gatas ay ganap na naiiba mula sa milk o lactose intolerance. Kung saan, sinasabi na ang milk allergy ay isang reaksyon na dulot ng immune system na tumutugon sa mga protina ng gatas. Habang ang intolerance ay nagsasangkot lamang sa digestive system — at kawalan nito ng kakayahan na iproseso ang anumang bagay na may lactose.

Ang mga protina ng gatas na nagpapalitaw ng immunoglobulin E sa sitwasyon ng isang milk allergy ay “casein” o “whey”. Ito ang mga sanhi ng pag-release ng immune system ng histamine bilang tugon sa immunoglobulin E sa pag-neutralize ng allergen.

Makikita ang incidence rate na higit sa 7% ng lahat ng babies ay pwedeng magkaroon ng milk allergy. Ngunit 8 sa 10 kaso ay na-a-outgrown later sa kanilang pag-unlad at kung ang iyong baby ay nagpapakita ng alinman sa mga karaniwang sintomas ng allergy. Siguraduhing kumunsulta sa’yong doktor bago ganap na tanggalin ang gatas mula sa diyeta.

Mga karaniwang sintomas na kasama ng milk allergies:

  • Mga pantal at hives
  • Pangangati
  • Pangingilig sa mukha
  • Pamamaga ng dila o lalamunan
  • Pagtatae
  • Pagsusuka
  • Mga pangmatagalang sintomas gaya ng maluwag na dumi at pagtatae, pananakit ng tiyan, matubig na mata, at colic para sa babies.

Para pamahalaan ang milk allergy, siguraduhing kumunsulta sa doktor nang malaman ang karamihan sa mga protina ng gatas ay naroroon sa dairy products.

Kung tumitingin ka sa ingredient list, o nag-iisip kung ano ang pwedeng mag-trigger ng allergies. Mag-ingat sa whey, casein, at anumang bagay na nagsisimula sa lact-, candies, protina powder, artificial flavoring ng mantikilya o keso, at hydrolysates. Bukod pa rito, tandaan din na ang labels na nagsasabi na ang isang bagay ay milk-free o non-dairy ay hindi nangangahulugang na ganap silang walang whey at casein.

Karaniwang allergy: Mga mani

Ang peanut allergies ay isa sa higit na nakababahala at karaniwang allergy sa pagkain — lalo sa mga matatanda. Kung saan, sanhi ito ng mga protina ng mani na itinuturing na mga banta ng iyong immune system. Ang mga ito ay maaaring ma-trigger ng mga sumusunod:

  • Direktang kontak, tulad ng pagkain ng mani o isang bagay na naglalaman ng mani.
  • Cross-contact, na hindi sinasadyang exposure sa mga allergen sa pamamagitan ng pagkonsumo ng pagkain na nalantad sa mani. Maging ang paglanghap nito sa pamamagitan ng alikabok o aerosol na may mga bakas ng mani.

80% ng mga bata na may mga allergy sa mani ay nadadala ang kondisyong ito hanggang sa pagtanda. Karaniwang nagiging sanhi ito ng anaphylaxis na mangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Ang mga mild na kaso ay maaaring may kasamang:

  • Running nose
  • Kinakapos na paghinga
  • Mga pantal
  • Pamamaga sa loob o paligid ng bibig at lalamunan

Ang pamamahala sa peanut allergy ay kinabibilangan ng pag-alam kung kailangan mong magdala ng isang portable dose ng adrenaline para maging anti-allergy na gamot upang maging handa para malabanan ang anaphylactic shock. Mahalaga ring tandaan na maraming tao ang pwedeng allergic sa mani lamang at hindi sa lahat ng variant ng nuts, pero laging mas ligtas na iwasan na lamang ito nang buo 

Seafood

Sinasabi na ang seafood ay isang pangkaraniwang allergen. Sa katunayan, sa kabila ng pagiging isang archipelagic na bansa, 81% ng mga Pilipino ay allergic sa seafood. Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi lahat ng allergic sa seafood ay may parehong allergy sa partikular na seafood. Halimbawa: ang ilan ay pwedeng kumain ng alimango, subalit hindi pwedeng kumain ng hipon ang iba — at vice versa.

Ang mga sintomas ay maaaring mula sa mild hanggang severte na sumasaklaw sa buong hanay ng mga sintomas:

  • Hives
  • Anaphylaxis
  • Pamamaga o tingling ng labi, bibig, o lalamunan
  • Mga karaniwang digestive symptoms tulad ng cramping at pagtatae

Para makatulong na pamahalaan ang allergy sa seafood mahalagang panatilihin ang isang record ng mga nagtri-trigger at sintomas. Ang mga protina na matatagpuan sa ilang uri ng pagkaing-dagat ay pwede ring naroroon sa iba pang mga uri. Kung saan, maaaring mag-trigger ng mga allergy mula sa isang uri patungo sa isa pa. Depende sa kung ano ang sasabihin sa’yo ng iyong doktor, maaari mong maiwasan ang ilang mga uri at kainin ang iba.

Ang diagnosis ay kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng skin prick test o pagsusuri ng dugo. Pwede ka ring sumailalim sa isang elimination diet at food challenge kung saan nagsasangkot dito ang pagputol ng pagkain ng seafood nang buo, at pagsubok ng ilang pagkaing-dagat sa ilalim ng supervision ng mga doktor.

Soy

Ang soy allergies ay halos kapareho sa milk allergies at isa ito sa mga pinakakaraniwan at tipikal na allergy sa pagkain ng mga matatanda. At tulad ng karamihan sa allergies, ito’y sanhi ng negatibong reaksyon ng katawan sa soy proteins. Sinasabi rin na ang soy allergies ay karaniwan at maaaring masuri mula sa pagkabata na may reactions sa soy-based formula — at maaaring madala hanggang sa pagtanda. Ang mga sintomas ay kadalasang mild, at katulad lang din ng karamihang iba pang allergens. Dagdag pa rito, pwede kang kumunsulta sa iyong doktor sa kung ano ang mga dapat mong iwasan na produkto, at ang pamamahala nito ay madali dahil sa komon ang allergen na ito. 

Key Takeaways

Kapaki-pakinabang na malaman ang mga karaniwang allergy sa pagkain para mas mahusay nila itong makilala, masuri at i-manage ang mga kondisyong ito. Hangga’t nakikilala mo ang iyong mga allergens at nakikipagtulungan sa’yong doktor sa paglutas ng iyong mga isyu, ang allergies ay magiging manageable, at madaling ma-diagnose.

Matuto pa tungkol sa Allergy dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Allergies, https://www.nhs.uk/conditions/allergies/, Accessed July 21, 2020

Food Allergy, https://www.nhs.uk/conditions/food-allergy/ , Accessed July 21, 2020

Soya Bean Allergy, https://allergynorthwest.nhs.uk/resources/allergy-leaflets/soya-bean-allergy/, Accessed July 21, 2020

Cows Milk Allergy, https://www.thh.nhs.uk/documents/_Patients/PatientLeaflets/paediatrics/allergies/PI008-Cows_milk_allergy_A4-May_13.pdf , Accessed July 21, 2020

Food Allergy, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/nutritional/food-allergy, Accessed July 21, 2020

 

Kasalukuyang Version

07/13/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Food Allergy Introduction? Alamin Paano Maiiwasan Ito

Paano Nagkakaroon ng Allergy sa Gatas?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement