Ang aluminum hydroxide ay isang sangkap na ginagamit sa maraming paghahanda, kabilang ang mga antacid. Bilang isang antacid, gumagana ito sa pamamagitan ng pag-neutralize ng hydrochloride sa acid sa tiyan. Mayroon din itong mga proteksiyon na katangian kapag ginamit sa balat.
Mga gamit
Saan ginagamit ang Aluminum Hydroxide?
- Heartburn
- hindi matunawan ng pagkain
- Sakit sa peptic ulcer
- GERD
- Mga maliliit na paso at sugat
- Pangangati ng balat
- Chaffing
Paano gamitin ang Aluminum Hydroxide?
Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng pag-expire.
Para sa mga oral tablet, nguyain ang tableta nang mabuti, lunukin, at pagkatapos ay uminom ng isang basong tubig. Mas maganda itong gamitin pagkatapos kumain at sa oras ng pagtulog. Huwag lunukin nang buo ang tableta o i-dissolve ito sa likido.
Para sa oral liquid, maingat na pilasin ang sachet at inumin ang laman. Inumin ito pagkatapos kumain at bago matulog.
Para sa mga topical preparation, maglagay ng manipis na layer sa mga apektadong bahagi. Hugasan nang maigi ang iyong mga kamay pagkatapos hawakan ang produkto. Iwasang madikit sa iyong mga mata, butas ng ilong, at bibig.
Paano ako mag-iimbak ng Aluminum Hydroxide?
Itago ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng droga, hindi mo ito dapat iimbak o ilagay sa banyo o sa freezer.
Maaaring may iba’t ibang tatak ng gamot na ito na may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Kaya, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa mga hakbang sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain maliban kung sinabihan kang gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang produktong ito.
Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Aluminum Hydroxide?
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng anumang iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang nireseta, OTC, at mga herbal remedies
- May allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito
- May iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal
Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Gayunpaman, maaaring ligtas itong gamitin. Palaging kumonsulta sa iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at panganib bago uminom ng anumang gamot.
Mga side effect
Anong mga side effect ang maaaring mangyari dulot ng Aluminum Hydroxide?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, ang mga side effect ay karaniwang mild at mawawala kapag natapos na ang gamutan o binabaan ang dose. Ang ilang naiulat na mga side effect ay kinabibilangan ng:
- Nabawasan ang phosphate levels sa dugo (sa pangmatagalang paggamit)
- Tumaas na magnesium levels sa dugo (sa pangmatagalang paggamit)
- Pagtatae, paninigas ng dumi
- Sakit sa tiyan
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Alamin ang mga interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Aluminum Hydroxide?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Maaari nitong mapabago ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na napag-alamang may interaction:
- Mga supplement na may iron
- Bisphosphonates (hal. alendronate)
- Tetracycline antibiotics
- Mga antibiotic na Quinolone
- Mga gamot sa thyroid (hal. levothyroxine)
- Calcium channel blockers (hal. diltiazem, verapamil)
- Quinidine
- Raltegravir
- Atazanavir
- Dasatinib
- Delavirdin
- Azole antifungal
- H2 blockers (hal. cimetidine)
Kung nakakaranas ka ng masamang interactions sa gamot, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor upang muling suriin ang iyong treatment plan. Kasama sa mga paraan ang pagsasaayos ng dose, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.
May interactions ba ang pagkain at alak sa Aluminum Hydroxide?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Pag-usapan ninyo ng iyong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na interactions sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Aluminum Hydroxide?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaction ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot na iniinom. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan.
Dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dosage para sa isang adult?
Uminom ng mga kapsula at tableta 4 na beses sa isang araw at sa oras ng pagtulog.
Bilang isang suspension, inumin ito 5 hanggang 6 na beses bawat araw at sa oras ng pagtulog.
Ano ang dosage para sa isang bata?
Wala pang itinatakdang dose para sa pediatric. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Mahalaga palaging unawain nang lubos kung ligtas ba ang gamot bago gamitin. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon.
Paano magagamit ang Aluminum Hydroxide?
Available ang aluminyo hydroxide sa mga sumusunod na dosage forms at strength:
- Kapsula 475 mg
- Tablet 300 mg, 600 mg
- Topical ointment 113 g
- Oral suspension 200 mg/5 mL, 320 mg/5 mL
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng emergency o sa labis na dose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ako ng isang dose?
Kung napalampas mo ang isang dose, inumin na ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang iyong susunod na dose, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang iyong regular na dose ayon sa nakaiskedyul.Huwag kumuha ng dobleng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.