backup og meta

Saan Ginagamit Ang Saridon? Ligtas Ba Itong Inumin Araw-Araw?

Saan Ginagamit Ang Saridon? Ligtas Ba Itong Inumin Araw-Araw?

Ang Saridon Triple Action ay ang brand name ng isang produkto na naglalaman ng caffeine, paracetamol, at propyphenazone. Ang paracetamol at propyphenazone ay mga pain reliever at fever reducer habang ang caffeine ay isang stimulant. Ang pagdaragdag ng caffeine ay ipinakita upang mapabilis at mapalakas ang pain relieving effect ng analgesics.

Mga gamit

Saan ginagamit ang Saridon?

Pinapaginhawa ng Saridon ang mild hanggang matinding sakit na dulot ng:

  • Sakit ng ulo
  • Sakit ng ngipin at masakit o sensitibong gilagid
  • Menstrual cramps at premenstrual syndrome
  • Surgical procedures
  • Sipon at trangkaso

Paano ko dapat inumin ang Saridon?

Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng pag-expire.

Para sa mga oral dosage form, lunukin ito nang buo nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw sa likido.

Paano ako mag-iimbak ng Saridon?

Itago ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi mo ito dapat ilagay o itabi sa banyo o sa freezer.

Maaaring may iba’t ibang tatak ng gamot na ito na may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Kaya, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga hakbang sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang produktong ito.

Mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Saridon?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang nireseta, OTC, at mga herbal remedies
  • Allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito
  • Anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal

Ligtas bang gamitin ito sa panahon ng pagbubuntis o habang pagpapasuso?

Ang produktong ito ay hindi inirerekomenda sa panahon ng pagbubuntis o habang nagpapasuso, lalo na sa unang trimester at huling 6 na linggo ng pagbubuntis. Palaging kumonsulta sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.

Mga side effect

Anong mga side effect ang maaaring idulot ng Saridon?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito. Kung nangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at mawawala kapag natapos na ang paggamot o binabaan ang dose. Ang ilang naiulat na mga side effect ay kinabibilangan ng:

  • Allergy reaction
  • Hirap sa pagtulog
  • Pagduduwal
  • Antok
  • Kombulsyon
  • Pangangati (pruritus)
  • Paglala ng hika
  • Thrombocytopenia
  • Pinsala sa bato
  • Pinsala sa atay

Hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Maaaring may ilang mga side effect na hindi nakalista sa itaas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang mga interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Saridon?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist. 

Mga gamot na napag-alamang may interaction:

  • Mga antihistamine
  • Sedative-hypnotics
  • Mga gamot na antiepileptic
  • Rifampicin
  • Propantheline
  • Metoclopramide
  • Chloramphenicol
  • Zidovudine
  • Barbiturates
  • Benzodiazepines
  • Mga oral contraceptive
  • Cimetidine
  • Disulfiram
  • Theophylline
  • Ephedrine
  • Nikotina
  • Mga may halong alcohol

Kung nakakaranas ka ng masamang interactions sa gamot, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang iyong treatment plan. Kasama sa mga paraan ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.

May interactions ba ang pagkain at alak sa Saridon?

Maaaring mag-interact ang Saridon sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Iwasan ang pag-inom ng alak o mga inuming may caffeine (hal. kape, tsaa) habang umiinom ng gamot na ito. Pag-usapan ninyo ng iyong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na interactions sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Saridon?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom.Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan.

Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dosage para sa isang adult?

Uminom ng 1 hanggang 2 tablet 1 hanggang 3 beses bawat araw. Huwag itong inumin nang mas mahaba kaysa sa 7 araw o higit sa 6 na tablet sa isang araw.

Ano ang dosage para sa isang bata?

Ang mga batang 12 hanggang 16 taong gulang ay maaaring bigyan ng 1 tablet 1 hanggang 3 beses bawat araw. Huwag ibigay ito nang mas mahaba kaysa sa 7 araw o higit sa 3 tablet sa isang araw.

Sa anong form available ang Saridon?

Ang Saridon ay makukuha sa mga sumusunod na dosage forms at strength:

  • Tablet na naglalaman ng: paracetamol 250 mg + propyphenazone 150 mg + caffeine 50 mg

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa kaso ng isang emergency o sa labis na dose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dose?

Kung napalampas mo ang isang dose, inumin na ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang iyong regular na dose ayon sa nakaiskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dose.

Matuto nang higit pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Saridon Triple Action https://www.mims.com/philippines/drug/info/saridon%20triple%20action Accessed July 25, 2021

Propyphenazone https://www.mims.com/philippines/drug/info/propyphenazone?mtype=generic Accessed July 25, 2021

Caffeine as an analgesic adjuvant for acute pain in adults https://www.cochrane.org/CD009281/SYMPT_caffeine-analgesic-adjuvant-acute-pain-adults Accessed July 25, 2021

The onset of action and the analgesic efficacy of Saridon (a propyphenazone/paracetamol/ caffeine combination) in comparison with paracetamol, ibuprofen, aspirin and placebo (pooled statistical analysis) https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11999141/ Accessed July 25, 2021

Propyphenazone, Paracetamol [Acetaminophen], and Caffeine. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 25, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

04/08/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Kristel Lagorza


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement