Ang Salonpas ay ang brand name ng isang topical patch na naglalaman ng menthol at methyl salicylate.
Mga gamit
Saan ginagamit ang Salonpas?
Ito ay karaniwang ginagamit bilang lunas ng pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan na nauugnay sa mga strain at sprains.
Mga direksyon
Paano gamitin ang Salonpas?
Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng pag-expire.
Maglagay ng isang plaster sa apektadong lugar at iwanan sa lugar ng hanggang 8 – 12 oras. Gumamit lamang ng isang plaster sa isang pagkakataon. Ang plaster ay hindi dapat gamitin sa mga bukas na sugat o sa balat na may mga pathological changes tulad ng eczema, acne, dermatitis, pamamaga o anumang uri ng impeksiyon o sa mucous membrane ng mga orifice ng katawan, o hindi dapat madikit sa mga mata.
Hugasan nang maigi ang iyong mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang patch.
Paano ako mag-iimbak ng Salonpas?
Pinakamainam na itago ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi mo ito dapat iimbak o ilagay sa banyo o sa freezer.
Maaaring may iba’t ibang tatak ng gamot na ito na may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Kaya, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga hakbang sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain maliban kung sinabihan kang gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang produktong ito.
Mga Pag-iingat/Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Salonpas?
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng anumang iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang nireseta, OTC, at mga herbal remedies
- May allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito
- May iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal
Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng prduktong ito ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Iwasang ilagay ang mga patch sa paligid ng dibdib at utong kung ikaw ay nagpapasuso. Mangyaring palaging kumunsulta sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.
Mga side effect
Anong mga side effect ang maaaring mangyari sa paggamit ng Salonpas?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at mawawala kapag natapos na ang gamutan o binabaan ang dose. Ang ilang naiulat na mga side effect ay kinabibilangan ng:
- Pangkalahatang mga karamdaman at mga kondisyon kung saan ito nais ilagay
- Pantal at pagkawala ng kulay sa lugar kung saan ito ilalagay
- Nervous system disorders: sakit ng ulo
- Mga sakit sa balat at sa subcutaneous tissue
- Pruritus at pantal
- Tenga at labirint
- Tinnitus (hindi karaniwan)
Hindi kumpleto ang listahang ito ng mga side effect, at maaaring mangyari ang iba. Tawagan ang iyong doktor para sa medikal na payo tungkol sa mga side effect.
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Salonpas?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na napag-alamang may interaction:
- Coumarin anticoagulants (hal. warfarin)
- NSAID at iba pang analgesics
Kung nakakaranas ka ng masamang interactions sa gamot, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang iyong treatment plan. Kasama sa mga paraan ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.
May interactions ba ang pagkain at alak sa Salonpas?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Pag-usapan ninyo ng iyong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na interactions sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Salonpas?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan.
Dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dosage para sa isang adult?
Maglagay ng isang plaster sa apektadong lugar at iwanan sa lugar ng hanggang 8 – 12 oras. Kung ang sakit ay umuulit 8 hanggang 12 oras pagkatapos ilapat ang unang plaster, maaaring maglagay ng pangalawang plaster. Gumamit lamang ng isang plaster sa isang pagkakataon. Huwag gumamit ng higit sa 2 plaster bawat araw. Huwag gamitin ito nang higit sa 3 araw nang sunud-sunod.
Ano ang dosage para sa isang bata?
Wala pang itinatakdang dose para sa pediatric. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Mahalaga palaging unawain nang lubos kung ligtas ba ang gamot bago gamitin. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon.
Paano magagamit ang Salonpas?
Available ang Salonpas sa mga sumusunod na dosage forms at strength:
- Medicated plaster na naglalaman ng 10% methyl salicylate (105mg) at 3% levo-menthol (31.5mg).
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Malamang na hindi magkaroon ng overdose kung magamit ito nang tama. Sa kaso ng emergency o sa labis na dose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dose?
Kung napalampas mo ang isang dose, inumin na ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang iyong regular na dose ayon sa nakaiskedyul. Huwag doblehin ang dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.