backup og meta

Alamin: Ano Ang Pinagkaiba Ng Vertigo At Motion Sickness?

Maraming tao ang patuloy na nalilito sa pagkakaiba ng vertigo at motion sickness dahil sa ilang mga sintomas nila na magkakatulad. Napakahalaga na malaman ang pagkakaiba ng dalawang ito upang mas maging maliwanag sa atin kung paano natin iiwasan ang pagkakaroon ng vertigo at motion sickness. Ang mga sakit na ito ay pwede nating maranasan sa kahit saang lugar, sitwasyon, at panahon, kaya ipinapayo sa atin na magkaroon ng kamalayan tungkol sa dalawang kondisyon na ito.

Alamin: Ano Ang Pinagkaiba Ng Vertigo At Motion Sickness?

Pero bago natin alamin ang pagkakaiba ng vertigo at motion sickness, tukuyin muna natin ang mga bagay na pwedeng maranasan sa pagkakaroon ng mga kondisyong ito.

Ano Ang Vertigo?

Kapag ang isang tao ay nahihilo na tila gumagalaw o umiikot ang kanyang buong paligid, maaaring nakararanas siya ng vertigo. Sa kondisyong ito, pwede ka ring mawalan ng balanse sa’yong sarili.

Marami ang pwedeng maging sanhi ng vertigo, dahil ito ay posibleng sintomas ng iba’t ibang medikal na kondisyon. Dagdag pa rito, ang isa sa kadalasang rason kung bakit nagkaka-vertigo ang isang tao ay dahil sa pagkakaroon niya ng problema sa kanyang inner ear.

Ano Ang 2 Uri Ng Vertigo?

  • Peripheral vertigo Ito ang pagkahilo at pagkawala ng balanse dahil sa problema sa inner ear.
  • Central vertigo – Nagaganap ito kapag mayroong isyu sa ating utak gaya ng impeksyon, tumor, stroke, at traumatic brain injury.

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Dahilan Ng Vertigo?

  • Acoustic neuroma
  • Head injuries
  • Ear surgery
  • Benign paroxysmal positional vertigo (BPPV)
  • Labyrinthitis
  • Syphilis
  • Cholesteatoma
  • Meniere’s disease
  • Migraine
  • Vestibular neuritis
  • Mababang presyon ng dugo
  • Diabetes
  • Sakit sa utak

Anu-Ano Ang Karaniwang Sintomas Ng Vertigo?

  • Pagsakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Kawalan ng balanse
  • Pagkakaroon ng parang tumutunog sa loob ng iyong tenga
  • Pagkakaroon ng pakiramdam na para bang puno ang iyong tenga

Motion Sickness

Ang pagkakaroon ng vertigo at motion sickness ay maituturing na parehong balance disorder, kung saan maaari mong maramdaman na wala ka sa iyong balanse. Dagdag pa rito, kadalasan na nararamdaman ang motion sickness sa loob ng umaandar ng mga sasakyan gaya ng bus, kotse, barko, eroplano, at iba pa.

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Dahilan Ng Motion Sickness?

  • Pagsakay sa mga nakakalulang rides gaya ng ferris wheel
  • Pagsakay sa mga sasakyan
  • Sobrang paglalaro ng video games
  • Labis na panonood ng TV
  • Pagbabasa ng libro habang gumagalaw o nasa motion
  • Pagkakaroon ng family history ng motion sickness
  • Paggamit ng hormonal birth control
  • Pagkakaroon ng menstruation period
  • Migraine
  • Parkinson’s disease
  • Pagbubuntis

Anu-Ano Ang Karaniwang Sintomas Ng Vertigo?

  • Pagkakaroon ng malamig na pawis
  • Pagkapagod
  • Pagkahilo
  • Pagsakit ng ulo
  • Pagiging iritable
  • Kawalan ng kakayahan na magpokus
  • Pagtaas ng laway
  • Pagsusuka
  • Pagduduwal
  • Maputlang mukha o balat
  • Mabilis na paghinga o paglunok para sa hangin

Pagkakaiba Ng Vertigo At Motion Sickness

Bagamat parehong sangkot ang pagkahilo sa dalawang kondisyon na ito, mayroon pa rin silang pagkakaiba na dapat mong malaman.

Ang vertigo ay ang pagkahilo o pakiramdam na para bang umiikot ang iyong buong paligid na pwedeng may kasamang sobrang pagpapawis, pagsusuka, at pagkakaroon ng abnormal na paggalaw ng iyong mga mata. At ang motion sickness naman ay ang pagkahilo dulot ng pagsakay sa mga sasakyan at pagkakaroon ng pakiramdam na para bang wala ka sa iyong balanse.

Key Takeaways

Ang pag-alam sa pagkakaiba ng motion sickness at vertigo ay makakatulong sa’yo upang maiwasan ang mga bagay na pwedeng magdulot ng pagkahilo. Huwag mo ring kakalimutan na sa oras na napapadalas na ang iyong pagkahilo ay magpakonsulta na agad sa doktor para mabigyan ka ng angkop na medikal na atensyon, na nakaayon sa iyong kasalukuyang kondisyon at pangangailangan. Hindi ka rin dapat maging padalos-dalos sa’yong paggamot na isasagawa sa sarili lalo na kung ikaw ay nahihilo, mas maganda kung magiging sigurado ka muna sa ugat ng iyong pagkahilo para sa pagkakaroon ng wastong treatment. At para makuha ito, mahalaga na makipag-usap o kumonsulta ka sa iyong doktor para maiwasan ang maling paggamot at medikal na komplikasyon.

Matuto pa tungkol sa Ear Conditions dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Motion sickness, https://www.babycenter.com/health/medicine-and-first-aid/motion-sickness_1744740, Accessed Augut 22, 2022

Why Children Get Carsick—-And What to Do, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=1&contentid=973, Accessed August 22, 2022

What causes car sickness in children and how can I prevent it? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/expert-answers/car-sickness-in-children/faq-20057876, Accessed August 22, 2022

Vertigo, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/vertigo#:~:text=Vertigo%20is%20a%20symptom%2C%20rather,balance%20and%20do%20everyday%20tasks, Accessed August 22, 2022

Vertigo, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21769-vertigo, Accessed August 22, 2022

Vertigo: Causes and Treatments, https://www.naturesbest.co.uk/pharmacy/pharmacy-health-library/vertigo-causes-and-treatments/, Accessed August 22, 2022

Doctor-Approved Home Remedies For Vertigo, https://pharmeasy.in/blog/home-remedies-for-vertigo/, Accessed August 22, 2022

Dizziness Isn’t All In Your Head: A Doctor Explains Vertigo and Ways To Treat It,

https://www.mindbodygreen.com/articles/dizziness-isnt-all-in-your-head-a-doctor-explains-vertigo-ways-to-treat-it, Accessed August 22, 2022

Benign paroxysmal positional vertigo (BPPV), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vertigo/symptoms-causes/syc-20370055, Accessed August 22, 2022

Vertigo, https://www.nhs.uk/conditions/vertigo/, Accessed August 22, 2022

Motion Sickness, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/12782-motion-sickness#:~:text=Motion%20sickness%20occurs%20when%20your,or%20airsick%20is%20motion%20sickness, Accessed August 22, 2022

Motion Sickness, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-motion-sickness/basics/art-20056697, Accessed August 22, 2022

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagkain Para sa Nagsusuka, Ano ba ang Pinakamainam?

Halamang Gamot Sa Vertigo, Anu-Ano Nga Ba Ito? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas