backup og meta

Saan Ginagamit Ang Lomexin? Alamin Dito Ang Facts sa Gamot na Ito

Mga gamit

Para saan ginagamit ang Lomexin?

Karaniwang ginagamit ang Lomexin bilang treatment para sa pamamaga ng vagina (vaginitis) dulot ng impeksyon mula sa candida albicans o iba pang yeast o fungi (tinatawag ding vaginal thrush o candidiasis).

Paano gamitin ang Lomexin (Fenticonazole nitrate)?

Paggamit ng Gynoxin® bilang vaginal capsule

Dahan-dahang maglagay ng isang capsule sa loob ng vagina bago matulog. Ilagay ito hangga’t maaari sa pinakaloob gamit ang iyong daliri. Sasabihin ng iyong doktor kung dapat itong gawin ng isang gabi lamang, o tatlong magkakasunod na gabi. Ginagamit lang ang vaginal capsules sa vagina at hindi ito maaaring inumin.

Paggamit ng Gynoxin® cream

Irerekomenda na gamitin ang cream dalawang beses sa isang araw (sa umaga at sa gabi) sa loob ng tatlong araw. Gamitin ang applicator na ibinigay para maglagay ng 5 grams ng cream sa loob ng vagina . Narito ang mga hakbang para gawin ito:

  • Ikabit ang applicator sa tube.
  • Lagyan ng cream ang applicator hanggang sa mapuno ito.
  • Alisin ang applicator mula sa tube, at marahang ipasok ang dulo ng applicator na naglalaman ng cream sa pinakaloob ng vagina kung hanggang saan komportable para sa iyo.
  • Itulak ang plunger para mailagay ang cream sa vagina.
  • Alisin ang applicator at hugasan ito gamit ang maligamgam na tubig at sabon para sa susunod na dose.

saan ginagamit ang lomexin

Paano itabi ang Lomexin (Fenticonazole nitrate)?

Pinakamabuting itabi ang Lomexin sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Huwag ilagay sa palikuran o sa freezer upang maiwasan ang pagkasira ng gamot. Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng Lomexin. Kaya mahalaga na parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay tungkol sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung pinayong gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ito kapag nag-expire o hindi na kailangang gamitin pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Alamin ang mga pag-iingat at babala

Bukod sa kaalaman kung para saan ginagamit ang Lomexin, mahalaga ring malaman kung kailan ito ipinagbabawal.

Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Lomexin (Fenticonazole nitrate)?

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung:

  • Nagbubuntis
  • Wala pa sa edad na 18 taong gulang
  • Umiinom ng iba pang mga gamot. Kasama dito ang mga gamot na nabibili nang walang reseta, tulad ng mga herbal at complementary medicine.
  • Nagkaroon ng allergic reaction sa gamot

Bukod pa rito, maaaring mapansin na:

  • Mayroon ding sintomas ang iyong sexual partner ng thrush (pananakit at pamumula ng titi, paninikip ng foreskin, o pagkakaroon ng kulay puti at walang amoy na discharge mula sa titi), mahalagang mabigyan sila ng lunas gamit ang antifungal cream kasabay sa iyo, upang maiwasan na mahawa ka muli. Humingi rin ng payo sa iyong doktor o pharmacist.
  • Mahalagang tapusin ang inirekomendang araw ng paggamit ng gamot na ito, kahit mukhang gumaling na ang anumang pangangati at discharge, at tila naalis na ang impeksyon. Ginagawa ito upang matiyak na tuluyan nang gumaling ang impeksyon at bumaba na ang tsansang bumalik ito.

Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?

Wala pang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito tuwing nagbubuntis at nagpapasuso. Ipinapakiusap na parating kumonsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib bago uminom ng gamot na ito.

Mga Side Effect

Ngayong alam na natin kung para saan ang Lomexin, ano ang maaaring side effects nito?

Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa Lomexin (Fenticonazole nitrate)?

Para saan ginagamit ang Lomexin? Maaaring makaranas ng kaunting mainit na pakiramdam matapos ilagay sa vagina ang gamot. Karaniwang nawawala rin ito kaagad. Gayundin, maaaring magdulot ng allergic reaction ang matagal na paggamit nito.

Hindi lahat ng tao nakararanas ng mga side effect na ito. Maaaring may hindi nabanggit na side effect sa itaas. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

saan ginagamit ang lomexin

Alamin ang mga interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Lomexin (Fenticonazole nitrate)?

Maaaring mag-interact ang Lomexin sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, tumigil, o magbago ng dosage ng anumang gamot nang hindi sinasabi ng iyong doktor.

Maaari mag-interact sa Lomexin ang Clotrimazole.

Nag-i-interact ba ang Lomexin (Fenticonazole nitrate) sa pagkain at alak?

Maaaring mag-interact ang Lomexin sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Lomexin (Fenticonazole nitrate)?

Maaaring mag-interact ang Lomexin sa kondisyon ng iyong kalusugan. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalaga na ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon.

Unawain ang dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng Lomexin (Fenticonazole nitrate).

Ano ang dose ng Lomexin (Fenticonazole nitrate) para sa nasa hustong gulang?

Inirerekomenda ang paggamit ng 200mg sa loob ng tatlong gabi bago matulog, at 600mg kung isang gabi lang bago matulog.

Ano ang dose ng Lomexin (Fenticonazole nitrate) para sa bata?

Hindi pa natutukoy ang dose ng Lomexin para sa mga bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Mahalagang lubos na maunawaan ang kaligtasan ng gamot na ito bago gamitin. Komunsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa karagdagan pang impormasyon.

Paano nakukuha ang Lomexin (Fenticonazole nitrate)?

Nakikita ang Lomexin sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:

  • Cream 30g (Lomexin 2%) at vaginal capsules 1000mg

Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lomexin®. http://patient.info/medicine/fenticonazole-for-vaginal-thrush-gynoxin. Accessed November 12, 2016.

Lomexin®. http://www.netdoctor.co.uk/medicines/infections/a8815/gynoxin-vaginal-capsules-and-cream-fenticonazole/. Accessed November 12, 2016.

Lomexin®. http://www.tabletwise.com/medicine/fenticonazole-nitrate/interactions. Accessed November 12, 2016.

Lomexin®. http://www.druginfosys.com/drug.aspx?drugcode=1114&type=1. Accessed November 12, 2016.

Kasalukuyang Version

01/06/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement