Para saan ang paracetamol? Ang paracetamol (kilala rin bilang acetaminophen) ay isang over-the-counter (OTC) na pampapawi ng sakit at pampababa ng lagnat.
Mga Pangunahing Kaalaman
Para saan ang paracetamol?
Hindi NSAID ang paracetamol ngunit gumagana itong pampapawi ng lagnat at sakit ng katawan.
Paano iniinom ang paracetamol?
Para sa mga uri ng oral dosage, buo itong lunukin nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw bilang liquid. Inumin ito kumain ka man o hindi.
Ipinapasok dapat ang mga rectal suppository sa rectum. Hayaan itong matunaw sa temperatura ng katawan. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos gumamit ng suppository.
Ang mga lisensyadong healthcare professional lamang ang dapat magsagawa ng mga parenteral (tulad ng I.V) dose.
Paano itabi ang paracetamol?
Pinakamainam na ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at kahalumigmigan. Para maiwasan ang pagkasira ng gamot, hindi dapat ito itinatago sa banyo o freezer.
Maaaring nangangailangan ng ibang storage ang iba pang brand ng gamot na ito. Kaya mahalagang parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o kaya magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat na ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kailangan pa. Komunsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.
Alamin Ang Mga Pag-Iingat At Babala
Para Saan ang Paracetamol? Ano ang dapat malaman bago gumamit nito?
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay o mayroong:
- Nagbubuntis o nagpapagatas
- Umiinom ng iba pang gamot. Kasama dito ang anumang iba pang mga reseta, OTC, at halamang gamot.
- Allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito.
- Iba pang sakit, karamdaman o kondisyong medikal.
Ligtas ba ito sa nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito tuwing nagbubuntis at nagpapasuso.
Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), pregnancy risk category B ang gamot na ito.
Sumusunod ang FDA pregnancy risk category reference:
A = Walang panganib
B = Walang panganib sa ilang mga pag-aaral
C = Maaaring may ilang panganib
D = Tiyak na may datos ng panganib
X = Contraindicated
N = Hindi alam
Alamin Ang Mga Side Effect
Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa paracetamol?
Tulad ng lahat ng gamot, maaaring mayroong mga side effect ang gamot na ito. Kapag nangyari ito, kadalasang mild at nareresolba rin kapag natapos na ang treatment o kapag binawasan ang dose. Kabilang sa ilang mga naitalang side effect:
- Thrombocytopenia
- Injection site reactions
- Pagkahilo, pagsusuka
- Constipation
- Pagsakit ng ulo
- Insomnia
- Flushing
- Pruritus (itching o pangangati)
Kaagad na humingi ng atensyong medikal mangyaring makaranas ng mga anumang malubhang side effect:
- Liver damage
- Kidney damage
- SJS o TEN
Subalit hindi lahat ay nakararanas ng mga side effect. Dagdag pa rito, maaaring makaranas ng iba pang mga side effect ang iba. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na komunsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Alamin Ang Mga Interaction
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa paracetamol?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom, na maaaring magpabago sa epekto ng gamot o magbigay panganib sa mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor o pharmacist.
Mga gamot na kilalang may interaction sa paracetamol
- Acyclovir
- Diazepam
- Chlorpromazine
Sakaling makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ipagbigay-alam sa iyong doktor upang masuri ulit ang treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o ending therapy.
Nag-i-interact ba ang pagkain at alak sa paracetamol?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Huwag uminom ng alak habang ginagamit ang gamot na ito. Ipinapakiusap na makipag-usap sa iyong doktor o pharmacist para sa anumang potensyal na food o alcohol interactions bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa paracetamol?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga may underlying condition. Maaaring palalain ng interaksyon na ito ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalaga na parating ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyon sa kalusugan na kasalukuyang mayroon, lalo na ang:
Unawain Ang Dosage
Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya naman, parating komonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Lagnat at/o pananakit
Oral route:
- Immediate-release: 325mg hanggang 1g kada 4 hanggang 6 na oras
- Maximum Single Dose: 1000mg; pinakamaraming pang araw-araw na dose: 4g.
- Extended-Release: 1300mg orally kada 8 na oras.
- Maximum dose: 3900mg kada 24 na oras.
Rectal route: 650mg kada 4 hanggang 6 na oras; pinakamaraming dose: 3900mg kada 24 na oras.
Ano ang dose ng paracetamol para sa bata?
Lagnat at/o pananakit
Weight-based dosing: <12 na taon: 10-15mg/kg/dose orally, kada 4 hanggang 6 na oras, pinakamaraming dose: 5 doses kada 24 oras
Fixed dosing
0-3 buwan (timbang na 2.7-5.3kg)
- Dose: 40?g/dose;
- Oral suspension (160mg/5mL): 1.25 ml.
4-11 buwan (timbang na 5.4-8.1kg)
- Dose: 80 mg/dose;
- Oral suspension (160 mg/5mL): 2.5ml.
12-23 buwan (timbang na 8.2-10.8kg)
- Dose: 120 mg/dose;
- Oral suspension (160 mg/5mL): 3.75ml;
- Chewable tablets (80 mg/tab): 1.5 tablets.
2-3 na taon (timbang na 10.9-16.3kg)
- Dose: 160 mg/dose;
- Oral suspension (160 mg/5mL): 5ml;
- Chewable tablets (80 mg/tab): 2 tablets;
- Chewable tablets (160 mg/tab): 1 tablet.
4-5 na taon (timbang na 16.4-21.7kg)
- Dose: 240 mg/dose;
- Oral suspension (160 mg/5 mL): 7.5 ml;
- Chewable tablets (80 mg/tab): 3 tablets;
- Chewable tablets (160 mg/tab): 1.5 tablets.
6-12 na taon: 325 mg orally kada 4-6 na oras; hindi lalagpas sa 1.625g kada araw, hindi hihigit pa sa 5 araw maliban kung sabihin ng healthcare provider.
>12 na taon
- Regular strength: 650mg kada 4-6 na oras; hindi lalagpas sa 3.25g kada 24 na oras; sa ilalim ng pangangasiwa ng healthcare professional, maaaring gumamit ng mga dose hanggang 4g kada araw.
- Extra strength: 1000 mg kada 6 na oras; hindi lalagpas ng 3g kada 24 na oras; sa ilalim ng pangangasiwa ng healthcare professional, maaaring gumamit ng mga dose hanggang 4 g kada araw.
- Extended release: 1.3g q8hr; hindi lalagpas ng 3.9g kada 24 na oras.
Paano nakukuha ang paracetamol?
Available ang paracetamol sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:
Kalakasan: 325mg-30mg; 325mg-60mg; 120mg-12mg/5ml; 300mg-15mg; 300mg-30mg; 300mg-60mg; 650mg-30mg; 650mg-60mg.
Uri ng dosage:
– Solution;
– Tablet (Disintegrating, Chewable, Extended Release, Effervescent);
– Capsule (Liquid Filled);
– Suppository;
– Powder, Powder for Solution;
– Syrup;
– Suspension, Elixir.
Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?
Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose at ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.
Hindi nagbibigay ang Hello Health Group ng payong medikal, diagnosis, o treatment.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.