backup og meta

Saan Ginagamit Ang Combantrin At Kailan Ito Dapat Gamitin?

Saan Ginagamit Ang Combantrin At Kailan Ito Dapat Gamitin?

Ang Combantrin ay ang brand name ng generic na gamot na pyrantel embonate. Ang Pyrantel embonate ay kilala rin bilang pyrantel pamoate sa ilang bansa. Isang anthelmintic o deworming agent ang gamot na ito na ginagamit upang patayin ang intestinal parasites (bulate sa tiyan).

Alamin ang mga pangunahing kaalaman

Saan ginagamit ang Combantrin?

Para sa paggamot at pagpuksa ng mga sumusunod na intestinal parasites:

  • Enterobius vermicularis (threadworm, pinworm)
  • Ascaris lumbricoides (roundworm)
  • Ancylostoma duodenale (hookworm)
  • Necator americanus (hookworm)
  • Trichostrongylus (Colubriformis at orientalis)

Paano dapat gamitin ang gamot na ito?

Para sa oral taken form, dapat mong:

  • Inumin ang Combantrin sa pamamagitan ayon sa direksyon ng label o ng iyong doktor.
  • Basahing mabuti ang label bago gamitin ang gamot na ito.
  • Ikonsulta sa iyong doktor ang anumang impormasyon sa label na hindi mo naiintindihan nang malinaw.

Paano ako mag-iimbak ng Combantrin?

Ang produktong ito ay pinakamahusay na nakaimbak sa temperatura ng silid na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, hindi mo ito dapat itabi sa banyo o sa freezer. Maaaring may iba’t ibang brand ng pyrantel na may magkakaibang storage needs.  Mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga tagubilin sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain maliban kung inutusang gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.

Alamin ang mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Combantrin?

Bago gamitin ang Combantrin, sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang/may:

  • History ng allergy sa gamot na ito o alinman sa mga sangkap nito
  • Isang allergic reaction sa iba pang mga gamot, pagkain, tina, preservative, o hayop
  • Iba pang mga kondisyon sa kalusugan

Ligtas bang uminom nito sa panahon ng pagbubuntis o habang pagpapasuso?

Walang sapat na pag-aaral sa mga kababaihan para sa pagtukoy ng panganib kapag gumagamit ng Combantrin sa panahon ng pagbubuntis o habang nagpapasuso. Mangyaring palaging kumonsulta sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot. Ang Pyrantel embonate ay pregnancy risk category C, ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Sanggunian sa kategorya ng panganib sa pagbubuntis ng FDA sa ibaba:

  • A=Walang panganib
  • B=Walang panganib sa ilang pag-aaral
  • C=Maaaring may ilang panganib
  • D=Positibong ebidensya ng panganib
  • X=Contraindicated
  • N=Hindi alam

Alamin ang mga side effect

Anong mga side effect ang maaaring idulot ng Combantrin?

Tulad ng pag-inom ng iba pang mga gamot, ang pag-inom ng Combantrin ay maaaring magdulot ng ilang mga side effect. Karamihan sa mga ito ay bihirang mangyari at hindi nangangailangan ng anumang karagdagang paggamot. Gayunpaman, mahalaga palaging kumonsulta sa iyong doktor kung mayroon kang anumang problema pagkatapos mong inumin ang gamot na ito.

Ang ilan sa mga side effect ay nakalista sa ibaba:

  • Pagtatae
  • Pagkahilo
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Malubhang allergic reaction

Hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Maaaring may ilang mga side effect na hindi nakalista sa itaas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin ang mga interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Combantrin?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosage ng anumang gamot nang walang pag-apruba ng iyong doktor.

May interactions ba ang pagkain at alak sa Combantrin?

Maaaring mag-interact ang Combantrin sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa doktor o pharmacist para sa anumang posibleng food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Combantrin?

Maaaring mag-interact ang Combantrin sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Kaya mahalagang ugaliing ipagbigay-alam sa doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon ka. 

Unawain ang dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya LAGING kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng Combantrin.

Ano ang dosage para sa isang adult?

Uminom ng 500 mg o 10 mg/kg bilang single dose. Maaaring irekomenda ng iyong doktor na uminom nito isang beses sa bawat 3 buwan.

Ano ang dosage para sa isang bata?

15 taong gulang at mas matanda: 500 mg o 4 na kutsarita (20 mL) bilang single dose.

10 hanggang 14 na taon: 375 o 3 kutsarita (15 mL) mg bilang single dose.

5 hanggang 9 na taon: 250 mg o 2 kutsarita (10 mL) bilang single dose.

2 hanggang <5 taon: 125 mg o 1 kutsarita (5 mL) bilang single dose.

Paano magagamit ang Combantrin?

Available ang Combantrin sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:

  • Suspension: 125 mg/5 mL sa 10 mL na bote
  • Tablet: 125 mg

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sakaling magkaroon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dosis?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose. 

Matuto nang higit pa tungkol sa mga Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Combantrin https://www.mims.com/philippines/drug/info/combantrin Accessed May 25, 2021

Pyrantel https://www.mims.com/philippines/drug/info/pyrantel Accessed May 25, 2021

How Pyrantel embonate (Combantrin™) Works https://www.combantrin.com.ph/products/how-combantrin-works Accessed May 25, 2021

Pyrantel pamoate https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Pyrantel-pamoate Accessed May 25, 2021

Hookworm FAQs https://www.cdc.gov/parasites/hookworm/gen_info/faqs.html Accessed May 25, 2021

Kasalukuyang Version

04/08/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Kristel Lagorza


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement