Sa pag-unlad ng teknolohiya, may magagamit na ngayon na hearing aids na may iba’t ibang opsyon para sa mga may problema sa pandinig. Ang kalidad ng mga device na ito ay lubos na napabuti at naging accessible sa mas maraming tao. Alamin dito ang tungkol sa mga uri ng hearing aid at kung paano gumagana ang bawat isa.
Mga Uri ng Hearing Aid at Paano Sila Gumagana
Ang mga hearing aid ay battery-operated na mga device na ginagamit ng mga taong dumaranas ng sensorineural hearing loss. Ang ganitong uri ng pagkawala ng pandinig ay nangyayari kapag ang iyong hearing nerves ay hindi gumagana ayon sa nararapat. Maaaring mangyari ang ganitong hearing loss dahil sa mga sumusunod:
- Old age
- Injury
- Mga sakit
- Mga epekto ng ilang gamot
- Problema sa panganganak
- Mga impeksyon
Ang mga hearing aid ay mga device na nagpapahusay ng komunikasyon sa pagitan ng mga taong may problema sa pandinig at iba pa. Binubuo ito ng 3 pangunahing bahagi: mikropono, amplifier, at speaker.
Dumadaan sa mikropono ng hearing aid ang tunog at nako-convert sa electric signals. Tinatanggap ito ng amplifier at pinapalakas. Pagkatapos, ipapadala ng mga speaker ang amplified sound o pinalakas na tunog sa tainga.
Mga Uri ng Hearing Aid
Mayroong iba’t ibang uri ng hearing aid na maaaring tumulong sa mga pasyenteng may problema sa pandinig gaya ng:
Completely in the Canal (CIC)
Ang CIC hearing aids ang pinaka hindi nakikita sa lahat ng mga uri. Dahil ito ay nasa loob ng ear canal. Bukod pa rito, ito ay custom-fit sa mga contour ng iyong tainga. Dahil sa maliit na sukat nito, mas maikli ang buhay ng baterya nito at walang karagdagang feature tulad ng volume control. Mas mainam ito sa may mild to moderate na hearing loss. Ito ay medyo high-maintenance device dahil madaling masira dahil sa pagbara ng ear wax.
In the Canal (ITC)
Ang ITC hearing aids ay custom-made o pasadya sa hugis ng ear canal at ear shape ng tao. Ito ay bahagyang nasa loob ng ear canal at mas nakikita kumpara sa uri ng hearing aid na CIC. Nililimitahan ng laki nito ang lakas at volume ng hearing aid. Maaari rin itong gamitin para sa mild to moderate na hearing loss. Katulad ng CIC hearing aid, madali rin itong masira dahil sa pagbara ng ear wax.
In the Ear (ITE)
Mas malaki ang ITE hearing aids kumpara sa mga uri ng hearing aid na ICT at CIC. Ang mga ito ay hindi custom-made at may iba’t ibang karaniwang laki at kulay. Kapag ginagamit, secured na inilalagay ito sa loob ng outer ear. Ang buong tainga ay ganap na natatakpan ng ganitong uri ng aparato. Tulad ng mga naunang uri, maaaring gamitin ito ng mga pasyenteng may mild to moderate na hearing loss. May kasama itong telecoil kaya mas madaling makarinig ng mga tunog habang may tawag sa telepono.
Behind the Ear (BTE)
Ang BTE hearing aid ay ang pinaka visible at pinakamatibay. At mayroon din itong mas mahabang battery life, kumpara sa lahat ng uri ng hearing aid. Bukod pa rito, ito ay pwede sa lahat ng level ng hearing loss. Ang earmold ang bahaging ginagamit upang ikabit ang aparato sa outer ear. Kinokolekta nito ang tunog at ipinapadala ito sa tainga sa pamamagitan ng tubing.
Receiver in the Ear (RITE) / Receiver in Canal (RIC)
Ang mga uri ng hearing aid na RIC at RITE ay magkatulad na mga device. At tulad ng pangalan nito, may magkaibang lokasyon kung saan nakakabit ang receiver. Ang mga ito ay katulad ng BTE na ang aparato ay nakalagay sa outer ear.
Kung ikukumpara sa BTE at Open Fit hearing aid, ang RIC at RITE ay nagpapadala ng mga tunog sa tainga gamit ang wire sa halip na tubing. Angkop ang device na ito sa mga pasyenteng may high-frequency hearing loss. Kabilang dito ang mga multi-directional earphones na sinasala ang tunog na natatanggap ng user.
Open Fit
Open fit o ang mini BTE, o On the Ear hearing aid. Katulad ito ng BTE hearing aid kung saan may bahagi ng device na nakapatong sa outer ear. Ang pagkakaiba ay mayroon itong mas makitid na tubo na nag-iiwan sa kanal ng tainga na bukas. Mainam ang uri ng hearing aid na ito sa mga taong may mild to severe hearing loss.
Mga Uri ng Hearing Aid: Alin ang Pipiliin?
Lahat ng uri ng hearing aid ay kapaki-pakinabang sa mga taong may pagkawala ng pandinig. Ang pagpili ng pinakamahusay na hearing aid ay depende sa kondisyong medikal ng tao, pang-araw-araw na gawain, at mga personal na kagustuhan.
Lifestyle at paggamit
Mahalaga rin na isaalang-alang ang gagamit ng device bago ito piliin at bilhin. Pinakamainam na gumamit ng mga hearing aid na adjustable kung ang gagamit ay bata, para maging angkop sa paglaki ng gagamit. Sa ganitong paraan, maaari itong tumagal at magamit nang mahabang panahon. Para sa mga matatanda, dahil ang ilan ay maaaring may challenges sa maintenance ng device, pumili ng mas madaling linisin at gamitin.
Design
Importante rin ang design ng hearing aid. Kung ang tao ay may problema sa inner ear iwasan ang mga hearing aid na akmang ipinapasok sa kanal ng tainga. Para sa mga taong gusto ng additional functions, mas mabuting pumili ng mas malalaking hearing aid gaya ng BTE o ITE hearing aid. Kaya ng size na i-accommodate ang dagdag na functionality at battery life.
Sariling kagustuhan
Sa mga tuntunin ng personal na kagustuhan, may mga taong medyo ayaw na nakikita ang kanilang hearing aid. Ang CIC at ITC hearing aid ay may mas maliit na sukat kumpara sa iba pang mga device. Mas gusto ng ilan na huwag isaksak ang kanilang mga hearing aid sa kanilang ear canals. Ito ang kayang gawin ng Open Fit hearing aid.
Key Takeaways
Ang mga hearing aid ay mga kagamitang medikal na nagpapahusay ng komunikasyon para sa mga pasyenteng may problema sa pandinig. Huwag kalimutang kumunsulta sa iyong doktor kapag pumipili ng tamang aparato. Ito ay dahil ang pag-alam sa mga angkop na uri ng hearing aid para sa iyo ay nagpapaganda ng karanasan sa paggamit nito.
Alamin pa ang tungkol sa Mga Kondisyon ng Tainga dito.
[embed-health-tool-bmi]