Ang dehydration ay pwedeng magdulot ng kapahamakan, lalo na kung hindi ito papansinin— kaya dapat na malaman kung para saan ang oresol.
Para Saan ang Oresol: Mga gamit
Sinasabi na ang oral rehydration salt ay ginagamit para gamutin ang dehydration sanhi ng pagtatae, at fluid loss; maging ang iba pang kondisyong dulot ng kakulangan sa tubig at electrolyte.
Hindi ginagamot ng oral rehydration salts ang pagtatae. Bagkus ay pinapalitan lamang nito ang mga nawawalang asin, asukal, at tubig. Kung ang dahilan ng dehydration ay dahil sa impeksiyon, pwedeng kailanganin ang karagdagang antimicrobial at vitamin (zinc) supplementation.
Paano ako magte-take ng oral rehydration salts (ORS)?
Para sa oral powder, buksan ang sachet at ibuhos ang laman na 200 ML ng distilled o purified (hindi mineral) na inuming tubig. Haluing mabuti hanggang ang lahat ng pulbos ay matunaw at ang solusyon ay maging malinaw o bahagyang maulap.
Siguraduhing iinumin ng iyong anak ang laman ng buong baso ng solusyon. Kung hindi nila ito maiinom nang sabay-sabay. Pwede nila itong inumin nang humigit-kumulang 30 minuto. Maaaring makatulong ang paggamit ng straw sa pag-inom.
Ang oral rehydration salts ay karaniwang ibinibigay, pagkatapos ng bawat matubig na dumi (diarrhea).
Kakalkulahin ng iyong doktor ang eksaktong dosage ng oral rehydration salts na tama para sa iyong anak. Kung binili mo ito nang over-the-counter, ang mga estimated doses ay ipapakita sa label o kahon ng produkto. Hikayatin ang iyong anak na uminom hangga’t kaya nila ang inirerekomendang dosage.
Paano ako magtatabi ng oral rehydration salts (ORS)?
Ang gamot na ito ay dapat na nakatago sa room temperature (<30°C) at protektado mula sa moisture. Laging suriin ang label bago gamitin ang produktong ito. Para sa kaligtasan, iwasang maabot ng mga bata at alagang hayop.
Pagkatapos paghaluin ang solusyon, huwag panatilihin ang solusyon nang higit sa isang oras sa room temperature. Pwede itong ligtas na nakatago sa refrigerator (2-8°C) nang hanggang 24 na oras.
Huwag gamitin kung ang naka-print na expiration date ay lumipas na. I-check rin kung ang selyo ng produkto ay nasira na o nagbago ang kulay, amoy, o consistency ng produkto. Sa oras na makita ito sa produkto, huwag itong gamitin.
Tandaan din, na huwag itapon ang produkto sa pamamagitan ng pagtapon sa drain, palikuran, o sa kapaligiran. Tanungin ang iyong pharmacist tungkol sa tamang paraan at lokasyon ng pagtatapon.
Para Saan ang Oresol: Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng oral rehydration salts (ORS)?
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa’yong doktor kung:
- Ikaw ay buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng anumang iba pang mga gamot o supplements
- Mayroon kang allergy history sa produktong o anumang pagkain, gamot, o iba pang mga sangkap.
- Na-diagnose na may iba pang kondisyong medikal
Para Saan ang Oresol: Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?
Ang ORS at iba pang electrolytes ay itinuturing na ligtas para sa paggamit ng buntis at nagpapasuso. Lalo na kung nasa panganib sila ng dehydration.
Kumunsulta sa’yong doktor tungkol sa iyong hydration status. Dahil pwedeng hindi sapat ang ORS sa moderate-to-severe cases ng dehydration. Maaaring maapektuhan ng dehydration ang mga buntis at nagpapasusong kababaihan nang mas malala. Kaysa sa ibang populasyon ng mga pasyente.
Mga side effect
Kapag naghahanda at inirekomenda ito para i-take. Asahan na walang side effects na magaganap. Inaasahan na ang side effects ay hindi malamang na mangyari. Kahit na magkaroon ng mga karagdagang dosis. Subalit ang sobrang amount o megadose ng asin, asukal, o tubig ay maaaring magdulot ng masamang epekto.
Ang mga potensyal na masamang epekto ay kinabibilangan ng:
- Overhydration o water intoxication
- Paglala ng diarrhea
- Water retention
- Edema o pamamaga
- Pagtaas ng blood sugar
Ang side effects na ito ay mas malamang na mangyari kung ang solusyon ay ginawa lamang sa bahay at hindi gumamit ng premade ORS sachets. Pwede ring mangyari ang side effects kapag ang solusyon ay natunaw, at sinundan pa ng masyadong maraming tubig.
Ikaw o ang iyong anak ay pwedeng makaranas ng ilan, wala, o iba pang side effects na hindi nabanggit sa itaas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect, o ito ay nakakaabala na. Kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist.
Interaksyon
Ang oral rehydration salts ay pwedeng makipag-interact sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom. Kung saan, maaari nitong mabago kung paano gumagana ang iyong gamot o dagdagan ang iyong risk para sa malubhang epekto.
Para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa gamot. Dapat kang gumawa ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products. Siguraduhin na maibahagi ito sa’yong doktor at pharmacist.
Kung nakakaranas ka ng masamang pakikipag-interact sa gamot. Huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosis ng anumang gamot nang walang pag-apruba ng iyong doktor. Ipaalam kaagad sa’yong doktor ito. Para muling suriin ang iyong treatment plan. Maaaring kailanganin lamang na ayusin ang iyong dosis, palitan ito ng ibang gamot, o ihinto ang paggamit nito.
Nakikipag-interact ba ang pagkain o alkohol sa oral rehydration salts (ORS)?
Walang makabuluhang pakikipag-interact ng pagkain o alkohol sa ORS. Iwasan ang pag-inom ng alak para maiwasan ang lumalalang dehydration.
Ipaalam sa’yong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin. Tungkol sa mga pakikipag-interact sa pagkain at gamot.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring makipag-interact sa oral rehydration salts (ORS)?
Ang oral rehydration salts ay maaaring makipag-interact sa’yong kondisyon sa kalusugan. Sinasabi na ang pakikipag-interact na ito ay pwedeng magpalala ng iyong kalagayan at magpabago sa paraan ng paggana ng gamot. Mahalagang laging ipaalam sa’yong doktor at pharmacist ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan.
Makikita na ang gamot na ito ay dapat inumin nang may pag-iingat. Kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon o risk factors:
- Mga dati nang karamdaman sa dugo
- Gout
- Dental disease
- Sakit sa atay
- Heart disease
- Gastrointestinal obstruction
- Pagkasira ng bato
Doses
Ang mga impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Dapat kang LAGING kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist. Bago gumamit ng oral rehydration salts (ORS).
Ano ang doses ng oral rehydration salts (ORS) para sa isang adult?
Makikita na ang inirerekomendang doages ay 200 hanggang 400 ML sa loob ng 24 na oras.
Ano ang doses ng oral rehydration salts (ORS) para sa isang bata?
Ayon sa WHO, ang fluid replacement doses ay batay sa edad at kasalukuyang hydration status ng bata.
Para sa walang dehydration ngunit may mga episode ng loose stools
- Edad <2 taon: Magbigay ng 50 hanggang 100 mL pagkatapos ng bawat loose stool, hanggang 500 mL/araw.
- Para naman sa edad 2-9 taon: Magbigay ng 100 hanggang 200 mL pagkatapos ng bawat loose stool hanggang 1 L/araw.
- Sa mga nasa 10 taong pataas: Magbigay ng hanggang 2L/araw.
Para sa ilang dehydration (pamahalaan ito sa loob ng unang 4 na oras)
- Edad <4 na buwan o <5 kg: Magbigay ng 200 hanggang 400 mL
- Habang ang mga nasa edad 4 hanggang 11 buwan o 5 hanggang 7.9 kg: Mainam na magbigay ng 400 hanggang 600 mL
- Ang mga nasa edad 1 hanggang 2 taon o 8 hanggang 10.9 kg: Magandang magbigay ng 600 hanggang 800 mL
- Sa mga nasa edad 2 hanggang 4 na taon o 11 hanggang 15.9 kg: Pinakamainam na magbigay ng 800 hanggang 1200 mL
- Para sa edad 5 hanggang 14 taon o 16 hanggang 29.9 kg: Magbigay ng 1200 hanggang 2200 mL
- Edad 15 taon pataas o 30 kg o higit pa: Magbigay ng 2200 hanggang 4000 mL
Para sa matinding (severe) dehydration
Gamitin ang intravenous (IV) Ringer’s Lactate, o kung hindi available— normal saline at ORS ay isa sa mga option na pwedeng ibigay. Huwag magbigay ng plain glucose o dextrose solution.
Sa mga kaso ng matinding dehydration, humingi ng emergency medical assistance sa lalong madaling panahon. Magbigay ng rehydration solutions sa bahay hanggang sa makarating ka sa ospital.
Para Saan ang Oresol: Paano makakakuha ng oral rehydration salts (ORS)?
Ang oral rehydration salts ay makukuha sa mga sumusunod na form ng dosis at strengths:
- Oral powder sa sachet (ratio at konsentrasyon ng mga sangkap ay nag-iiba depende sa brand)
Para Saan ang Oresol: Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa kaso ng isang emergency o overdose. Tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa’yong pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kung makalimutan ko ang isang dosis?
Kung napalampas mo ang isang dose ng oral rehydration salts. I-take ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa’yong susunod na dosis. Laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dosis.