Mga gamit
Saan ginagamit ang Neopeptine?
Karaniwang ginagamit ang Neopeptine bilang panggamot sa mga sumusunod:
- Flatulent at fermentative dyspepsia
- Anorexia
- Indigestion
- Heartburn
- Poor digestion
- Post-meal abdominal distension
- Lumalambot na tae ng mga sanggol at bata
- Malnutrisyon sa mga bata
- Pagsusuka ng mga naggagatas na sanggol
Paano gamitin ang Neopeptine?
Magbigay ng Neopeptine pagtapos kumain o magpasuso. Maaari itong ipainom direkta sa bibig o nakahalo sa gatas ng bata, sa tubig, o sa pagkain.
Paano itabi ang Neopeptine?
Ilagay ang Neopeptine sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Huwag ilagay sa palikuran o sa freezer upang maiwasan ang pagkasira ng gamot. Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng Neopeptine. Kaya mahalaga na parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay tungkol sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat itinatapon ang Neopeptine sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung pinayong gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ito kapag nag-expire o hindi na kailangang gamitin pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Alamin ang mga pag-iingat at babala
Bukod sa kaalaman kung saan ginagamit ang Neopeptine, mahalaga ring malaman kung kailan ito ipinagbabawal.
Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Neopeptine?
Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay o mayroon ng mga sumusunod:
- Nagbubuntis o nagpapasuso. Dahil kung nagbubuntis o nagpapasuso, ang mga gamot lang na inirekomenda ng doktor ang dapat mong iniinom.
- Umiinom ng iba pang mga gamot. Kasama dito ang iba pang mga reseta, OTC, at halamang gamot.
- Allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito
- Anumang sakit, karamdaman o kondisyong medikal
Maaaring magdulot ng pagduduwal, pananakit ng tiyan o pagtatae ang labis na pag-inom ng dose. Nauugnay din sa hyperuricosuria at hyperuricemia ang pag-inom ng sobrang mataas na dose. Pati ang mga taong nagkaroon ng hypersensitivity sa alinmang sangkap ng Neopeptine capsule. Ipagbigay-alam sa iyong doktor ang naramdamang hindi magandang epekto ng gamot habang iniinom ito.
Ligtas ba ito gamitin tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito tuwing nagbubuntis at nagpapasuso. Pinapakiusap na parating kumonsulta sa doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib bago uminom ng kahit anong gamot.
Mga Side Effect
Ngayong alam na natin kung saan ginagamit ang Neopeptine, ano ang maaaring side effects nito?
Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa Neopeptine®?
Maaaring mangyari ang ilan sa mga side effect na:
- Allergic reaction
- Gastrointestinal disturbances (kung umiinom ng mataas na dose)
Hindi nakararanas ang lahat ng tao ng mga side effect. Maaari ding may iba pang side effect na hindi nabanggit sa itaas. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Neopeptine?
Maaari mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom, na maaari magpabago sa epekto ng gamot o magpagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, tumigil, o magpalit ng dosage ng anumang gamot nang hindi sinasabi ng iyong doktor.
Nag-i-interact ba ang Neopeptine sa pagkain at alak?
Maaaring mag-interact ang Neopeptine sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Neopeptine?
Maaaring mag-interact ang Neopeptine sa kondisyon ng iyong kalusugan. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon.
Mga kondisyon sa kalusugan na may interaction sa Neopeptine:
- Acute pancreatitis
- Chronic diseases of pancreas
Unawain ang dosage
Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng Neopeptine.
Ano ang dose ng Neopeptine para sa nasa hustong gulang o adult?
Liquid: Inirerekomenda ang 5 mL dalawang beses sa isang araw.
Ano ang dose ng Neopeptine para sa bata?
Capsule:
Inirerekomenda ang isang cap dalawang beses sa isang araw pagtapos kumain.
Liquid:
Mga bata > 1 taong gulang: Inirerekomenda ang 5mL na hinati sa dalawang dose sa isang araw
Mga bata < 1 taong gulang: Inirerekomenda ang 0.5mL (halos 12 drops) na single o hinati sa dalawang dose sa isang araw
Maaaring ihalo ang Neopeptine liquid sa kaunting tubig at inumin pagtapos kumain.
Drops:
Mga bata > 1 taong gulang: Inirerekomenda ang 0.5mL (halos 12 drops), 2-3 beses sa isang araw
Mga bata < 1 taong gulang: Inirerekomenda ang 0.5mL (halos 12 drops) na single o hinati sa dalawang dose sa isang araw
Paano nakukuha ang Neopeptine?
Nakikita ang Neopeptine sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:
- Neopeptine Cap 10 x 10’s
- Neopeptine Liquid 60 mL
- 100 Ml Neopeptine Drops 15 Ml
Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.