Mahalaga sa mga magulang ang malaman kung para saan ang vitamin B12. Upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa sa tahanan.
Ang vitamin B12 ay isa sa maraming uri ng vitamin B na kailangan ng katawan para gumana. Ito ay kilala rin sa tawag na “cyanocobalamin”. Sinasabi na ang vitamin B12 ay mahalaga sa synthesis ng mga bagong red blood cells, kalusugan ng nerve cell at pagpapalabas ng enerhiya mula sa pagkain. Gumagana rin ito kasama ng folic acid.
Makikita na ang vitamin B12 ay hindi ginagawa sa katawan ng tao. Kaya dapat itong i-take sa pamamagitan ng pagkain o dietary supplements. Ang kakulangan ng B12 ay maaaring magresulta sa iba’t ibang uri ng anemia.
Mga gamit
Para saan ang vitamin B12?
- Pag-iwas sa vitamin B12-deficiency anemia
- Pagpapalakas ng enerhiya
- Pandagdag o supplement vegetarian at vegan diet
Paano ako makakapag-take ng vitamin B12?
Ang vitamin B12 ay available bilang oral tablet at injectable solution. Maraming multivitamins ang naglalaman ng ilang uri ng B vitamins, maging ang iba pang bitamina at mineral. Maaaring inumin ang oral tablet sa pamamagitan ng bibig nang hindi nginunguya o dinudurog. Pinakamabuting kunin o i-take ito bago kumain.
Para sa mga parenteral dosage form, isang licensed healthcare professional lamang ang dapat mangasiwa nito.
Paano ako magtatago ng vitamin B12?
Itago ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moistures. Para maiwasan ang pagkasira ng gamot. Hindi mo rin ito dapat iimbak sa banyo o sa freezer.
Maaaring may iba’t ibang brand ng gamot na ito, na pwedeng may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Kaya, mahalagang laging suriin ang product package para sa instructions sa pag-iimbak, o tanungin ang iyong pharmacist. Tandaan din, na para sa kaligtasan dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o itapon ang mga ito sa drain. Maliban na lamang kung binigyan ka ng instruction na gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito, kapag nag-expire o hindi na kailangan. Kumonsulta sa’yong parmasyutiko para sa higit pang mga detalye. Tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.
Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang vitamin B12?
Ang mga bitamina, kabilang ang vitamin B12 ay karaniwang ligtas na inumin anumang oras. Bilang isang water-soluble vitamin, ang labis na dosis ay mas malamang na maganap. Gayunpaman, ang napakataas na dosis ay maaaring mangyari kung sasabihin ng doktor.
Karamihan sa mga tao ay tumatanggap ng sapat na bitamina at mineral sa pamamagitan ng balanseng pagkain. Uminom lamang ng vitamin at food supplements kung itinuro sa’yo na gawin ito ng iyong doktor.
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa’yong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso.
- Pag-inom ng anumang iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at herbal remedies.
- Allergy sa alinmanmga sangkap ng produktong ito.
- Anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.
Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Maaaring irekomenda ang vitamin B12 para sa pre-at post-natal supplementation. Dapat itong gamitin sa panahon ng pagbubuntis lamang. Kung ang potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran sa potential risk sa fetus, gaya ng tinutukoy ng iyong doktor.
Ang vitamin B12 ay napapasa sa gatas ng ina at nagdaragdag sa nutritional content ng breastmilk. Pwedeng kailanganin ang pagtaas ng paggamit ng vitamins upang sapat na matugunan ang mga pangangailangan ng ina at sanggol.
Mga side effect
Anong side effects ang pwedeng mangyari mula sa vitamin B12?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may side effects ang produktong ito. Kung mangyayari ang mga ito, ang side effects ay karaniwang mild at malulutas kapag natapos na ang tritment o binabaan ang dosis. Ang ilang naiulat na side effects ay kinabibilangan ng:
- Pagsakit ng tiyan
- Sakit ng ulo
- Hindi karaniwan o hindi kanais-nais na lasa sa’yong bibig
- Impeksyon
- Asthenia
- Hypersensitivity
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng side effect. Habang ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, mangyaring kumonsulta sa’yong doktor o pharmacist.
Interaksyon
Anong mga gamot ang maaaring makipag-interact sa Vitamin B12?
Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom. Pwede nitong mabago kung paano gumagana ang iyong gamot o dagdagan ang iyong risk para sa malubhang epekto.
Upang maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa gamot, dapat kang gumawa ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ibahagi ito sa’yong doktor at pharmacist.
Mga gamot na may alam na pakikipag-interact:
- Chloramphenicol
- Colchicine
Kung nakakaranas ka ng masamang pakikipag-interact sa gamot, ipagbigay-alam kaagad sa’yong doktor. Para muling suriin ang iyong treatment plan. Kasama sa approaches ng pagsasaayos ng dosis, drug substitution o pagtatapos ng therapy.
Nakikipag-interact ba ang pagkain o alkohol sa vitamin B12?
Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa pagkain o alkohol. Sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot o pagtaas ng risk para sa malubhang epekto. Limitahan ang iyong pag-inom ng alak, dahil maaari nitong bawasan ang dami ng B12 sa katawan. Mangyaring talakayin sa’yong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa pagkain o alkohol, bago gamitin ang gamot na ito.
Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-ugnayan sa vitamin B12?
Sinasabi na ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa mga underlying condition. Ang pakikipag-interact na ito ay pwedeng magpalala ng iyong kalagayan sa kalusugan. O magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Samakatuwid, mahalagang laging ipaalam sa’yong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan.
Dosis
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat kang laging kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist, bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dosis para sa isang adult?
Pernicious o macrocytic anemia
- Uminom ng 2000 mcg (2 mg) bawat araw.
Megaloblastic anemia na sanhi ang kakulangan sa vitamin B12
- Pag-inom ng 50 hanggang 150 mcg bawat araw.
Ano ang dosis para sa isang bata?
Pernicious o macrocytic anemia
- Uminom ng 1000 mcg (1 mg) bawat araw o bawat 2 linggo.
Para saan ang vitamin B12: Ang Paggamit nito
Ang gamot na ito ay makukuha sa mga sumusunod na brand, dosage form, at strengths:
- GNC Cyanocobalamin 1000 mcg (1 mg)
- Neramin-12 OD tablet 1 mg
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o overdose. Tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makalimutan ko ang isang dosis?
Kung napalampas mo ang isang dosis, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa’yong susunod na dosis. Laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dosis.