Ang Albothyl ay brand ng produkto na naglalaman ng gamot na policresulen. Ang policresulen ay gamot na naglalaman ng antimicrobial na epekto at nakatutulong upang mahinto ang pagdurugo.
Mga Gamit
Para saan ang Albothyl?
- Cervical at vaginal inflammation at infections
- Post-cauterization treatment
Paano ko gagamitin ang Albothyl?
Basahin ang panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Marahan na ipasok ang suppository sa loob ng ari. Hugasan ang iyong kamay ng sabon at tubig bago at pagkatapos gumamit ng produkto. Huwag inumin ang suppository o ipasok ito sa puwet, dahil hindi ito magiging epektibo. Iwasan ang pakikipagtalik habang naggagamot at 7 araw matapos ito.
Paano ko itatago ang Albothyl?
Itago ang produkto sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang package ng produkto para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag i-flush ang produktong ito sa inidoro o itapon ito sa drain maliban na lamang kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na paraan ng pagtatapon ng iyong produkto.
Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Albothyl?
Bago gamitin ang produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng iba pang mga gamot. Kabilang dito ang nireseta, OTC, at halamang gamot at supplements
- May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
- May ibang karamdaman, disorders, o medikal na kondisyon
Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Side Effects
Ano ang side effects sa Albothyl?
Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay may side effects. Kung nangyari ito, ang side effects ay pangkaraniwan na mild at lilipas din kung natapos na ang paggamot o nabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:
- Sakit sa ibabang bahagi ng tiyan at uterine
- Iritasyon sa ari o pangangati
- Pagiging tuyo ng ari
- Allergic reactions
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang side effects. Kaya’t kung may ibang tanong tungkol sa side effects, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Albothyl?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang ginagamit, na maaaring magpabago ng bisa o magpataas ng banta ng mas seryosong side effects.
Upang maiwasan ang potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na ang niresetang gamot, hindi inireseta, halamang gamot at supplements) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Ang pagkain o alak ba ay maaaring mag-interact sa Albothyl?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagpapataas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin ang kahit na anong potensyal na pagkain o alcohol interactions bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Albothyl?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kasalukuyang medikal na kondisyon. Ang interaction ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o magpabago ng bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging ipaalam sa doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan lalo na kung ikaw ay:
- Kasalukuyang nireregla
- Menopause
Dosage
Ang impormasyon na ibinigay ay hindi kapalit ng kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Ipasok nang malalim ang 1 vaginal suppository kada pagkatapos ng isang araw para sa 7-14 na mga araw. Mas mainam bago matulog.
Ano ang dose para sa bata?
Walang itinakdang dose para sa bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa kanila. Laging mahalaga na maunawaan nang maigi ang gamot bago gamitin. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa mas marami pang impormasyon.
Paano nabibili ang Albothyl?
Ang Albothyl ay mabibili sa dosage form at tapang na:
- Vaginal suppository (pessary) 90mg
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Kung nagkaroon ng emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang dose, ilagay ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa sunod na dose, hayaan na ang nakalimutan na dose at gawin ito nang regular ayon sa schedule. Huwag mag doble ng dose.