backup og meta

Ano ang Candling? Epektibo ba ang Ear Candling?

Ano ang Candling? Epektibo ba ang Ear Candling?

ano ang candling

Ang katawan ng tao ay may natural na secretions na ang layunin ay protektahan laban sa external o foreign bodies. Ang foreign bodies na ito tulad ng bacteria, viruses, at maging dumi ay maaaring mag-compromise sa iyong kalusugan. Kung pag-uusapan ang tenga, ang produkto ay earwax. Bagaman ang cotton buds ay ang pinaka karaniwang ginagamit upang tanggalin ito, mayroon ding bagong pamamaraan sa pagkuha nito. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng earwax candle. Ngunit ano ang candling, epektibo ba ito at ligtas?

Ano ang Earwax?

Kilala rin sa tawag na cerumen, ang earwax ay napo-produce ng katawan upang protektahan ang mga tenga. Ito rin ay nagsisilbing lubricant at nagtataglay ng antibacterial na kakayahan. Sa karamihan ng mga kaso, hindi ito nagiging sanhi ng harang, hindi dapat ito ginagalaw dahil natural itong natatanggal palabas sa ear canal.

Gayunpaman, maaaring mangyari ang earwax impaction, na nagpapakita ng mga sintomas na: kabawasan na pandinig, pakiramdam na may laman ang tenga, tinnitus (tunog sa tenga) at pagbabago sa function ng hearing aid sa mga taong nagsusuot nito. Kung nangyari ito, mahalaga na humingi ng medikal na tulong.

Ano ang Earwax Candle?

Ito ay kagamitan upang mag-produce na tinatawag na ear candling, na gumagamit ng lit, hollow, cone-shaped na kandila na inilalagay sa ear canal. Ito ay mina-market ng mga producers nito bilang lunas sa kondisyon tulad ng pagdami ng tutuli, sinus infection, sakit sa ulo, sakit sa lalamunan, flu o sipon, at maging ang pagkawala ng pandinig.

Paano ito gumagana? Ang earwax candle ay inilalagay sa labas na tenga habang ang pasyente ay nakahiga sa isang side o nakatayo. Ang kandila ay ipapasok sa butas sa gitna ng plate, na pumoprotekta sa mga pasyente mula sa mainit na wax o ash na nahuhulog mula sa kandila. Ito ay gumagana kung ang init mula sa kandila ay gumagawa ng suction na humahatak palabas sa tutuli at ibang debris mula sa tenga.

Nakapagtatanggal ba Talaga Ito ng Tutuli?

Ipinakita ng pag-aaral na ang paggamit ng earwax candle ay hindi tunay na epektibo sa pagtanggal ng pagdami ng tutuli. Kabaliktaran ang ginagawa nito at nagiging sanhi ng injury sa iyong tenga. Maaaring matulak ang earwax nang mas malalim sa ear canal, na nagreresulta sa candle wax na deposits sa ear canal, maging ang posibleng sunog sa mukha, buhok, anit, ear canal, eardrum, at middle ear. Maaari din itong magpabutas sa eardrum.

Ito ang dahilan bakit ang paggamit ng earwax ay hindi inirerekomenda para sa mga sanggol at bata sa kahit na anong edad. Ang ear candling ay naglalagay sa mga bata sa banta ng injury at komplikasyon.

Ano ang Dapat Kong Gawin Upang Ligtas na Matanggal ang Tutuli?

Maraming mga pamamaraan upang tanggalin ang tutuli kabilang ang:

  • Paglinis sa labas na bahagi ng tenga sa pamamagitan ng cloth
  • Paggamit ng ear wax-dissolving (cerumenolytic) solutions tulad ng mineral o baby oil, glycerin, peroxide-based ear drops, hydrogen peroxide, at saline solution
  • Irrigation (na may solution) at syringing ng tenga
  • Pagtanggal ng tutuli ng isang healthcare professional sa pamamagitan ng espesyal na gamit.

Tandaan na mahalaga na huwag masobrahan sa paglilinis dahil maaari itong maging sanhi ng impeksyon sa tenga. Sa paglilinis, siguraduhin na huwag magpasok ng matulis na bagay sa tenga na maaaring maging sanhi ng injury o pinsala.

Mahalagang Tandaan

Ang earwax, o cerumen ay natural na substance na napo-produce upang protektahan ang tenga. Bagaman ang earwax ay natural na natutulak palabas sa paglaki ng skin cells ng ear canal, maaaring mangyari ang impaction.

Mula rito, ang ear candling ay hindi inirerekomenda upang tanggalin ang tutuli. Ito ay sa kadahilanan na maaari itong mas maging sanhi ng pinsala kaysa makabuti. Hindi pa ito napapatunayang epektibo, kahit na mina-market bilang lunas para sa kondisyon tulad ng sinus infections, sakit ng ulo, at sakit ng lalamunan. Sa halip, ipinapayo na tanggalin ang tutuli ng cloth, cerumenolytic solutions, o sa pamamagitan ng tulong ng healthcare professional.

Matuto pa tungkol sa Kondisyon ng Tenga rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is ear candling a safe way to remove earwax?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/consumer-health/expert-answers/ear-candling/faq-20058212 Accessed March 21, 2021

Do’s and Don’ts of Earwax (Cerumen), https://www.entnet.org/sites/default/files/uploads/PracticeManagement/Resources/_files/cerumen_dos-donts.pdf Accessed March 21, 2021

Don’t Get Burned: Stay Away From Ear Candles, https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/dont-get-burned-stay-away-ear-candlesAccessed March 21, 2021

Earwax Buildup & Blockage, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14428-ear-wax-buildup–blockage Accessed March 21, 2021

Kasalukuyang Version

06/13/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Labyrinthitis

Mga Uri ng Hearing Aids: Ano ang mga pagkakaiba at Paano Sila Nakakatulong?


Narebyung medikal ni

Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

Ear Nose and Throat · HMICare Clinic & Diagnostic Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement