backup og meta

Para Saan ang PediaSure at Paano ito Nakatutulong sa mga Bata?

Para Saan ang PediaSure at Paano ito Nakatutulong sa mga Bata?

Para saan ang PediaSure? Milk supplement product para sa mga bata ang PediaSure at PediaSure Plus. Naglalaman ito ng gatas ng baka at sangkap na soy na walang lactose at gluten. Hindi ito pamalit sa breastmilk at hindi dapat ibigay sa mga batang mag-aanim na buwan pa lang pababa. 

Mga Gamit

Para saan ang PediaSure?

  • Milk/nutritional supplement
  • Meal replacement
  • Pampadagdag ng timbang at pampatangkad ng mga bata

Paano gamitin ang PediaSure?

Basahin ang mga gabay sa pakete para sa buong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Maingat na kumuha at ihalo ang powder sa baso ng tubig. Para sa unang tinimpla, ilagay ito sa refrigerator at gamitin ito sa loob ng 24 na oras.

Paano itabi ang PediaSure?

Pinakamainam na ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Upang mapanatili ang magandang kalidad ng produkto, gamitin ito sa loob ng tatlong linggo matapos buksan.

Maaaring may ibang storage needs ang iba pang tatak ng gamot na ito. Kaya mahalagang parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kinailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produktong ito.

Mga Pag-iingat at Babala

Para saan ang PediaSure? Ano ang dapat malaman bago gumamit ng PediaSure?

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay o mayroong:

  • Nagbubuntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kasama dito ang anumang iba pang mga reseta, OTC, at halamang gamot.
  • Allergy sa ano pang ibang sangkap ng produktong ito, partikular na sa:
    • gatas
    • soy
  • Anumang sakit, karamdaman o kondisyong medikal, lalo na ang galactosemia

Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito tuwing nagbubuntis at nagpapasuso. Ngunit karaniwan itong ligtas gamitin. Ipinapakiusap na parating komunsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga maaaring benepisyo at panganib bago uminom ng kahit anong gamot.

Hindi ito pamalit sa breastmilk at hindi dapat ibigay sa mga batang anim na buwan pababa.

Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), pregnancy risk category A ang gamot na ito.

Sumusunod ang FDA pregnancy risk category reference:

A = Walang panganib

B = Walang panganib sa ilang mga pag-aaral

C = Maaaring may ilang panganib

D = Tiyak na may datos ng panganib

X = Contraindicated

N = Hindi alam

Mga Side Effect

Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa PediaSure?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang PediaSure. Kung mangyari ang mga side effect, karaniwang mild at nawawala matapos ang gamutan o mababa na ang dose. Kabilang sa ilang mga naitalang side effect:

  • Allergic reaction
  • Constipation
  • Diarrhea
  • Weight gain

Subalit hindi lahat ay nakararanas ng mga side effect. Dagdag pa rito, maaaring makaranas ng ibang mga side effect ang ibang mga tao. Kaya’t kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Mga Interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa PediaSure?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom, na maaaring magpabago sa epekto ng gamot o magpagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.

Para maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na ginagamit (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor o pharmacist.

Nag-i-interact ba ang pagkain at alak sa PediaSure?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Huwag uminom ng alak habang ginagamit ang gamot na ito. Ipinapakiusap na makipag-usap sa iyong doktor o pharmacist para sa anumang potensyal na food o alcohol interactions bago gamitin ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa PediaSure?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may mga underlying condition. Maaaring palalain ng interaksyon na ito ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalaga na parating ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang galactosemia.

Ang Dosage

Hindi pamalit sa anumang payong medikal ang mga ibinibigay na impormasyon. Samakatuwid, parating kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Maaari pa ring gumamit ng PediaSure ang mga bata at matanda na lagpas na sa 10 taong gulang. Ngunit nakadepende ang dose sa kinakailangang nutrisyon ng bawat indibidwal. Makipag-ugnayan sa iyong doktor para sa iba pang impormasyon.

Ano ang dose para sa bata?

PediaSure (original formula)

Magbigay ng 4 level na scoop (39.2g) na nakahalo sa 210mL na inuming tubig, 1 o 2 beses sa isang araw. Kung maligamgam na formula ang gusto, gumamit ng room temperature o maligamgam na tubig <35°C (95°F). Huwag pakuluan o initin sa microwave.

PediaSure Plus

Magbigay ng 5 level na scoop (48.6g) na nakahalo sa 190mL na inuming tubig, 1 o 2 beses sa isang araw. Kung maligamgam na formula ang gusto, gumamit ng room temperature o maligamgam na tubig <35°C (95°F). Huwag pakuluan o initin sa microwave.

Paano nakukuha ang PediaSure?

Available ang PediaSure sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:

Original PediaSure (kada 100g ng powder): 14.1g ng protein/ 14.1g ng fat/ 64.34g ng carbohydrates/ 443 kilocalories; na may linoleic acid, DHA, vitamin A, vitamin D, vitamin C, vitamin E, vitamin K, folic acid, vitamin B complex, pantothenic acid, biotin, sodium, potassium, chlorine, calcium, phosphorus, magnesium, iron, zinc, manganese, copper, iodine, selenium, chromium, molybdenum, choline, fiber, taurine, carnitine, inositol, arginine.

PediaSure Plus (kada 100g ng powder) 13.87g ng protein/ 18.12g ng fat/ 59.7g ng carbohydrates/ 463 kilocalories; na may linoleic acid, DHA, vitamin A, vitamin D, vitamin C, vitamin E, vitamin K, folic acid, vitamin B complex, pantothenic acid, biotin, sodium, potassium, chlorine, calcium, phosphorus, magnesium, iron, zinc, manganese, copper, iodine, selenium, chromium, molybdenum, choline, fiber, taurine, carnitine, inositol, arginine.

Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat gawin kung nakalimutan ang dose?

Kung nakalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy na lang ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

PediaSure, https://www.mims.com/philippines/drug/info/pediasure, Accessed June 16, 2021

PediaSure Plus, https://www.mims.com/philippines/drug/info/pediasure%20plus, Accessed June 16, 2021

PediaSure Plus, https://www.ph.abbott/products/nutrition/list-of-products/pediasure-plus.html, Accessed June 16, 2021

PediaSure (PH). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL, http://online.lexi.com, Accessed June 16, 2021

Kasalukuyang Version

01/09/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement